Chapter 1

1517 Words
Muling sinipat ni Danica ang sarili sa salamin bago lumabas ng apartment.  Lahat ng kaba, takot at pag-aalinlangan ay kailangan niyang itapon sa mga panahong ito.  Nasa ospital ang Mama Silvia niya at kailangang maoperahan kaagad kung hindi ay baka hindi na ito makalakad.  Noong isang araw ay nabangga ito ng humaharurot na Ford Expedition ngunit dahil walang kasama ang ina ay hindi ito nasaklolohan kaagad nang takbuhan ng nakabangga.  Hindi malinaw sa cctv footage ang plaka ng sasakyan kaya wala silang mahahabol sa gastusin sa pagpapagamot.  Ang paa nito ang napuruhan at kailangang operahan para maisalba at hindi manganib ang paglakad nito.  They need two hundred fifty thousand kasama na ang anim na buwang theraphy.  At dahil hindi rin ito makakapaghanapbuhay ay wala silang panggastos dahil siya'y nag-aaral pa lamang. She sighed in desperation.  Matagal na silang hindi lumalapit sa mga kamag-anak ng ina sa Batangas mula nang ipinagbuntis siya nito sa isang lalaking may-asawa.  Marco Solivan, ito ang pangalan ng ama ayon kay Silvia.  Nakilala ito ng ina sa isang medical mission sa kanilang bayan, ngunit kahit nalamang nabuntis nito si Silvia ay iniwan din sila dahil kasal na ito at may dalawa ng anak sa Maynila.  Noong pinanganak siya'y literal na walang tumayong ama sa kanya kaya ang gamit niyang apeliyido ay sa ina.  Siya ngayon ay si Danica Martha Gamboa.  Noong matapos siya ng high school ay namasukan siyang sales lady sa isang sikat na department store sa Maynila at kinuha niya ang ina mula sa Batangas para may makasama sa apartment.  Nakilala at naging malapit na kaibigan niya si Lizette na kalaunan ay tumigil sa pagtatrabaho sa mall at nauwi sa pagiging escort girl.  Hindi niya ito masisisi, anim pa ang naiwan nitong kapatid sa Leyte na lahat ay pinapaaral nito bukod pa sa mga gastusin nitong pansarili dito sa Maynila.  Dahil sa trabaho nito ngayon, kahit ito man ay nakakapag-aral na rin sa kolehiyo. Life needs money to live it.  Katulad niya, na ngayon ay nangangailangan ng malaking halaga para mabuhay ang ina. Dalawang taon na ang nakaraan nang pilitin niya ang ina na sabihin kung sino ang tunay niyang ama.  Inabot nito ang calling card na naninilaw na sa kalumaan.  Naroon ang pangalan ng doktor,  ospital na pinagtatrabahuhan at ang telepono nito.  Ngunit dahil labingwalong taon na ang nakaraan ay iba na ang lahat ng detalyeng nakasulat doon.  Ang sabi ng ospital na pinagtanungan niya ay lumipat na ito sa St. Luke's sa Quezon City at sa Makati Medical Center.  Sinubukan niyang puntahan ang ospital sa Quezon City na binigay ng receptionist at naabutan nga doon ang ama.  Pagkatapos magpa appointment dahil sa akalang pasyente siya ay nakausap niya ito ngunit hiniling niya na makausap ito ng sarilinan.  Nagpakilala siyang anak ni Silvia Gamboa.  Nung una'y nabigla ito ngunit sa huli ay niyakap siya at humingi ng tawad sa kanya.  Hindi man lubos na napatawad ay tinanggap nito ang alok na tulong na pag-aralin siya sa kolehiyo.  Yun man lang daw ay makabawi ito sa kanilang mag-ina.  Bwan bwan ay nagpupunta siya sa opisina nito para makuha ang pang tuition at allowance niya.  Ipinakiusap naman ng ama n sana'y maging lihim pa rin ang lahat.  Maysakit sa puso ang asawa nito at ayaw niyang magkaroon ng anumang gulo oras na malamang may anak ito sa labas.  At wala siyang magawa kundi pumayag dahil wala na rin naman siyang magagawa.  Ginamit na lang niya ang sirkumstansyang iyon para makatapos pa rin ng pag-aaral at maiahon silang mag-ina sa hirap.  Sinubukan niyang humingi ng tulong sa ama ngayong nasa ospital ang ina ngunit ang sabi ng sekretarya nito ay nasa Amerika si Marco para sa operasyon ng asawang may sakit sa puso.  In short, mataatagalan ito doon.  At umaandar na ang pamamalagi ng ina sa ospital at kailangan din ng agaraang operasyon nito.  "Desperate time calls for desperate measures, Dani," wika ni Lizette sa kanya ng makita ang pag-aalinlangan niya.  "Alam kong hindi ka sanay sa ganitong trabaho, pero isipin mo na lang ang kapakanan ng Mama mo.  Saan ka kukuha ng ganoon kalaking halaga sa loob ng bente kwatro oras?"  Muli niyang silipat ang sarili.  Ibang iba  ang itsura niya ngayon sa leather pants and leather jacket na suot, ang pang-itaas niya'y itim rin na sleeveless blouse; tila nagluluksa siya ngayon para sa sarili sa kalagayan niya.  Pero ang mukha ay may makapal na makeup at pulang-pulang lipstick, at pinakulot ang buhok gamit ang plantsa.  Lahat ng iyon ay ipinagamit ni Lizette sa kanya.  "Huwag kang mag-alala, ang makakasama natin ngayon ay batang mayaman at hindi mga DOM.   