CHAPTER -17

3251 Words
"Paulo naka usap muna ba si Romuel? " wika ni Carmela sa binata. Katatapos lamang ng salo-salo at nag siyuwian narin ang mga taong dumalo sa gabi na iyon. Walo lamang silang natira sa Mahabang lamesita ang dalawang magka sintahan na sina Cindy at Mike, sa kabilang upuan naman ay sina Kiel at Layla ,magka tabi naman sina Mrs Carmela at Anne habang kaharap naman ng mga ito sina Paulo at Petra "Yes tita. Next week paraw siya makakabalik at sa kasal nalang ni Paula siya uuwi. Kailangan Pa niya imbistigahan ang nangyare kay Governor at sa mag-ina niya"saad ni Paulo na nag pagulat sa ginang, natutop nito ang bibig at nanlalaki ang matang naka tingin lamang kay Paulo "What do you mean mag-ina? " saad ng ginang "Tita mahigit 2week napong Pregnant ang Fiance ni Romuel si Brenda --- "Who's Brenda? Akala koba si Bianca lang ang nagugustuhan ng anak ko, mula pagka bata" naka kunot nuong saad ni Carmela "Long story po tita" sagot ni Paulo, walang kahit na anong alam si Carmela sa mga nang yayare sa kaniyang panganay na anak. dahil sa nangyare sa kaniya at sa Tromang dinanas niya sa mga taong kumuha sa kaniya nuon. Ginahasa siya ng Leader ng mga kalalakihang pumatay sa kaniyang asawa, pagka tapos ay pinag papalo nito ng bakal ang kaniyang mga binti kaya kamuntikan na siyang maimbalido. Kaya napaka laking himala ang nangyare sa kaniya kanina, nang malamang nakaka lakad na siya at nagising sa matagal na pagka tulala. At dahil iyon lahat sa kaniyang anak na si Joy. "Aray! " biglang sambit ni Paulo at napa tingin kay Anne na nasa harapan lamang niya at Tanging lamesa lamang ang naka harang sa pagitan nila "Bakit Paulo? "Ani ng ginang "Nothing tita" sagot ng binata, pero ang totoo ay kanina Pa namimilipit sa sakit ang mga daliri ng kaniyang paa dahil sa pag tapak ni Anne sa kaniyang paa. Habang magka harap sila ay naka isip ng kapilyuhan si Paulo, dahan-dahan niyang iginalaw ang kaniyang paa at may pang aakit na pinalakbay niya iyon sa binti ng dalaga, pagka tapos ay nagulat na lamang siya ng bigla na lamang ipitin ng dalawang binti nito ang kaniyang paa pagka tapos ay gigil nitong inapakan ang kaniyang paa "Tita babalik napo kami sa kabilang bahay. Mag papahinga napo kami ng Girlfriend ko" wika ni Mike kaya napa baling naman ang tingin nila dito "Asawa ko este Mike aalis kana? Hindi kaba dito matutulog? " ani ni Petra at mabilis na lumapit kay Mike dahilan nang ikina taas ng kaliwang kilay ni Cindy "Yes Cindy napagod rin kami sa biyahe---- "Gusto mo hilutin kita magaling ako dun bebeko, este Mike... Magaling ako mag masahe"saad ni Petra "No need, kaya Kong masahiin ang boyfriend ko, let's go babe, tita good night po " wika ni Cindy at bumaling ito sa ginang bago lumapit at bumeso Pa ito ganuon rin kay Anne at Layla tska tumalikod na kasama si Mike. "Kami rin po tita" ani naman ni Kiel kaya tumayo narin silang lahat pagkatapos ay naiwan na lamang silang apat "Anne anak, tabi tayo ha duon kana matulog sa Room ko, haayst ano bayan ayaw kitang tawagin sa pangalan nayan --- "Tawagin niyo nalang po ako kung saan po kayo komportable " naka ngiting saad ni Anne "Okey Joy anak, Petra ang Room ni Paulo ---- "Maayus napo Ninang " mabilis na sagot ni Petra Kinabukasan nagising na lamang si Anne dahil sa malambot na palad na humahaplos sa kaniyang mukha. Pag mulat pa lamang niya ay ang naka ngiting mukha ni Carmela ang kaniyang nakita. "Good morning anak, Happy birthday baby ko" saad ng ginang at hinalikan siya nito sa nuo "Good morning rin po ---- "Mommy anak ,mommy ang itatawag mo saakin."naka ngiting saad ni Carmela "Mommy"aniya, sa umagang iyon ay