My breathing was heavy as my heart couldn't stop beating erratically while watching the scene in front of me. Naguguluhan ang aking isip at walang kahit anong ideya ang pumapasok sa aking utak kung ano man ang nangyayari dito. Magulo ang buong room at ang tanging nakakabinging iyak lang ni Medea ang umalingaw-ngaw sa tahimik na silid. Parang walang pake ang aking mga kaklase habang pinagmamasdan si Medea na nakaluhod sa harap ni Ashley. My heart aches while staring at her. Ang gulo-gulo ng buhok nito pati na rin ang kaniyang mukha. Nagkalat ang kaniyang make up at basang-basa ang mukha dahil na rin sa kaniyang luha. Gusot-gusot ang damit at nakaluhod sa harap ni Ashley. May takot at pagmamakaawa ang mga mata nito. Hindi ko mapigilang mapakagat ng aking labi at pinilit ang sarili na pumaso