Sinabi ko na kay Brandon na magdala ng kaibigang matino pero abot langit ang yaman."  Ang Brandon na tinutukoy nito'y isang batang businessman na regular na kumukuha sa kaibigan kapag may mga lakad sa club.  May girlfriend ang Brandon na ito ngunit tumitikim pa rin ng babaeng 'escort girls' katulad ni Lizette.  Nag-taxi sila papunta sa club na mahigit isang oras ang layo mula sa inuupahang apartment sa Quezon City.  Alas dyes na ng gabi ngunit matrapik pa din kaya halos mag aalas dose na sila nakarating sa Club.  Tulad ng inaasahan ay maraming tao sa loob, maraming mga kabataang nagsasayaw sa gitna ng dance floor, mausok dahil sa sigarilyo at amoy alak ang mga taong nandoon. Pagpasok nila'y pinagtitinginan sila na hindi naman niya ikinagulat.  High school pa lang siya'y alam niyang asset niya na ang magandang mukha at kutis.  Nakuha niya iyon kay Marco na isang half-american.  Nakita niyang may lumapit na isang lalaki sa kanila at nagpakilala sa kanya.  Pinisil ni Lizette ang kamay niya at binulungang tanggapin iyon pero magpaalam kaagad dahil mayroon na silang ka-date.    Sinunod nya ito at nakipagkamay sa lalaki kahit kung makangisi ito'y tila manyakis sa kanto.  Nagpaalam siya ng maayos saka hinila na siya ng kaibigan papasok pa ng club.  Napabuntung hininga siya, paano kung ganoon ang lalaking imimeetup niya rito ngayon?  Kahit yata bayaran siya ng limang milyon hindi niya magagawang sumama doon. Iginiya siya ni Lizette sa bar counter at um-order ito ng dalawang shotglass.  Hindi niya alam kung ano ang tawag doon dahil hindi naman siya sanay uminom.  "Drink this." Inabot sa kanya ni Lizette ang isa at ang isa'y nilagok ng tuloy tuloy.  "Kailangan mo yan dahil tingin ko'y kanina ka pa nanginginig sa takot.  You'll meet a lot of those in this club.  Huwag kang papasindak."  Tinitigan niya ang hawak saka agad na nilagok.  Agad naramdaman ang guhit sa lalamunan at bahagyang umikot ang paningin. "Ano ba tong pinainom mo sa 'kin?"  pagalit niyang tanong. "Pampalakas ng loob at pampakapal ng mukha.  Tara na andun sila sa dulo."  Hinila siya nitong muli at tumapat sila sa dalawang lalaking nakaupo sa couch sa dulo ng club.  "Hi! Brandon, meet my friend Dani.  Dani meet my friend Brandon," pakilala niya kanilang dalawa.  Ang kasama nitong lalaki ay nakatingin lang sa kanila.  "Hi! I didn't know you have a gorgeous friend.  Available din ba yan?"  tanong nito.  "Hindi siya para sayo g*go,"  sagot nito sa lalaki ng pabiro.  "Ginawa mo pa akong bugaw.  Anyway, is this your friend?" "Ah, yes.  Meet Zandro, single and ready to mingle."  Tumawa ito.  Inilahad naman nito ang kamay kay Lizette at sa kanya.  "I'm Zandro," pakilala naman nito at tamad na ngumiti pagkatapos ay umupong muli na tila wala naman sa mood makipag-usap. Umupo si Lizette sa tabi ni Brandon at ang naiwan na lang na bakanteng espasyo ay ang sa tabi ni Zandro. Sinenyasan siya ni Lizette na umupo kaya tumabi na rin siya dito. Inabutan siya kaagad ng inumin ni Lizette at nagbigay ng warning look na inumin iyon. Another shotglass.  Nilagok niya iyong muli. "You look familiar," wika ng kaibigan kay Zandro. "He poses for magazines. A rich man, a model, and a doctor," sagot ni Brandon. "Oh, good catch," wika ni Lizette at nakita niya ang pang-uuyam na ngiti nito sa kaibigan. Pagkatapos ay tumayo ito at lumipat sa bar counter at humingi ng inumin sa bar tender. Hinintay nilang makabalik ito'y hindi ito bumalik bagkus ay uminom itong mag-isa at talaga palang iniwan sila. "Suplado naman yung dinala mo," wika ni Lizette kay Brandon. "Actually hindi ko siya dinala dito. His brother owns this place at nang tinanong ko kung nasan siya'y itinuro niya ang club na ito. Maybe he's not interested," sagot nito. Pinanghinaan siya ng loob. Wala naman pala siyang mapapala sa pagpunta niya ngayon dito. Akala niya'y masosolusyunan niya na ang problema sa pera. Nagsimula nang magharutan ang dalawang kaharap at naiirita sya sa ginagawa ng mga ito na tila wala siya roon. Kunsabagay ay halos lahat ng magkakapareha doon ay walang ginawa kundi maglingkisan. Yumuko siya at muling nahagip ang isa pang shotglass na hindi ginalaw ni Lizette, nilagok niyang muli at nakaramdam siya ng hilo. Sumandal siya at pumikit. "Aakyat lang kami sa VIP room, ikaw na ang bahala kay Mr. Suplado," bulong ng kaibigan saka umalis kasama ni Brandon at umakyat sa ikalawang palapag ng club. Napasapo siya sa noo at nadismaya. Kung uuwi siya'y tuluyan niya nang isinuko ang kaligtasan ng Mama Silvia niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD