Labis siyang nabigla sa kanyang nakita. Napaawang ang kanyang mga labi at halos hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
Kumakabog ang kanyang puso dahil sa takot at kaba na nararamdaman.
Agad siyang napatinging muli sa kanyang asawa at this time, kitang-kita na niya ang nag-aapoy nitong mga mata sa galit na nararamdaman para sa kanya ng mga sandaling 'yon.
"Sweetie, let me explain," nanginginig ang boses na saad niya at nang akma niyang hahawakan sana ang asawa ay bigla itong umatras palayo sa kanya.
"'Yon ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi ka mabuntis-buntis?" tanong nito sa kanya sa boses na nanunumbat habang nakaturo ang daliri nito sa birth control na nasa ibabaw ng center table.
"Magpapaliwanag muna ako."
"Kaytagal kong hinintay na magkaanak tayo, Xia pero ito pala ang ginagawa mo!"
"Alex, makinig ka muna."
"For what, Xia?!"
Nangingitid na sa leeg ni Alex ang mga ugat nito sa galit na nararamdaman para sa asawa.
"Gusto ko ring magkaanak pero inisip ko-----"Pero, inisip mong ano?!"
Hindi siya nakaimik sa tanong ni Alex dahil alam niyang mas magagalit ito sa kanyang rason.
"Dahil inisip mo na kapag mabuntis ka at magkaanak, hindi mo na makukuha ang pinapangarap mong promotion? Ganu'n ba?!"
Lalo siyang natahimik dahil hindi niya inakala na mababasa pala nito ang kanyang isipan.
"Bakit ganu'n, Xia? Bakit?!" bulyaw nito sa kanya.
"Gusto ko lang namang umangat para kahit papaano, mapatunayan ko sa ibang tao na karapat-dapat ako para sa'yo," umiiyak niyang paliwanag.
"Sino bang mas mahalaga para sa'yo? Ang ibang tao o ako?!"
May mga luha na ring dumadaloy sa magkabilang pisngi ni Alex nang mga sandaling 'yon.
"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na hindi na mahalaga kung ano ang sasabihin ng ibang tao dahil hindi naman nakadepende sa kanila ang buhay natin pero ano? Mas pinahagalahan mo pa rin ang sasabihin nila kaysa sa akin!"
"Alex, alam kong mali ako pero sana naman maiintindihan mo ako."
"Alam mo ba kung ano ang nasa isip ko ngayon, Xi?"
Puno ang mga mata ng luhang napatingin siya sa kanyang asawa na puro galit lamang ang kanyang nakikita mula rito.
"You've never loved me from the beginning."
Napaawang ang mga labi ni Xia sa tinuran ng kanyang asawa. She never thought na darating sila sa point na maririnig niya mula rito ang mga katagang 'yon.
"Alex, hindi ganu'n 'yon. Mali ka nang----"Dahil kung mahal mo 'ko, you will include me in every decisions you're going to do, Xia. Hindi 'yong ganito. Gumagawa ka ng decision nang hindi ko alam."
Napaupo si Alex sa sofa habang nasa mukha nito ang isang larawan ng isang taong may malaking problemang kinakaharap.
Umiiyak na lumapit si Xia rito saka siya bahagyang napaluhod sa harapan nito at nakapatong ang dalawa nitong palad sa may bandang kanang tuhod ng kanyang asawa.
"Sorry," humihikbi niyang saad, "Gusto ko lang namang ma-promote muna bago ako magkaanak dahil gusto kong magiging karapat-dapat ako sa'yo," pahayag niya habang bumabalong sa magkabila niyang pisngi ang kanyang mga luha.
"Oo, aaminin ko. Gumagamit ako nu'n..." Napapikit si Alex nang marinig niya ang pag-amin ng kanyang asawa.
"...pero maniwala, tinigilan ko na ang paggamit nu'n."
Napatingin si Alex sa labas ng bahay kung saan, puro ilaw na lamang mula sa ibang kabahayan ang kanyang natatanaw maliban sa madilim na kapaligiran.
"Sana... sana maiintindihan mo ako."
