Napatigil ang ikot ng aking mundo dahil sa sinabi nito. Ramdam ko ang paninikip ng aking puso dahil sa kaniyang sinabi. Maiiyak na sana aki nang makita ko ang multonh ngiti sa mga labi nito. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at pinagsusuntok ang matigas na dibdib nito. Hinayaan niya lang ako at tuluyan nang ngumisi. "You're lying!" Sinamaan ko ito nang tingin nang mahina lang itong tumawa. Napailing-iling ito aliw na aliw ako na pinagmasdan. Why the heck is he enjoying this? Ang sarap sabunutan. Nagwawala ang aking puso at hindi ko maintindihan kong anong klaseng emosyon ba ang naramdaman ko noong sabihin niya na ikakasal na siya. 'Yong puso ko ay parang iniipit at hindi ako makahinga nang maayos. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at kinurot ang balat nito. Alam ko naman na

