Pagbalik ni Alex sa opisina ay nakita niya si Marjorie na inaalo ng mga kasama nito at nang lapitan niya ito ay nagsialisan ang mga ito para bigyan siya ng daan.
"I'm so sorry in behalf of my wife. I know, she didn't know what she's doing," pahayag niya at nakita niyang pinahiran ni Marjorie ang luha nito nito sa pisngi.
Magulo pa rin ang buhok nito dahil sa ginawang pagsabunot ng kanyang asawa rito.
Mamula-mula ang pisnging tinamaan ng sampal ni Xia.
"Hindi ko po alam kung anong naging kasalanan ko sa asawa niyo kaya niya ako ginanito," umiiyak nitong saad.
"I'm so sorry about that," pagpapakumbaba niyang saad.
"Do you need to go to the hospital?" tanong niya rito pero umiling-iling naman ito.
"Okay lang po ako," saad nito saka ito umiwas ng tingin. Tumayo na ito at bumalik sa mesa nito.
Pinilit nitong itinuon ang pansin sa gawain at wala namang nagawa si Alex para rito kundi ang pagmasdan na lamang ito na may awa.
Napasandal siya sa kanyang swevil chair nang nakapasok na siya sa kanyang opisina. Hindi niya kayang paniwalaan ang pangyayari ng araw na 'yon. Hindi niya akalain na magagawa iyon ni Xia dahil sa pagseselos.
"Do you know what have you done?!"
Naaalala niyang tanong niya sa kanyang asawa kanina.
"Bakit nagagalit ka dahil sinaktan ko ang kabit mo?!"
"A-anong kabit ang sinasabi mo?"
Aminado siyang nagulat siya sa naging tanong nito sa kanya kanina dahil ni minsan wala talaga sa utak niya na itatanong nito sa kanya.
"Kailan niyo pa ako niluluko? Kailan niyo pa ako talikurang ginagago?!"
Ramdam niya ang galit nito kanina kaya alam niyang hindi lang ito nanghuhula. Ramdam niyang may dahilan talaga ito kung bakit ganu'n kung mag-alburuto sa galitbang kanyang asawa.
"Alex, nagtiwala ako sa'yo. Ni minsan, hindi pumasok sa isipan ko na lulukuhin mo ako tapos ngayong alam ko na, ako naman ang gagawin mong may kasalanan sa lahat?!"
Napabuntong-hininga na lamang siya habang hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang katanungan kung saan nakakuha ng impormasyon ang kanyang asawa tungkol sa bagay na 'yon?
Kilala niya si Xia, hindi ito basta-basta lumalaban, hindi ito basta-basta gumagawa ng eksena kung wala itong matibay na ebidensiyang pinanghahawakan.
Pero ang malaking tanong ngayon sa kanyang isipan ay kung saan ito nakakuha ng impormasyon tungkol sa bagay na 'yon. Sino ang nagsabi rito?
Nakailang ulit ding nagpakawala ng malalim na hininga si Alex sa kaiisip ng posibleng kasagutan sa kanyang mga katanungan.
"Ano 'to?" tanong ni Maratha nang makita niya ang video na kumakalat ngayon sa kanilang kompanya.
"Hayop ka! Mang-aagaw!" sigaw ni Xia sa video na kanyang pinapanood.
Napaawang ang kanyang mga labi sa kanyang napanood.
Napatingin siya sa kanyang mga kasamahan at nakita niyang abala rin ito sa kapapanood sa video na kumakalat sa kanilang kompanya.
"Seryoso ba 'to?" tanong ng isa sa kanyang mga kasama.
"Hindi talaga ako makapaniwalang magagawa ito ni Xia," saad din ng isa pa.
"Ano bang nakain niya? Bakit niya nagawa 'to?"
"Iskandalosa talaga!" usal pa ng isa.
"Hindi na nahiya," dagdag pa ng katabi nito.
"Ang sabihin mo, director kasi ang asawa kaya kung umasta para nang walang pinag-aralan."
Napatingin sa kanya ang lahat nang bigla niyang ibinagsak sa kanyang mesa nang malakas ang mga folder na nasa ibabaw ng kanyang mesa.
