"Bullshit!" bulyaw ni Alex sa harapan ng mga empleyadong under sa kanya.
Galit na galit siya nang makita niya ang video ng kanyang asawa na kunakalat sa loob ng kanilang kompanya.
Galit siya sa ginawa ni Xia pero hindi ibig sabihin nu'n ay kaya na niyang tiisin ang mga masasakit na salitang kanyang naririnig para sa kanyang asawa.
"Who told you to posted it?" galit na tanong niya sa nagpakalat ng video na siya ring kumuha.
"Sorry po, director," nakayuko nitong saad.
"Delete it right now!" matigas niyang tugon na agad namang sinunod ng empleyadong nag-upload nu'n.
Nang matapos nitong i-delete ang nasabing video ay padabog na iniwan niya ang mga ito at dire-diretso siyang pumasok sa kanyang opisina.
Alam niyang makakaapekto iyon sa kanyang asawa at sana nga, hindi pa nito makita ang video na 'yon.
Kahit na hindi maganda ang pagsasama nilang dalawa ni Xia ay asawa pa rin niya ito at aminado naman siya na may kasalanan din siya sa ginawa ni Xia. Kung hindi lang sana ito nagselos, malamang hindi nito gagawin ang ganu'ng bagay.
"Bakit bigla nawala?" narinig ni Xia na tanong ng isang receptionist ng kompanya habang naglalakad siya papasok ng kompanya.
"Hindi ko pa nga napanood 'yon ng buo," sabad naman ng isa.
Napaangat ng mukha ang mga ito at napatingin ito sa kanya at para bang nagulat nagulat pa ang mga ito nang makita siya.
Hindi na lamang niya pinansin ang mga iyon dahil wala naman siyang pakialam kung ano ang mga businesses ng mga ito.
Pero habang nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad ay napakunot na lamang ang kanyang noo nang mapansin niya ang matatalim na tinging ipinupukol sa kanya ng ibang mga empleyadong nadadaanan niya.
Bawat empleyadong nadadaanan niya ay para bang may gustong sasabihin sa kanya, parang mau gustong malaman.
"Paano niya nagawa iyon? Akala ko ba naman mabait siyang tao."
Narinig niyang saad ng isang babaeng nadaanan niya.
"Nagtataksil nga siguro talaga ang asawa niya kaya niya nagawa ang bagay na 'yon," pahayag ng isa pang empleyado.
"Hindi ko talaga akalain na magagawa niya iyon. Hindi naman daw kasi totoo ang kanyang hinala," pahayag ng isa pa.
"Ganu'n nga siguro 'yon kapag director ang asawa," saad naman ng isa pa.
Napahinto si Xia sa kanyang narinig at nang lalapitan na sana niya ang mga ito upang komprontahin kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito dahil wala naman talaga siyang alam sa mga nangyayari ay siya namang pagdating ni Martha.
"Xia?" tawag nito sa kanya. Mabilis ang paghakbang nito palapit sa kanya at agad siya nitong hinawakan sa kanyang braso sabay hila sa kanya palayo sa mga ito na para bang iniiwas siya nito sa isang bagay na hindi naman niya alam.
"Anong pinag-uusapan nila?" tanong nita rito habang hila-hila siya nito papunta sa kanilang department.
"Xia?" salubong sa kanya ni Nicole. Napangiti siya pero ang ngiting 'yon ay dahan-dahan na nawala nang mapansin niya ang kakaibang tingin ng kanilang kasamahan sa department nila.
"Bakit?" takang-tanong niya sa mga ito.
"Xia, totoo bang kabet ng asawa mo ang secretary niya?" lakas-loob ng isa sa mga ito na siyang ikinataka niya nang labis.
Napatingin siya sa dalawa niyang kaibigan at nakita niya ang pasimpleng pagsaway ng mga ito.
Agad siyang lumapit sa kanyang pwesto at mabilis niyang binuksan ang kanyang computer kahit pa pilit siyang pinipigilan nina Martha at Nicole.
"Xia, hayaan mo na lang 'yon," awat pa ni Martha pero hindi siya nakinig.
