Tumayo ang lahat ng balahibo sa buo kong katawan dahil sa mga salitang binigkas nito. Hindi ko maigalaw ang aking buong katawan at nakatulala lang habang nakatingin sa walang emosyong mukha nito. Madilim at malamig ang mga mata nito at galit, na para bang handa itong durugin ang buo kong pagkatao anumang oras ngayon. Napalunok ako nang paulit-ulit nang makaramdam nang panunuyo sa aking lalamunan. Binuksan ko ang nanginginig kong labi para magsalita. "W-what? What are you saying?" naguguluhan at kabado kong tanong sa lalaki. Dahil sa sinabi nito at sa klase ng pagtingin nito sa akin ay parang nawala ata ang epekto ng alak sa buo kong katawan. Kung kanina ay hindi ako sigurado kung si Noah ba talaga ang kaharap ko at kung kamukha lang ba niya, ay ngayon sy sigurado na ako na si Noah ito. Na