"Hindi niyo alam kung ano ba talaga ang buong katotohanan kaya huwag kayong manghusga ng tao!" galit niyang saad sa mga ito.
Natahimik ang mga ito lalo na at naramdaman ng mga ito ang kanyang galit dahil sa kung ano-ano na lamang ang pinagsasabi ng mga ito tungkol kay Xia kahit wala namang alam ang mga ito sa kung ano naman ang totoong nangyari.
Napatingin siya kay Nicole habang tahimik itong nakatingin sa screen ng computer nito.
"May alam ka ba rito?" tanong niya sa nanahimik na si Nicole.
Nag-angat ng mukha si Nicole sabay tingin sa kanya na para bang nagtataka kung bakit niya ito natanong ng ganu'n.
"Ano naman ang pagkakaalam ko sa bagay na 'yan. Nandito lang ako buong maghapon kaya wala akong ideya sa bagay na 'yan."
Mabilis na dinampot ni Martha ang kanyang phone saka niya sinubukang tawagan si Xia dahil alam niyang masama ang pakiramdam nito, alam niyang problemado ito ngayon at nangangailangan ito ng makakausap.
Napamura na lamang siya nang kahit na nakailang tawag na siya ay hindi niya ito makuntak at talagang naka-off ang phone nito. Talagang nag-aalala siya para rito.
"Hayaan mo muna siya dahil baka gusto lang niyang mapag-isa," payo sa kanya ni Nicole kaya wala siyang nagawa kundi ang mapaupo na lamang sa harapan ng kanyang mesa at iniisip nang mabuti kung bakit nga ba ngakakaganu'n ang kaibigan.
Bakit nga ba nito nagawang sabunutan ang secretary ng asawa nito gayong wala naman silang alam na nagawang kasalanan ni Marjorie para gawan nito ng isang bagay na hindi maganda.
"Kumusta ka na?" tanong ni Xia kay Glendon habang magkaharap sila sa loob ng isang coffee shop.
"Okay lang. Ikaw? Kumusta na? Kumusta kayo ni Alex?" sunod-sunod nitong tanong sa kanya at para hindi masyadong halata ay sapilitan siyang napangiti.
"Okay lang kami. Sa awa ng Diyos, nakakaraos pa rin kahit papaano," pagsisinungaling niya kahit na ang totoo ay kagagaling pa lamang niya sa pag-iyak.
"Mabuti naman kung ganu'n. Masaya talaga ako para sa inyo," nakangiting saad ni Glendon sa kanya.
"Matagal ka nang nakauwi pero bakit ngayon ka lang nagpakita?"
Nakita niya ang saglit na pagkunot ng noo nito na para bang nagtataka saka ito sapilitang napangiti.
"A-anong matagal na?" nagtataka nitong tanong sa kanya na siyang nagbigay din sa kanya ng pagtataka rin.
"Hindi ba, umuwi ka nu'ng birthday namin ni Marco?"
Nakita niya ang pagtagpo ng mga kilay ng kanyang kausap pati na ang kanyang mga mata ay kung saan-saan na napatingin na para bang nag-iisip tungkol sa kanyang sinabi. He tilt his head showing that he is in confusion.
"Kauuwi ko lang," sagot nito na siyang nagpakunot sa noo ni Xia.
"Kauuwi mo lang?" paniniguro ni Xia.
"Hmmm," sagot nito sabay tango.
"Hindi ka umuwi nu'ng kaarawan namin ni Marco?" tanog niya ulit dahil gusto lamang niyang makasigurado.
"I really want to kaya lang, my schedule was so hectic kaya hindi na ako nakauwi during your birthdays. Pasensiya na, huh?"
"What are you doing here? Kanina ka pa hinahanap ni Alex."
Naalala niyang tanong sa kanya ni Martha nang gabing nakita niya si Nicole na may lalaking kayakap na ang buong akala niya ay ang kanyang asawa.
"S-si Alex?"
Naguguluhan pa niyang tanong dito nang gabing 'yon.