Napasigok si Xia nang bigkasin niya ang mga katagang 'yon ay malaki ang kanyang dalangin na sana mauunawaan siya ni Alex.
Napatingin siya sa kanyang mga palad nang dahan-dahan itong tinanggal ni Alex mula sa pagkakapatong nu'n sa ibabaw ng tuhod nito.
"Sana, magawa mo rin akong intindihin," anito saka mabilis itong tumayo at lumabas ng bahay.
Naiwan siyang napahagulhol na lamang sa iyak at dahan-dahan na napaupo sa sahig ng kanilang sala.
Pakiramdam ni Xia ng mga sandaling 'yon ay biglang nawala ang alak na kanyang ininom ng gabing 'yon dahil sa pag-aalalang nararamdaman niya. Pag-aalala na baka kung saan na mapupunta ang kanilang masayang relasyon matapos malaman ni Alex ang tungkol sa birth control na gingamit niya.
Hindi niya aakalain na sa kanyang nagawa, hahantong pala sila sa ganito.
Hindi niya aakalain na ang masayang pagsasama nilang dalawa na halos kahapon lang ay tinatamasa nila ay nabahiran na ng luha ng mga sandaling 'yon.
Wala nang nagawa pa si Xia kundi ang mapaiyak na lamang habang sising-sisi naman siya sa kanyang nagawa pero sana naman ay magagawa pa siyang mapatawad ng kanyang asawa.
Oo, gumamit siya ng birth control pero hindi ibig sabihin nu'n ay ayaw na niyang magkaanak silang dalawa, hindi ibig sabihin nu'n hindi na mahalaga sa kanya ang kanyang asawa, hindi ibig sabihin nu'n hindi na niya ito mahal. Sadyang may mga bagay lang talaga sa buhay na kung minsan ay nagiging mas nauuna pang aasikasuhin ng isang tao kaysa sa kanyang mga priorities sa buhay.
Mahal niya si Alex at ayaw niyang mawala ito sa kanya at nakahanda siyang gagawin ang lahat, babalik lang ang kung ano mang mayroon sila noon.
Init na ng sinag ng araw ang nagpagising sa diwa ni Xia at agad siyang napabangon nang mapansin niyang sa sofa pala siya natulog.
Napatingin siya sa kabuuan ng sala sa pagbabasakaling mamataan niya ang kanyang asawa pero wala ito.
Umuwi kaya ito? Tanong niya sa sarili saka mabilis niyang tinungo ang kanilang kwarto pero walang Alex siyang nadatnan du'n.
Sinubukan niya itong tinawagan pero hindi siya nito sinasagot.
Tatawagan sana niya si Marco para tanungin kung pumunta ba rito ang kanyang asawa ay hindi naman niya itinuloy dahil ayaw naman niyang malaman ng mga ito ang totoong nangyari sa kanilang mag-asawa kagabi.
Problema nilang mag-asawa iyon kaya dapat silang dalawa lang din ang dapat na magkakaalam.
Lalabas na sana siya ng kwarto nang siya namang pagbukas ng pintuan ng banyo.
Napaawang ang kanyang mga labi nang makita niya ang kanyang asawa na katatapos lang maligo.
Agad siyang lumapit dito pero mabilis naman siya nitong nilagpasan.
"Baka ma-late ka na at hindi ka na mapo-promote niyan," may panunudyong saad nito sa kanya.
Nanatili lamang nakatuon ang kanyang mga mata sa asawa habang namimili ito ng masusuot para sa trabaho.
"Alex-----"Magbihis ka na," agad nitong singit sa iba pa sana niyang sasabihin saka siya nito binalingan.
"Hindi ba, gusto mong ma-promote?" tanong nito sa kanya na siyang nagpatikom sa kanyang bibig.
"You need to be punctual para naman masiyahan sa'yo ang manager mo at ire-rekomenda ka niya."
May bahid ng panginginsulto ang boses ni Alex nang bitawan niya ang mga katagang 'yon saka muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa nitong pag-aayos sa sarili.
Nang nasa harapan na sila ng kompanya ay tahimik lamang si Alex at nang magsasalita sana si Xia ay agad namam siyang inunahan nito.
"Male-late ka na."
Wala na siyang nagawa pa kundi ang bumaba na lamang mula sa sasakyan nila at hindi kagaya ng dati, agad na nitong pinasibad ang sasakyan papunta sa basement ng kompanya para i-park.
Gusto na namang tumulo ang mga luha ni Xia pero pinigilan niya iyon dahil marami ang dumadaan sa kanyang harapan na mga empleyado ng kompanya.
"Hi, good morning," bati nina Martha at Nicole sa kanya nang makita siya nitong papalapit sa kanilang pwesto.
Sapilitan siyang napangiti para naman hindi mahalata ng mga ito na hindi maganda ang kanyang umaga.
"Good morning din," sagot niya sa mga ito saka siya napaupo sa kanyang swevil chair saka inasikaso ang mga gawaing nakaatang sa kanya.
"Okay ka lang?"
Nagtatakang napaangat siya ng mukha at napatingin siya sa kanyang kaibigang si Nicole na nasa harapan niya at kasalukuyang nakatitig sa kanya habang si Martha naman ay nanatiling naka-fucos sa ginagawa nito.
"O-oo naman!" aniya sabay ngiti kahit na sapilitan, "Bakit?" tanong niya rito.
"Mukha ka kasing umiyak. Namamaga ang mga mata mo."
Napasilip si Martha sa kanya saka nito sinuri ang kanyang mukha nang marinig nito ang sinabi ni Nicole at hindi pa ito nakuntento, hinawakan nito ang kanyang chin saka nito bahagyang iniharap nito sa sarili.
"Oo nga. Umiyak ka ba kagabi?" tanong din ni Martha sa kanya nang makita nito ang kanyang mga matang namamaga.
"H-hindi naman. Bakit naman ako iiyak?" balik-tanong niya sa mga ito.
"Eh, bakit namamaga 'yang mga mata mo?" pangungusisa pa ni Martha.
"Wala nga 'to. Nasobrahan lang siguro ng pagtulog. Kagigising ko lang kaya," pagsisinungaling niya.
"Ahh," halos sabay na sabi ng dalawa na may kasabay pang pagtango.
Mabuti na lamang at napaniwala niya ang mga ito.
Agad na ibinalik ng dalawa ang atensiyon ng mga ito sa trabaho habang siya naman ay nakatingin nga sa kanyang ginagawa pero ang layo naman ng lipad ng kanyang isipan.
"Okay ka lang?" Napapiksi siya nang bahagyang tinapik ni Martha ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa nang mga sandaling 'yon.
Kasalukuyan silang kumakain ng pananghalian at napansin na naman ng mga ito ang pagkatigagal niya. Tamilmil din ang kanyang pagkain na siyang lalong kumuha sa atensiyon ng mga ito.
"Huh? M-may sinabi ka ba?"
"Sabi ko, okay ka lang ba?" ulit ng kanyang kaibigan.
Marahan siyang tumango kasabay ng sapilitang pagngiti.
"Oo naman. Okay lang ako," pagsisinungaling niya ulit.
"Niloloko mo ba kami?" tanong naman ni Nicole, "Kitang-kita namin ang pagiging tulala mo diyan habang kaharap mo ang pagkain mo," dagdag pa nito.
"Ano ba naman kayo," nakangiti niyang sabi, "...'wag niyo na akong pansinin. Okay lang talaga ako."
"Papaano ka namin hindi mapapansin, eh hindi ka naman ganyan," singiti naman ni Martha.
Kahit na alam niyang hindi perpektong kaibigan si Martha pero talagang tandang-tanda nito ang mga nakakagawian niyang gawin kaya hindi talaga niya ito maloloko.
"May mga iniisip lang ako but believe me, everything is fine," giit pa niya.
Wala namang nagawa ang dalawa kundi ang maniwala na lamang. Wala naman silang mapapala kung pipilitin nila si Xia para sasabihin sa kanila kung bakit nga ba ito nagkakaganito ng mga sandaling 'yon.