masayang nag kwentuhan ang dalawa, kinuwento lahat ni Anne ang lahat ng nangyare sa kaniya at kung pano kabuti ang Nanay Teresa niya maging ng mga Santiba, matapos silang mag almusal ay naisipan ni Mrs Carmela na sa Deluna Resort sila mag se Celebrate ng kaniyang Birthday bilang si Joy "Paulo Hindi naman ako mawawala ah pwede bang bitiwan mona ako. Gusto ko nang maligo " saad ni Anne sa binata, mula Pa ng umalis sila sa bahay hanggang sa maka rating sila ng Resort ay hindi parin siya iniiwan at binibitawan ng binata kung hindi sa bewang niya ito naka kapit ay sa kamay naman niya, at minsan ay humakbay na sa kaniya kulang nalang ay buhatin na siya nito at yakapin habang nag lalakad sila. "Maliligo narin ako" sagot ng binata "Edi bitiwan mona ang kamay ko dahil mag bibihis Pa ako" naka taas kilay na saad ni Anne "Let's go" tipid na tugon ni Paulo na ikina pag taka naman ng dalaga "Saan tayo pupunta? Hoy mag bibihis nga sabi ako" ani ng dalaga at pilit inaalis ang kamay ng binatang naka kapit parin sa kaniya "Ako na mag bibihis sayo. Baka mag suot ka na naman ng salamin ng Kabayo" sagot ng binata na ikina lito naman niya "Anong salamin ng kabayo? Nag sasalamin ba ang kabayo? "Aniya ,at bigla ay naalala niya nuon yung strapless bikining sinuot niya. Kaya pinamulahan siya ng mukha pagka tapos ay pinag hahampas niya sa braso ang binata na ikina tawa naman nito. "Salamin ng kabayo ha! Bastos! " inis na sabi ni Anne habang ang binata ay tumatawa lamang. "Ang laki eh, kaya salamin ng kabayo kung maliit naman ay salamin ng kambing ---aray hahaha tara na ako na ang mag bibihis---aray naman sweetypie" anang binata at patuloy parin ito sa pag tawa "Kung hindi mo ako bibitawan tatadyakan ko talaga Yang itlog ng pugo mo " ani ng binata na ikina tigil ng binata sa pag tawa "What's Pugo? " nag tatakang saad ni Paulo at hinawakan ng isang kamay nito ang alaga dahil sa takot na baka totohanin nga ng dalagang tadyakan 'yon "Tsss pugo lang hindi Pa alam, Quail ano gets? " anang dalaga at pilit na huwag mapangiti dahil sa biglang pag ngiwi ng mukha ng binata 'Ang cute kahit naka ngiwi ang mukha putik ang hot parin ng g*go' tili ng isip niya "What! Napaka liit nun Sweetypie" anang binata ngumisi naman ang Dalaga "asus nakita ko nanga yan eh " ani ng dalaga at gustong inisin ang binata "Oh nakita mona pala eh maliit ba?" May pag hahamong saad ng Binata "Hmm oo maliit" pigil ang ngiting sagot ng Dalaga "Sweetpie tignan mo ulit ,hindi ito maliit" "Ano? Ayaw konga! Ahhh ibaba mo ako" anang dalaga at napatili pa siya ng bigla siyang pangkuin ng binata sa balikat nito. "Oh Paulo saan mo dadalhin ang anak ko?" Naka taas kilay na wika ni Carmela ng maka salubong nila ito. Ibinaba naman ni Paulo ang dalaga pero hinawakan parin niya ito sa kamay "haha nag lalaro lang po kami tita sasamahan ako ni Joy mag hahanap ng Kabibe" sagot ng binata kaya mas lalong tumaas ang kilay ng ginang "Sasamahan? Kailangan pang buhatin? Paulo ha, baka nakaka limutan mong si Joy ko Yan" saad ni Carmela "Alam kopo mommy este Tita " sagot ng binata at ngumiti pagka tapos ay hinakbayan naman ang Dalaga "Bye po tita" agad na sabi ng binata upang hindi na maka pag salita Pa ulit ang ginang "Paulo hiramin muna namin si Anne" saad ni Layla at hinila ang isang kamay ng Dalaga. Lihim naman nag pasalamat si Anne dahil makaka ligtas narin siya sa wakas sa binata "Saan kayo pupunta? Samahan kona kayo" ani ng binata at ayaw talagang pakawalan ang Dalaga "Hoy Santiban, Girls bonding namin to. Mag papatulong ako kay Anne para kay Petra " ani ni Layla sabay kindat kay Anne "Bakit hindi mo yayain si Cindy? " anang binata "Nako mainit dugo ni Petra dun. Sige na saglit lang naman ibabalik korin si Anne sayo " pag pupumilit Pa ni Layla "Tsss baka naman po Master pakawalan mona ako" saad ni Anne at halata sa boses ang pagka inis. Bumuntong hinga muna ang binata at wala ng nagawa kundi ang pakawalan ang kamay ni Anne "Tsss istorbo ka talaga Layla. Umalis nanga kayo sa harapan ko baka mag bago Pa ang isip ko" anang binata "Ang OA mo Paulo ha. Maka bakod ka naman kay Anne akala mo Boyfriend ka tssss halika nanga Anne tinotopak na naman 'yan" saad ni Layla at hinila na ang kamay ng dalaga paalis. Bumalik naman si Paulo sa Dalawang kaibigan na sina Kiel at Mike. Wala parin si Romuel dahil nasa Davao Pa ito upang imbistigahan ang pagka matay ng mag-ina nito. Habang nag lalakad siya ay may naka salubong siyang isang pamilyar na babae, nakilala lamang niya ito nang ngumiti sa kaniya ang babae at nilapitan siya "Trixi? " aniya sa pangalan ng babae, ito yung babaeng naka fling niya nuon ng isang araw lang, ngunit nabitin Pa dahil biglang dumating nuon si Anne sa kaniyang Condo unit "Hi Sir Paulo " saad ng babae., tinignan niya ito mula ulo hanggang pala, wala parin itong pinag bago napaka sexy parin ng Secretary ni Sebastian "Who's with you " aniya "my Boyfriend Sir ,second anniversary namin ikaw sinong kasama mo? Nakita ko kanina si Sir Mike " anito "Ow yah! Magkaka sama kami" sagot niya * Nag lalakad na ang apat na babae pabalik sa kanilang Cottage ng matanaw nang mga ito si Paulo na may kausap na ibag babae. "Tsss chickboy talaga" naiiling saad ni Cindy "Anne ano lalapitan natin? " wika naman ni Layla, umiling lang siya "hindi na, hayaan na natin " mahinang saad ni Anne at nauna ng mag lakad sa mga kasama. Matagal ng natapos ang trabaho niya kay Mrs Santiban nang mapansin nilang naka focus nanga sa Trabaho si Paulo at hindi na nila ito nakikita at nababalitaang namba babae mag mula ng maka away niya ang anim na mga babaeng naka Fling nito. Pero kahit matagal ng tapos ang kaniyang trabaho sa binata at may sarili narin siyang trabaho sa pag dedesenyo ay pinag patuloy parin niya ang pagiging Ladymaid nito, bilang pag tanaw ng utang na loob sa lahat ng mga naitulong sa kaniya ni Mrs Paulyn . Kaya sa araw na iyon ay nakita niyang may kasamang ibang babae si Paulo ay naka ramdam siya ng Pagod. Pagod na siya maki pag away sa mga babaeng lumalapit dito at isa pa'y nasasaktan narin ang kaniyang kalooban dahil sobrang umaasa ang kaniyang puso na mag babago panga ang binata at ngayon alam na nitong siya si Joy ay umaasa siyang siya lang ang huling babae sa buhay nito. "Sinungaling! Ang sabi niya mahanap lang niya si Joy mag babago na siya, pero ngayon heto nanga ako. Ako nanga si Joy wala parin pinag bago. " gigil niyang bulong. "Anne? "Napa hinto siya ng may tumawag sa kaniyang pangalan. Kaya napa hinto rin ang kaniyang mga kasama Nagulat Pa siya ng makilala niya ang lalaking tumawag sa kaniya. "Lennon? " aniya, si Lennon ang basketball player na Dating Crush niya nuon "Anne sabi ko nanga ba ikaw 'yan eh, kumusta kana? Nandito ka pala" wika ng binata sa kaniya ng maka lapit ito sa kanila "Anne sa cottage lang kami ha, sumunod ka nalang" ani ni Layla kaya binalingan niya ang mga ito bago tinanguan "sige" aniya "Ay hindi wala siya dito, si Joy ang nandito " pamemelosopo naman ng bagong lapit na si Paulo , lumapit ito sa kaniya pagka tapos ay humalik Pa ito sa kaniyang labi na ikina gulat niya. Bigla ay namula ang kaniyang mukha dahil sa hiya lalo na't nasa harapan nila si Lennon "Ow hi Pare I'm Lennon kababata ni Anne sa Tondo kapitbahay narin---- "Tsss I Don't Care, stay away from my fiance" tiim bagang saad ni Paulo. At hinapit ng isang braso nito ang bewang ni Anne upang ipakita sa lalaking kaharap na sa kaniya lang ang dalaga "Paulo! " biglang saway ni Anne sa binata. Nagulat talaga siya sa tinuran nito 'Aaarg nakaka hiya kay Lennon, ano na naman trip ng impaktong to? 