"Why Nicole is there?" nagtataka ring tanong ni Martha nang makita nito ang kaibigan sa direksyon kung saan niya ito lihim na pinagmamasdan na may kayakap na lalaki pero bigla namang nawala ng mga sandaling iyon ang lalaking kayakap nito.
"Kanina pa ba kayo diyan?" tanong sa kanila ni Nicole nang nakalapit na ito sa kanilang kinatatayuan.
"Bago lang. Anong ginagawa mo rito?"
"M-may kausap lang ako."
"Sino?" tanong pa niya rito na para bang inuusig niya nang mabuti ang kaibigan ng mga sandaling 'yon dahil gusto lamang niyang malinawagan.
"Sino, Nicole?"
"S-si Glendon."
"Si Glendon?"
"Oo. Nakabalik na siya."
"Bakit hindi siya nagpakita sa amin?"
"Gusto niya kaya lang... alam niyo naman kung ano ang sitwasyon ng tatlong lalaki, di ba?"
"But he promised na magpapakita siya kapag tuluyan na kaming magiging okay."
Sa totoo lang hindi talaga mawala-wala sa kanyang isipan ang kanyang nakita at ang kalooban niya ang lakas ng sinasabing may mali talaga pero dahil nakainom na siya ng mga sandaling 'yon pinili na lamang niya ang manahimik at paniwalaan ang kung ano mang naging sagot sa kanila ni Nicole.
Baka kasi nagmamalik-mata lamang siya at ayaw naman niyang pag-isipan ng masama ang kaibigan pati na ang kanyang asawa pero nang marinig niya ang totoo galing mismo sa bibig ni Glendon ay muling bumangon sa puso niya ang pangamba at takot na baka may pagtataksil na nangyayari sa kanyang likuran nang hindi niya alam dahil sa sobrang confident niyang hindi siya magagawang lukuhin ng mga taong nakapaligid sa kanya lalo na ng mga taong mahahalaga sa kanya.
"What's wrong? Is there a problem?" tanong sa kanya ni Glendon nang mapansin nito ang biglaan niyang pananahimik.
"Huh? W-wala. Wala," aniya sabay iling kahit na ang totoo, iba na ang kanyang nararamdaman, iba na ang pangambang nasa isipan at puso niya ngayon.
Tumayo siya para umuwi na lamang, "Uuwi na ako," pagpapaalam niya rito. Mabilis namang napatayo si Glendon para ihatid siya.
"Let me drive you home," sabi nito na agad naman niyang tinanggihan.
"Kaya ko nang umuwing mag-isa," tanggi niya kaya inihatid na lamang siya ni Glendon hanggang sa labas ng coffee shop.
"Mag-ingat ka," bilin nito sa kanya at napatango naman siya rito sabay ngiti.
"Ikaw din," aniya saka agad na siyang pumasok sa loob ng taxi na kanyang tinawag.
Kumaway muna si Glendon bago ito tuluyang nawala sa paningin ni Xia.
At habang nasa loob si Xia ng taxi na kanyang sinasakyan ay patuloy pa rin sa paglalaro sa kanyang isipan ang kanyang mga nalalaman.
Ano ba talaga ang totoo? Sino nga ba sa mga ito ang dapat niyang paniwalaan? Karapat-dapat pa ba siyang maniniwala sa mga taong nakapaligid sa kanya?
Umuwi siyang hindi pa nakakauwi ang kanyang asawa. Malamang, inaalo pa nito ang secretary nitong nasampal at nasabunutan niya habang siya heto, nag-iisa at walang kausap.
Durog na durog ang puso nang walang nakakaalam. Nasasaktan at wala man lang karamay.
Ang asawa niya na siya dapat ang unang taong tatakbuhan niya sa bawat pagkakataong masaya at malungkot siya ay siya pang naging dahilan ng sakit na nararamdaman niya ngayon.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kapag mapatunayan niyang magluluko nga talaga ang kanyang asawa.
At ang isa pang nagbibigay sa kanya ng pagtataka ay kung sino nga ba ang nagse-send sa kanya ng message tungkol sa kanyang asawa. Bakit parang nililigaw nito sa kanya ang tunay na katotohanan?