Ang bilis lumipas ng panahon, hindi ko namalayan na halos isang buwan na pala kaming nandito sa Pilipinas. Kasalukuyan kaming nakatira ngayon ni Saia sa unit ni Noah. Hindi pa raw kasi tapos ang bahay nito, kahit na last year pa raw nito iyon pinatayo. Hindi ko tuloy maiwasan mag-isip kung gaano ba kalaki ang bahay na pinatayo niya at sobrang tagal natapos? Binuksan ko ang aking mga mata at tamad na bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi ko alam kung anong oras na pero base sa ilaw na nanggagaling sa labas ay siguro ay tanghali na. Napatingin ako sa hubad kong katawan at hindi mapigilang mapangiwi nang makita ang napakaraming marka na nagkalat sa aking katawan. Lalo na sa bandang dibdib ko na halos may pulang marka na nakapaligid. Napailing-iling na lang ako at dahan-dahang tumayo. Medyo m