'wika ng isip niya "Lennon pasensya kana ha--- "No it's okey Anne, I understand by the way nice to see you again, Pari just take care of her" saad ng binata at tumalikod na ito sa Dalawa. "Bitiwan monga ako! Ano 'yun? Fiance? Nag papatawa kaba Paulo? Nakaka hiya kay Lennon yung Style mo. " ani ni Anne ng maka alis na si Lennon sa harapan nila. "Tsssk! " asik ng binata "Anne my Joy sweetypie, Hindi mopa ako nakita pano magalit, so please huwag kang ngi-ngiti sa ibang lalaki kung ayaw mong maka patay ako--- "Paulo! Kilabutan kanga! Anong patay patay pinag sasabi mo? Napaka OA mona ha. Ikaw nga may ibang kausap na babae kanina hindi ako nangealam kaya huwag morin akong----- Hindi na naituloy ni Anne ang kaniyang sasabihin ng bigla na lamang siya halikan ni Paulo. Mapag parusang halik ,sa sobrang diin ay halos malagutan na siya ng hininga " Please huwag mo akong galitin kung ayaw mong parusahan kita sa ibang paraan" madiing saad ng binata habang habol parin nito ang hininga ng magka layo na ang kanilang mga labi. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Anne sa kanang pisngi ng binata "Damn You Paulo! " sigaw ni Anne sa binata at padabog na umalis sa harapan nito. Naiwan namang nag tatagis ang bagang habang napailamos ng mulkha si Paulo "sh*t sh*t! Fvck! " pag mumura niya at napa sabunot na siya ng kaniyang buhok. Nadala lang naman siya ng selos kaya niya iyon nagawa sa dalaga, sa sobrang inis niya ay pina rusahan niya ng madiing halik ang labi ng dalaga at hindi Pa siya nakontento ay sinadya niyang kagatin ang ibabang labi nito. "Brad anong problema bakit ganyan ang mukha mo? " ani sa kaniya ni Kiel ng maka lapit sa dalawa, nasa Resto Bar sila malapit sa kanilang Cottage . "Tsss Oh! iinom mulang yan " saad naman ni Mike sabay bigay sa kaniya ng basong may lamang alak Sa una ay konti lang ang iniinom niya hanggang sa humaba na ang usapan nilang tatlo ay naparami narin silang naimon. "Ginalit ko na naman siya, ano bang kailangan Kong gawin para paniwalaan niya ako hik* manlokoko, masamang lalaki na talaga ang tingin niya saakin eh matagal nanga akong nag bago" saad ni Paulo habang pasigok sigok na ito dahil sa kalasingan. Samantala tuluyan ng naka tulog ang dalawang kasama niya, dahil katulad nito ay mga lasing narin kaya duon na bumagsak Habang ang apat naman na mga babae ay nag-iinuman rin ,nag sasayawan Pa ang mga ito dahil may dinalang maliit na Soundbox si Petra kaya injoy na injoy nila ang pag iinom ,alas onse narin ng gabi at Hindi na nila iyon namamalayan dahil sa kanilang pag iinjoy "Anne ihahatid kona si Layla , ikaw na ang bahala kay Petra" wika ni Cindy habang inaalalayan sa pag tayo si Layla, nilingon naman ni Anne si Petra at napapailing na lamang siya dahil sobrang lasing na lasing ito. Kung ano ano ang sinasabi "Ohh hik* nasan na bayung Bebe Mike ko, kanina kopa hindi nakikita yung asawa ko hik* ikaw Cindy nasan ang asawa ko? ibinulsa moba? "Lasing na wika ni Petra ,habang si Cindy naman ay hindi na nito pinansin ang babae. Sanay narin siya sa kalokohan ni Petra satwing makikita nito ang kaniyang Boyfriend ay Lantaran nitong tinatawag na asawa o bebe ang kaniyang Boyfriend. "Sige Cindy ako na ang bahala sa kaniya" aniya "Ayun tinalikuran na ako ng kabit ng asawa ko, haay nako ang ganda talaga ng kabit na 'yun kaya siya siguro mahal ng asawa ko" saad