Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko sa nabasa. Magugulat ba ako, magtataka o magagalit? Halo-halo ang emosyon na aking nararamdaman. Kahit kailan ay hindi ko inisip na dadating ang araw na mabubuko kami. Palagi akong nag-iingat at hindi nagsasalita ng kung ano lalo na kapag nag-uusap kami ng mga kaibigan ko o kaklase ko tungkol kay Noah. Natatakot ako na baka pag nagsalita ako ay mahalata nila ang pag-iiba ng trato ko pagdating kay Noah. Kaya pinipili ko na manahimik sa gilid. Ayaw kong dumating ang araw na kinatatakutan ko. Kaya para hindi mangyari iyon ay dapat na mag-ingat ako palagi. Tuwing umaalis kami ni Noah ay pumupunta kami sa ibang lugar upang walang makakita sa amin. That was the best way if we wanted to date each other. Kampante ako na walang nakakakilala