Nang mabuksan na niya ang kanyang computer ay wala naman siyang nakitang kakaiba kaya napatingin siya sa dalawa na para bang humihingi ng paliwanag.
"Haist! Hayaan mo na lang 'yon," sabi ni Martha at sinubukan pa siya nitong patayuin nang maayos since bahagya siyang naka-bend sa harapan ng kanyang mesa kung saan nakapatong ang computer na ginagamit niya.
"Someone filmed you," pagtatapat ni Nicole at napatingin naman siya rito na may pagtataka sa mukha.
"Nicole," awat ni Martha.
"It's her right to know the truth," sabad ni Nicole.
"Tungkol saan?" tanong niya rito.
"About du'n sa pagsugod mo sa secretary ni Alex."
Napaawang ang kanyang mga labi at nanghihina ang kanyang mga binting napaupo siya sa kanyang swevil chair.
Ano bang katangahan ang kanyang pinaggagawa?
Pero mali ba kung nakaramdam siya ng pagseselos para sa mga ito?
Dali-dali siyang lumabas sa kanilang department para puntahan si Alex dahil baka kung ano na ang pinagsasabi ng ibang mga tao para rito. Ayaw niyang masira ang dignidad nito nang dahil sa kanya.
"Xia!" tawag sa kanya nina Nicole at Martha pero hindi pa rin siya nakinig.
Gusto lang niyang makausap ang kanyang asawa at para na rin makapaliwanag siya kung bakit nagawa niya ang bagay na 'yon kahapon.
Nang nakarating na siya sa department ng kanyang asawa ay agad siyang napahinto nang mapansin niya ang kakaibang tingin ng mga empleyadong nandu'n nang makita siya.
Nang makita niya si Marjorie ay hindi niya ito pinansin lalo pa at agad naman itong nag-iwas ng tingin nang makita siya nito.
Dumiretso siya sa loob ng opisina ng kanyang asawa at nadatnan niya itong nakaupo sa swevil chair nito kaharap ang maraming papeles.
Bahagya pa itong nagulat nang makita siya nito pero agad naman itong nag-iwas ng tingin na para bang wala itong pakialam kung siya man ang dumating.
"Why are you here?" tanong nito habang nakatuon sa hawak nitong mga papeles ang mga mata.
"I... I just want to say sorry about what I've done yesterday," sabi niya habang nanatili ang kanyang mga mata sa kanyang asawa.
"It's already done. You can go back to your work now," saad nito at ni hindi man lang siya nito nagawang tingnan kahit saglit.
"Alex, ano kasi. Akala ko kasi..." Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin dahil sa totoo lang ay nahihiya siya. Nahihiya siya sa katotohanang nang dahil sa kanyang katangahan ay nakagawa tuloy siya ng kaguluhan.
"Akala ko------"Akala mo. Akala mo!" Napapiksi siya nang biglang hinampas ni Alex ang hawak nitong mga papeles sa mesa nito saka ito nag-angat ng mukha.
Matatalim ang mga matang napatingin ito sa kanya.
"Alam mo bang marami ang namamatay sa maling akala, Xia?" tanong nito sa kanya.
Napayuko na lamang siya habang nagbabadya na naman ang kanyang mga luha sa pagdaloy mula sa kanyang mga mata.
"Alam mo bang nang dahil sa akala mong 'yan, marami ang naging resulta na hindi maganda?"
Nagi-guilty na tuloy siya sa kanyang ginawa. Hindi niya akalain na hahantong ang lahat sa ganito dahil lang sa maling impormasyon na kanyang natanggap.
Mali nga ba o baka iyon talaga ang totoo!
"Get out," utos ni Alex sa kanya.
"Alex, alam kong mali ang ginawa ko. Sorry na. Hindi ko na uulitin 'yon," maluha-luha niyang saad pero hindi na natinag pa ang kanyang asawa.
"Get out," muli nitong sabi, "Leave me alone," dagdag pa nito at wala na siyang nagawa pa kundi ang lumabas na lamang dahil ayaw na niyang maging dahilan pa siya nang lalong pag-init ng temperaturang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon.
Napasandal na lamang si Alex sa kanyang inuupuan nang tuluyan nang nakalabas ang kanyang asawa.
Naguguluhan na rin siya sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Xia pero kahit na ang gagawin niya ay hindi pa rin talaga mawala-wala sa kanyang isipan ang katanungan kung bakit nagawa ni Xia ang bagay na 'yon at kung bakit o papaano ito nagkaroon ng lakas ng loob para gawin ang bagay na ni minsan ay hindi nito nagawa?
Nang nasa labas na ng opisina ni Alex si Xia ay pinagtitinginan siya ng mga empleyadong nandu'n. Para siyang hinuhusgahan, para siyang kinikilitas sa pamamagitan ng titig ng mga ito.
"Marjorie?" Napaangat ng mukha si Marjorie at napatingin ito sa kanya.
Tahinik silang dalawang magkaharap sa isang mesa sa loob ng isang fast food chain kung saan niya ito niyaya nang saglit para kausapin.
"Sorry," aniya at talagang nabigla ang kanyang kausap dahil hindi nito inaasahan na hihingi siya ng patawad dito pagkatapos ng lahat.
"Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako sa nararamdaman ko."
Napatingin sa kanya nang maigi si Marjorie habang siya naman ay bahagyang nakayuko.
"Naiintidihan ko." Napatingin siya nang diretsa sa mukha ng kanyang kausap.
"Kung sa akin nangyari 'yon. Kung sakali mang naramdaman kong nangangaliwa ang asawa ko, malamang gagawin ko rin ang ginawa mo," pahayag nito na para bang naging dahilan upang kahit papaano ay napagaan ang kanyang saloobin.
"Kung sa tingin mo, nagluluko ang asawa mo, bakit hindi ka mag-imbestiga?"
Bahagyang napaawang ang kanyang mga labi sa naging suhestiyon nito sa kanya.
"Hindi ko sinasabing nagluluko nga ang asawa mo pero mas mabuti na rin 'yong may ginagawa ka para sa katahimikan ng kalooban mo."
Napayuko siyang muli dahil para bang nababasa nito kung ano nga ba ang tunay niyang nararamdaman sa bawat pagdaan ng araw.
"Hindi naman sa nawawalan ka na ng tiwala sa asawa mo. Gusto mo lang ng closure kaya hindi naman siguro masama ang alamin kung ano nga ba ang totoo, hindi ba?" pahayag pa nito habang siya naman ay nanatiling tahimik at nakikinig dito.
Hanggang sa kanyang pag-uwi ay hindi na nawala sa kanyang isipan ang naging suhestiyon sa kanya ni Marjorie.
Gusto na rin niya ng katahimikan kaya hindi naman siguro masama kung gagawin niya ang sinabi nito sa kanya.
Napatingin siya sa phone number na nag-text sa kanya na may kalaguyo ang kanyang asawa at pati na kung sino ang naging kalaguyo nito.
Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng buong katotohanan sa kanya. Hindi na niya alam kung dapat ba niya itong paniwalaan basta ang alam lang niya ay lumakas ang kanyang agam-agam na may ginagawa ang kanyang asawa kaya kahit na anong gawin niya ay hindi siya nito magawang mapatawad.
At 'yon ang kailangan niyang malaman!
Kinabukasan habang naliligo si Alex ay inihanda naman ni Xia ang damit na susuotin nito. Since, weekend wala silang pasok ay pambahay na damit ang kanyang inihanda para rito at habang abala siya sa kanyang ginagawa ay naagaw ang kanyang atensiyon ng phone ng kanyang asawa nang bigla itong nag-vibrate.
Napatingin siya sa pintuan ng kanilang banyo at naririnig pa niya ang patuloy na paglagaslas ng tubig mula sa shower. Ibig sabihin ay hindi pa tapos maligo ang kanyang asawa.
Pilit niyang binalewala ang phone ni Alex but her instinct keep telling her to take a look at it dahil pakiramdam niya ay may makukuha siyang impormasyon.
Kahit pa nanginginig ang kanyang kamay ay kinuha pa rin niya ang phone ng kanyang asawa para na rin sa katahimikan ng kanyang kalooban.
I'll wait for you.
Text message na kanyang natanggap mula sa isang nagngangalang Nico.