ni Petra at kinokompas Pa sa ere ang kamay nito "Petra tama na 'yan" aniya ngunit nang akmang hahawakan na niya ito ay tsaka naman nawalan ng Malay kasabay ng pag hilik nito, kaya napapa iling na lamang siya. Oo nga't maging siya ay lasing narin ngunit malinaw parin sa kaniya ang lahat ,alam niyang hindi niya kaya si Petra lalo na't mas malaki ito sa kaniya, marami siyang nainom kaya wala siyang gaanong lakas upang hakayin ito pabalik ng Cottage nila. Naisipan niyang humingi ng tulong sa mga kasama kaya iniwan niya muna saglit si Petra "Haayst mga walang kwenta kabonding tinulugan ako ng mga G*go" ani ni Paulo at tumayo na sa kina uupuan. Kamuntikan Pa siyang mapa subsob sa sahig dahil sa Pa ekis niyang pag lakad. Hanggag sa maka labas na siya ng Resto Bar at iniwan na niya ang dalawang kaibigan. Pasuray suray niyang tinatahak ang patungo sa kaniyang cottage hanggang sa maka salubong na naman niya ang isang babae. Napa ngiti Pa siya ng makita niya sa kaniyang paningin ang magandang mukha ni Anne. "Sir Paulo lasing kana po" saad ng babae "Hindi ako lashing sweetypie naka inom lang. halika nga dito, sorry na kanina ha hindi ko napigilan ang selos ko hik*" saad ng binata at mahina niyang hinila ang isang kamay ng babae at iniyakap niya ang Dawalang braso niya sa bewang nito pagka tapos ay kaagad na niyang sinunggaban ng halik ang labi ng Babaeng inaakala niyang si Anne Papunta na si Anne sa Cottage ng mga Boys upang duon humingi ng tulong para kay Petra ngunit bigla siyang napa hinto sa kaniyang pag lakad ng makita ng dalawang mata niya sina Paulo at ng babaeng nakita niyang kasama nito kanina Halos madurog ang puso ni Anne dahil sa tanawin na kaniyang nakikita ngayon sa kaniyang harapan. Hindi narin niya namamalayan ang pag agos ng kaniyang mga luha. Pakiramdam niya niloko at pinag titripan lang talaga siya ng binata. Gusto niyang sugurin at saktan ang dalawang taong nag hahalikan ,ngunit halos pakiramdam niya ay lumubog na ang kaniyang mga paa sa kina tatayuan dahil hindi niya ito magalaw. " hindi dapat iniiyakan ang mga ganyang klaseng tao " ani ng lalaking nasa likuran niya kaya napalingon siya rito habang hilam parin sa luha ang kaniyang mga mata. "Lennon" sambit niya sa pangalan ng lalaki. Ewan ba ni Anne, ngunit namalayan na lamang niya ang kaniyang sarili na naka yakap na pala siya sa katawan ng binata "Pareho nila tayong niloko kaya huwag kana umiyak Annyko" saad ng binata, Annyko ang tawag nito sa kaniya nung Highschool Pa lamang silang dalawa ni Lennon. At dahil matangkad ang binata ay tumingala siya upang tignan ang mukha nito habang hindi parin niya inaalis ang mga braso niyang naka yakap sa binata. "Yung babaeng kasama ni Paulo--- "Yes Annyko she is Trixi my Girlfriend " putol ng binata sa kaniyang sasabihin pagka tapos ay nag pakawala ito ng mapait na ngiti sa labi nito. Sobrang nadadala na si Paulo sa lalim na halikan nila ng babae, kaya ang isang kamay niya ay malayang nag lalakbay sa katawan nito hanggang sa malulusog nitong dibdib. Nag taka Pa siya dahil naka Bikini lang pala ang babaeng kahalikan niya. Kaya nag mulat siya ng mata At ganun na lamang ang laking gulat niya ng mapag tantong hindi pala si Anne ang kahalikan niya kundi si Trixi. para siyang binuhusan ng malamig na tubig kaya sa gulat niya ay bigla niyang naitulak ang babae dahilan upang bumagsak ito sa buhangin. Ngunit ang kaninang init niya sa katawan ay agad iyon lumipat sa kaniyang ulo ng mapa dako ang tingin niya sa Dalawang taong magka yakap walanh iba kundi sina Anne at ang lalaking pinag selosan niya kanina. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD