Hindi ako kumibo at gulat pa rin na nakatingin sa kaniya. Sobrang lakas nang kabog ng aking puso at parang na blangko ang aking utak habang nakatingin sa kalagayan ng dating kaibigan. Kahit na hindi man nito sabihin ay alam ko na agad na may sakit ito. Ang dating malusog at maganda nitong pangangatawan ay naging mapayat. Ang mahaba at ma alon-alon nitong buhok dati ay tuluyan nang nawala. Ang kaniyang magandang mukha ay tila naging matamlay at nag-iba. Hindi ko alam kung bakit pero sumasakit ang aking puso habang nakatingin sa kaniya. Hindi pa rin ma proseso ng aking utak na sai Vanessa itong kaharap ki ngayon. Tulala lang ako habang nakatingin sa naiilang niyang mukha. Hindi pa rin makapaniwala. Kung may sakit ito, bakit ito nandito? And with that expression, why is she looking at Noah'

