Chapter 2

1041 Words
Napalingon si Zandro sa konaroroonan ng babae, nakayuko ito at sapo ang ulo na tila may malaking suliraning dala. Napamura siya sa sarili. Nang tinawagan siya ni Brandon kanina'y wala itong sinabing may kasama itong babae, though he knew Brandon as a certified womanizer, at lagi naman itong may kasamang babae pag nandito sa club. Ngunit ang magdala pa ng babae para sa kanya ang ikinagulat niya. At hindi lang babae.  Isang magandang babae. She doesn't look like one of those girls na nagpapabayad kapalit ng serbisyong sekswal. She looked innocent and shy. Ni hindi niya ito narinig nagsalita. But her presence alone makes his blood boil lalo kaninang nagkadikit ang mga siko nila nang umupo ito sa tabi niya. That's why he had to walk away. Kung baguhan pa ito sa pag i-escort ay ayaw niyang masama sa listahan nito. Hindi naman siya katulad ni Brandon. Nang muli siyang lumingon ay mag-isa pa rin ito. Malamang iniwan na ito nina Brandon para pumunta sa VIP room ng club. Tangka niyang aalisin ang tingin sa dalaga nang mahagip naman ng tingin ang lalaking papalapit dito. Isang congressman na mahilig sa mga bata. Muli siyang napamura at agad bumalik sa pwesto ng babae. Bago pa ito naiabot ang pakikipagkamay sa congressman ay nahapit na niya ang bewang nito at alam niyang nagulat ang dalaga. Tinanggap pa rin naman nito ang kamay ng lalaki pero umalis din agad ang congressman nang makitang kasama siya nito. Nagulat si Danica sa inasal ni Zandro at agad umahon ang init sa katawan niya nang lumapat ang matipuno nitong braso sa bewang niya. Alam niyang lasing na siya dahil mula kanina'y nakaka limang shotglass na yata siya. Tama si Lizette, nakakapagbigay ng lakas ng loob ang epekto ng alak.  She reminded herself again why she is in this goddamn place after all. "Your arms are on my waist, Mister whoever you are. At bakit mo itinaboy ang gustong makipagkilala sa akin?" Tinigasan niya ang boses at tinitigan ito sa mata. May kung anong karisma naman yata ito dahil siya rin ang nagbaba ng tingin. Tumaas ang kilay nito nang hindi na siya muling nakapagsalita. "Where's your consistency?" tanong nito at umupo sa harap niya. Naasiwa siya sa pagkakatitig nito na mukhang walang balak ibaling sa iba ang mata. Aaminin niya malakas ang personalidad nito, the most handsome man she has ever met, but intimidating at the same time.  At kung totoong mayaman ito ay sana'y willing maglabas ng pera. At least hindi niya pagsisisihan ag isang gabing ipagkakaloob niya ang sarili kung ganito naman kalakas ang atraksyon.  Kung sakala mang pumayag ito. "Umalis ka na kanina, what made you comeback?" Pinagkrus niya ang mga hita at muling nakipagtitigan dito. It's showtime, aniya sa sarili. "Well, you got me curious. You look like a sixteen-year-old girl at hindi ka bagay sa lugar na ito." "First, I'm nineteen already. At saan ako sa tingin mo naroroon dapat?"  “What’s your name again?” “Danica.” "So why are you here?" deretso nitong tanong sa kanya na hindi niya kaagad nasagot. Ang akala niya'y ang katulad ni Brandon ang makaka meetup niya, naghahanap ng one night stand at hindi na itatanong kung bakit siya naroon. Sa inaasal ni Zandro ngayon ay hindi ito pumapatol sa mga bayarang babae. Malamang ay may girlfriend o asawa na ito. "I need money," matapat niyang sagot. Hindi naman sila magkakilala kaya't bahala na ito kung ano ang gusto nitong isipin. Mag-aala una na ng madaling araw pero wala pang nangyayari sa mga plano niya. "Are you willing to pay?" Tila naman inaasahan na nito ang sasabihin niya.  "I thought so.  Anong kapalit?" "One night with me." "How much?" "Five hundred thousand." Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito na ikinainsulto niya.  Lumapit ang waiter at may inabot na ladies drink,  nang tanungin niya kung kanino galing ay itinuro nito ang lalaking lumapit kanina.  Gusto niyang manghilakbot nang kumindat pa ito sa kanya ngunit inilabas niya ang pinakamatamis niyang ngiti.  Nakita niyang naningkit ang mata ni Zandro.   "Half a million…"  mahina nitong sabi at tumayo para lumapit sa tabi niya at humarap.  Gusto niyang umatras pero magmumukha lang siyang tanga,  dahil iyon naman talaga ang pakay niya.  Kailangan niyang maakit ito at pumayag na magbayad sa kanya.  "That's a lot when I can even get it for free.  Alam mo ba kung ilang kababaihan dito ang gustong makaulayaw ako kahit isang gabi lang?"  Pinaglandas nito ang daliri sa leeg niya at pinaningigan siya ng tuhod.  Ang hininga nito'y umaabot sa pisngi siya at nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. Marahil ay dala ng alak, kaya tila nagugustuhan niya ang ginagawa nito.   "You don't even know how to flirt with a man, how can I expect you to please me in bed?  And you want me to pay half a million?"  "Then get out of my way.  I will find someone who is willing,"  matapang niyang sagot.  "Sino?  Yung congressman na iyon?  Believe me, babe, hindi ka sanay sa mga ganoong tao.  Alam kong alam mo ang asset mo at maaakit mo sinuman dito.  But he will eat you alive, at hindi mo magagawang kumawala kapag nagkataon."  "Problema ko na yun, Mister." "Zandro,"  pagtatama nito sa kanya.  "If you are going to fill my bed, you should at least know my name."  "So pumapayag ka na?"  Ngumiti ito at halos gusto niyang matunaw.  Pero wala sa plano niya ang maakit dito gaano man kalakas ang dating nito sa kanya.  "My place or yours?"  tanong nito. "Cash or check?"  "Then it's my place.  Nasa condo ang cheke ko." "Paano ako nakakasigurong magbabayad ka?" "Wala pa akong nilokong tao sa tanang buhay ko at wala kang choice kundi magtiwala."  Tumayo ito at hinatak ang kamay niya.  Mabilis silang nakalabas ng club at nakasakay sa kotse nito sa parking.  Sa daan ay halos walang nagsasalita sa kanila.  Tahimik lang itong nagmamaneho at siya'y nakatingin lang sa labas.  Ala una pasado na at habang humahaba ang oras na kasama niya ang lalaking ito'y lumalalim ang atraksyon nito sa kanya.   And she can't afford to get attached to this man.  Kailangang pagkatapos ng isang gabi na ito ay hindi na sila muling magkita kahit ano pa ang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD