Kabanata 1
Lulan ng eroplanong patungong Pilipinas si Clyde Castillo buhat sa bansang Amerika, komportable siyang nagpapahinga sa business class seat ng eroplano habang pinagmamasdan ang larawan sa kanyang cellphone na may lungkot at pangungulila sa mga mata nito.
“Ma’am, would you like some drinks?” narinig niyang tanong ng flight attendant sa isang pasahero ng eroplanong nakaupo sa may likuran niya.
“Sparkling water, please,” narinig niya ang malambing na tugon ng babae. Hinding-hindi niya malilimutan ang pamilyar na boses yun ng nag-iisang babaeng kanyang minahal.
3 years ago…
Nakatayo si Zia sa labas ng gate ng kanilang bahay habang hinihintay ang pag-uwi ng asawang si Clyde. Parati niyang isinasantabi ang mga naririnig na sabi-sabing may ibang babae ang asawa mapa-opisina o kapitbahay man. Naniniwala siyang hindi kayang gawin iyon sa kanya ng asawa kaya patuloy siyang nagtitiwala hanggang sa natanaw na niya ang sasakyan ng asawang parating ngunit hindi pa man nakakalapit sa tapat ng kanilang bahay ay bigla itong huminto. Kinabahan siya kaya naglakad siya patungo sa sasakyan sa pag-aakalang nasiraan ng kotse dahil biglang namatay ang makina nito maging ang ilaw.
Nang makalapit ay kakatukin na sana niya ang bintana ng sasakyan nang may dumaang isang sasakyang may malakas na ilaw at doon niya naaninag at nasaksihan ang kanyang asawang may kasamang babae at akmang hahalikan ito.
“Clyde…” bulalas niya habang nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha. Tila nabato si Zia sa kinatatayuan at wala ng lakas para kumilos paalis sa kinatatayuan hanggang sa mapansin iyun ni Clyde na nasa loob ng sasakyan, lumabas ang kanyang asawa para harapin siya na tila walang alam sa nangyari.
“Anong ginagawa mo sa labas, asawa ko?” ambang hahawakan niya si Zia sa magkabilang kamay ngunit hindi niya ito pinayagan at winarigwig ang mga braso.
“Don’t call me that… Matagal na panahon akong nagbingi-bingihan sa mga naririnig ko, Clyde pero ito pala talaga ang katotohanan. Tama nga sila na hindi ako dapat magtiwala sa’yo dahil sinaktan mo lang ako.” Malamig na sabi niya habang pinupunasan ang mga luha.
“Ngayong nalaman mo na ang katotohanan, bakit nandito ka pa rin sa harap ko? Wag mong sabihin saking umaasa ka paring hihingi ako ng tawad sa’yo?”
Tinalikuran ni Zia ang asawa at tumakbo papasok ng bahay nila, inimpake na ang lahat ng kanyang mga damit at lumabas ng bahay dala ang bagahe niya. Nakasalubong pa niya ang binata sa labas at iniabot ang papel, “wag mong kalimutang pirmahan bago ka tuluyang umalis,” malamig na paalala ni Clyde sa kanya.
End of Flashback
Walang anu-ano niyang nilingon ang babaeng pasaherong nakaukupa sa likuran niya, kay tulin ng pagkabog ng kanyang dibdib na para bang may nagtatambol sa kalooban niya habang sabik na nilingon ang babae na kaboses ng kanyang ex-wife.
Si Clyde Castillo ay isang successful businessman at nagmamay-ari ng mga naglalakihan at naggagandahang resorts sa iba’t-ibang panig ng bansang Pilipinas. Siya ay dalawampu’t-walong taong gulang, annulled sa asawa, makisig, matipuno, matangkad, maraming achivements at nasa kanya na yata ang mga pisikal na katangian na hinahanap ng mga kababaihan dahil hindi nalalayo ang itsura niya sa artistang si Piolo Pascual kaya naman hindi nakakapagtakang marami ang babaing nalilink sa kanya ngunit sa kabila nito ay hindi maitatangging may kulang sa kanyang buhay at ito ang nais niyang muling makamit lubos niyang pinagsisihan simula ng mawala sa buhay niya si Zia.
Nanlaki ang mga singkit na mata ni Clyde nang tumama ang kanyang hinala, kumurap pa siya para malamang hindi siya nananaginip. Minasdan niya ang malaanghel nitong mukha, aminado siyang malaki ang pinagbago nito mula ulo hanggang paa. Ang dating tuwid na buhok nito ngayon ay kulot na. Mas umangat ang kanyang kaseksihan, kaputian at kagandahan.
“Z—Zia?” ang tanging lumabas sa kanyang mga bibig habang nakatitig sa dating asawa.
Nakadekwatro si Zia habang nakasandal sa kanyang upuan, nakasuot ito ng square shape glasses na bumagay sa hugis ng kanyang mukha, Si Zia El Fiero ang kanyang dating asawa ngunit naaksidente ito dahil sa pakikipag-deborsyo ng asawa pagkalapag pa lamang niya ng bansang Amerika at nagawang itago ng pamilya El Fiero ang madilim na sinapit ng anak para sa planong paghihiganti sa pamilya Castillo. At si Rhianna El Fiero ang tutupad ng kanilang mga plano, siya ang sinasabing kambal ni Zia. Simula ng mawala si Zia ay namuhay na siya sa katauhan ng namayapa niyang kambal upang maisakatuparan ang kanilang hangarin laban sa pamilya ni Clyde.
Hindi nag-abalang lumingon si Zia nang marinig niya ang tawag sa pangalan niya dahil na rin siguro ay hindi pa siya sanay na tawagin sa ganoong pangalan, nakatuon pa rin ang atensyon niya sa mga ulap sa kalangitan at nakatulala sa bintana na tila ba napakaraming nasa isipan.
Hindi na nakapagpigil pa si Clyde at tumayo siya sa kanyang kinauupuan dahil sa kasabikang mahagkan ang babaeng kanyang pinakamamahal ay nagtungo siya rito at biglang niyapos ang dalaga ng walang pasintabi.
Nagulat naman si Zia nang bigla siyang niyakap siya ng isang hindi kilalang lalaki, nagpumiglas siya hanggang tuluyan niyang maalis ang mga bisig nito sa kanya atsaka pinakawalan ang isang malakas na sampal, “bastos!” galit niyang sabi.
Nang mag-angat ng ulo si Clyde ay saka lamang niya nakilala ang binata, ibinaba pa niya ang kanyang glasses upang makasigurong hindi siya nagkakamali ng tingin. Kabisadong-kabisado niya ang buong detalye ng mukha nito, hinding-hindi niya malilimutan ang mukha ng lalaking naging sanhi ng pagkawala ng totoo niyang pagkatao.
“I’m sorry, Zia... Nasasabik lamang akong makitang muli ang aking pinakamamahal na asawa,” malambing na sambit niya.
Iniangat ni Zia ang kanyang glasses at inilagay sa ulo, pinagtaasan niya ng kilay ang lalaking sanhi ng pagkamatay ng totoong Zia. Kumukulo ang dugo niya sa galit at umiinit ang ulo, nanlalamig ang kanyang buong katawan sa tindi ng pagkamuhing kanyang nararamdaman sa kanilang pagtatagpong iyon at nakuha pa nitong sabihin ang mga katagang iyon sa kanya. Marinig pa lamang niya ang pagbigkas ng pangalan ni Zia ay kinikilabutan na siya sa lalaki.
“Huh?! Mahal ba kamo? Kung mahal mo ko hindi mo ko sasaktan, kung mahal mo ko hindi mo ko iiwan at kung mahal mo ko hindi mo ko hahayaang mamatay!” bulalas niya, nangingilid ang mga luha niya ng mga sandaling iyon.
“Mamatay? Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin,” naguguluhung nasabi ni Clyde habang nakatingin sa kanyang mga malulungkot na matang napupuno ng luha.
“Haay… ano ka ba, Rhianna? Ikaw si Zia,” paninisi niya sa sarili. Mabilis siyang humanap ng salitang pwede niyang idagdag sa mga salitang binitawan, “Oo! Dahil para mo na rin akong pinatay simula nung araw na sinaktan, iniwan, niloko, at pinagtabuyan mo ako tapos heto ka? Binibitawan ang mga salitang yan? Nasaan doon ang pagmamahal na sinasabi mo, Clyde?” mariin niya binigkas ang pangalan ng binata.
“H… hindi ko intensyong saktan ka, Zia. Naipit lang ako sa sitwasyon,” his voice broke nang magpaliwanag ito, kitang-kita sa mga mata ng binata ang pangungulila sa kanya.
“Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo, limang taon na rin ang lumipas,Clyde. You have to get over it. And please go back to your seat and let’s pretend na hindi tayo nagkita at hindi tayo magkakilala,” malamig na sabi ng dalaga.
---