CHAPTER -16

2996 Words
Humahangos naman pumasok sina Paulo at Romuel kasunod rin ng mga ito dumating sina Kiel at Layla. sa silid ni Carmela ,tahimik namang naguguluhan parin si Anne dahil sa mga nangyare kanina. Gulong gulo siya nag tatalo ang kaniyang puso at isipan dahilan sa mga nangyare. "Anne, Petra anong nangyare? " saad ni Romuel ng maka labas ito galing sa silid ng ina. Pagka tapos nitong makitang mahimbing natutulog ang ina ay pinasya niyang lumabas na "Kuya nag salita kanina si Ninang, paulit ulit niya binanggit ang pangalan ni Ate Joy. Tapos kanina ay tinawag niyang Joy si Ms. Anne at nag-iiyak na" pag rereport naman ni Petra. Pagka tapos ay bumaling ito kay Anne "Ms. Anne anong nakita ni Ninang sa kamay mo? Bakit ganun na lamang siya umiyak? " nag tatakang pag uusisa nito. Umiling lang si Anne habang gulong-gulo parin. "Tinignan niya lang itong peklat ko" mahinang sagot niya. Bigla ay nagulat na lamang siya ng biglang hawakan ni Romuel ang ang kaniyang kaliwang kamay at katulad ng ginawa ng nanay nito ay titig na titig rin ito sa kaniyang peklat. "Bakit? " aniya Akmang bubuka na sana ang bibig ni Romuel upang mag salita ng biglang mag ring ang kaniyang Cellphone "Excuse" mahinang saad nito at sinagot na ang tawag. "Hello who's this? " wika ni Romuel "Sir si Miguel po ito. " pakilala ng nasa linya "Oh. Bakit? " "Sir napanuod niyo napo ba ang balita?" Ani ng nasa linya "Bakit anong meron sa balita? " kunot nuong tanong ni Romuel "Sir sumabog po ang kotseng sinasakiyan nina Mam Brenda--- "WHAT!?' gulat na wika ni Romuel at napalakas Pa ang boses nito dahilan upang magulat ang mga kasama at maging ang mommy nito ay nagising rarin. "Paulo, Petra please paki tignan si Mommy. Pupunta ako ngayon ng Davao! " saad ni Romuel at mabilis na umalis "Petra paki buksan ang Television " utos ni Paulo sa babae ng maka alis na si Romuel ,agad naman itong tumalima at duon ay napanuod nila ang nangyare kay Brenda .kung bakit umalis kaagad si Romuel, Nasa News ang nangyareng pag sabog sa sinasakiyan nina Brenda kasama ng ama nitong Governador. sinabi ng reporter na kakalabas lamang ng Airport nang mag-ama galing maynila at pag sakay Pa lamang ng mga ito sa Van na sumundo sa dalawang ay kaagad ng nayun sumabog. "Jusko! Si Ms. Brenda" wika ni Petra at napa tutop ito ng bibig. "Gash! Ang mag-ina ni Romuel " ani ni Anne at kahit mina malditahan siya ni Brenda, ay hindi niya magawang magalit dito lalo na't ng malaman niyang buntis ito. Kaya iniisip na lamang niyang pinag lilihian siya ni Brenda kaya ito palaging masungit sa kaniya. "Paulo" ang boses ni Mrs Carmela ang umagaw ng kanilang pansin. "Tita! " gulat na sabi ni Paulo ng makita niyang gumalaw at nag salita na si Carmela. Pagka tapos ay ngumiti ito sa kaniya kaya mabilis na lumapit si Paulo sa kinahihigaan ng ginang. Naupo naman ito kaya nang maka lapit si Paulo ay niyakap niya kaagad ang ginang. Parang pangalawang ina na niya ito dahil nung mga bata Pa silang tatlo nina Romuel at Joy ay lagi siyang natutulog sa bahay ng mga ito. Mas close Pa niya si Carmela kumpara sa mommy Paulyn niya "Tita" saad ni Paulo habang yakap-yakap niya ang ginang "Paulo iho anak, natutuwa ako dahil tinupad mo ang pangako mong ibabalik mo dito sa bahay ko si Joy " wika ng ginang na nag pakunot nuo sa binata "Tita? " ani ni Paulo at kumawala sa pagkakayakap dito. "Where's my Meira Joy? " saad nito at nilinga ang paligid sa loob ng kuwarto at ng mapadako ang tingin nito kay Anne ay gumalaw ito at bumaba ng Kama na siyang nag pagulat sa kanilang lahat. Ang alam nila ay hindi na ito nakaka lakad dahil seventeen years na itong naka upo lamang sa Wheelchair nito. Napaka laking miracle ang naisip ni Paulo dahil gumaling sa pagka trauma at nakaka lakad narin si Mrs Carmela . Paika-ika at dahan dahan itong nag lalakad patungo sa Gawi ni Anne, habang si Paulo naman ay naka alalay lamang sa likod ng Ginang. "My Meira Joy ,my Baby... ang baby ko" garalgal na wika ni Carmela ng maka lapit ito sa harapan ni Anne. Dahan-dahan nitong itinaas ang kamay at hinawakan nito ang mukha ni Anne pagka tapos ay bumuhos na naman ang mga luha nito "ikaw nga, natatanaw palang kita kanina sa malayo ay naramdaman na ng puso Kong ikaw ang Baby ko, ang Meira Joy ko" umiiyak na wika ni Carmela "Tita hindi po siya si Joy, siya po si Anne " saad ni Paulo. Umiling naman si Carmela at nginitian nito si Paulo pagka tapos ay ibinalik ang tingin sa mukha ni Anne. Hinaplos ng dalawang palad nito ang pisngi ng dalaga. "Pag dating niyo palang kanina ay natanaw kona kayo at nang makita ko siyang bumaba at kahit naka talikod ay naramdaman ko Paulo, siya ang anak ko. Lalo nang makita ko siyang tuwang tuwa sa mga halaman, tinatanaw ko siya sa malayo at kahit hindi ko nakikita ang mukhang ito ay malakas ang pakiramdam ko bilang isang ina, ikaw ang Baby Joy ko" naka ngiti habang luhaang saad ni Carmela at hinahaplos nito ang mukha ni Anne "Kamukhang kamukha mo ang Daddy mo" saad Pa nito. Habang si Anne naman ay natitigilan parin. Gulong gulo ang kaniyang isipan. Wala siyang ma alala kahit ano, ngunit napaka bilis naman ng t***k ng kaniyang puso. Gusto niyang mag salita ngunit pakiramdam niya ay nalunok niya ang kaniyang sariling dila. At walang tinig na lumalabas sa kaniyang bibig Bumaba ang kamay ni Carmela at ginagap nito ang kaniyang kamay pagka tapos ay tinignan nito ulit ang peklat na nasa kalingkingan niya patungo sa kaniyang palad. Kahit siya ay nag tataka kung bakit meron siyang ganung klaseng peklat. Malaki iyon at halatang tinahi "natatandaan moba kung saan mo ito nakuha? "Wika ni Carmela sa kaniya, Umiling naman siya bilang sagot "Tinutulungan mo nuon si Susan mag tanim, tapos pinakelaman mo ang itak ni Pedro, napaka bata mopa nuon nilalaro mo 'yung itak at ginagaya mo yung bidang babaeng palagi mong pinapanuod sa mga Assassin na action movie. Dumating si Paul at gusto niyang hiramin 'yung itak pero ayaw mong ipa hiram, kaya nag agawan kayo ,biglang binitawan ni Paul 'yung itak kaya natumba ka kasama nung itak at duon nahiwa ang kamay mo. Kung hindi tatahiin ay mapuputulan ka ng isang daliri. "Pag kukwento ni Carmela habang naka ngiting binabalikan ang nakaraan. "Pasensya napo kayo Madam wala po akong maalala tsaka hindi po Joy ang pangalan ko, Ako po si Anne" saad ni Anne at sa wakas ay may lumabas narin sa bibig niyang salita. Umiling ang ginang "nararamdaman ko ikaw ang Joy ko, ikaw ang anak ko" wika ni Carmela "Tita mag pahinga muna po kayo" saad ni Paulo ng mapansin nitong iiyak na naman ang ginang Umiling ulit ito At inalis ang kamay ng binata sa braso nito kasabay ng pag agos muli ng mga luha nito at ibinalik nito ang dalawang palad sa mukha ni Anne "kamukhang kamukha mo ang daddy Johny mo, at kahit hindi mo sabihin alam koring may pulang balat ka sa singit mo Joy Anak.. itanggi man ng bibig ang katotoohanan, kahit mabulag man ang mga mata ko ,at kahit maka limot man ang isipan pero ito" tumigil ito saglit sabay turo sa bandang dibdib nito bago nag patuloy " ang puso ng isang ina ay kailan man ay hindi magiging bulag, hindi mag sisinungaling at hindi makaka limot ,Joy anak ko dumaan man ang maraming panahon pero ang puso ko ay makikilala ka nito ,dahil ang puso ng isang ina ay kailan man ay hindi makaka sa anak. ----- "Tama na po! " putol ni Anne, gulong gulo na siya at hindi narin niya napigilang mapa luha "tama napo! Nakiki usap po ako tama na " ani ni Anne at napa sabunot na naman siya sa kaniyang buhok ng maramdaman na naman niya ang muling pag kirot ng kaniyang ulo. "Ahhhh! " napa sigaw na siya dahil sa sobrang sakit at tuluyan na siyang napa luhod "Baby ko anong gusto mo pag laki mo? " tanong ng babae sa isang paslit "Gusto ko po maging Agriculture katulad po ni Ate Bianca ganun rin po ang gusto niya pag laki niya mommy. Tapos po .ako po ang mag aalaga sa Farm mommy" bibong sagot ng batang babae "Wow ang sipag naman ng Baby Joy ko" saad ng babae at pinugpog ng halik ang batang babae na ikina hagikgik nito. "Mommy basta po pag laki kopo pupunuin kopo ng halaman ang buong Hasyenda" ani ng bata "Ofcourse anak, dahil lahat ng nakikita mo ay sayo lahat ng mga ito, dahil ito ang binigay ng Lolo mo para sayo" saad ng babae "Pero si pano po si Kuya From? " "Ang kuya Rom mo naman ay pag laki niya ang business naman namin ng daddy mo ang patatakbuhin niya anak. Ikaw ang Girl kaya sayo dapat ang Lahat ng Flower Farm " sagot ng babae "Ahhhh! " muling napasigaw si Anne sa mga ala-alang nakikita niya sa kaniyang isipan. Hindi niya parin maklaro ang mga mukha ng mga ito. "Anne" magka sabay na tawag nina Petra at Paulo ng makita nilang nahimatay ang dalaga "Jusko! Anong nangyayare sa anak ko? " umiiyak sambit ni Carmela. Ala-singko ng hapon ng magising si Anne dahil sa ingay na kaniyang naririnig. Pag mulat niya ng kaniyang mata ay ang nag aalalang mukha ni Paulo ang kaniyang nakita. "Anong nangyare? " aniya "Hinimatay ka. Kumusta pakiramdam mo? " saad ng binata "Mabuti na, anong meron bat maingay sa labas? " nag tataka niyang tanong "Nag hahanda ang mga tao para sa salo-salo mamayang gabi" sagot ng binata Nag sidatingan ang mga taong matagal ng nag tatrabaho sa malawak na Farm ng mga Kimson, ang pag tatrabaho sa lupain ng mga Kimson lamang ang tanging hanap buhay ng mga taong naroroon sa bariyo na iyon. At sa tuwing kaarawan nina Romuel at Joy ay naugalihan na nang lahat ng mga naroroon ang mag hand ng salo-salo para sa lahat. "Paulo dumating napo ang asawa ko este, si Mike po kasama niya ang kabit niya, este ang girlfriend niya pala" wika ni Petra na kakapasok lamang. "Okey ,Anne ayus kalang ha? " ani ng binata na sa tonong pag aalala, tumango naman si Anne at kiming ngumiti "Sige lumabas kana. Susunod ako"saad ni Anne. Pag labas ng binata ay bumalik sa kaniyang ala-ala ang mga nangyare kanina. Gulong gulo parin siya kahit gusto niyang maniwalang siya nga si Joy ay nag aalanganin parin ang kaniyang kalooban. Tumayo na siya at inayos saglit ang kaniyang sarili, pagka tapos ay naisipan niyang silipin muna saglit si Mrs Carmela .nasa tapat na siya ng Pinto nang silid ng ginang nang maka rinig siya mula sa loob. Bahagiyan pang naka awang ang Pinto kaya Malaya niyang sinilip ang loob. At duon ay nakita niyang naka tayo si Mrs Carmela sa harapan ng Altar habang umiiyak ito. "Jusko, ibinalik niyo nga saakin ang anak ko pero bakit ganuon? Ang tagal ko siyang hinintay, napaka sakit saakin. Hindi man lang ako maalala ng anak ko" umiiyak nitong sabi "Ay tikbalang!" Gulat na sabi ni Anne ng biglang mag salita si Petra mula sa kaniyang likod kaya napalingon sa kaniya si Mrs Carmela "Ano bang sinisilip silip mo diyan? Bumaba kana raw sabi ni Paulo" wika ni Petra "Tsssk sige sige" inis niyang turan dahil sa pagka pahiya. Akmang tatalikod na siya at huwag na pansinin ang ginang na naka tingin lamang sa kaniya ay bigla itong nag salita kaya napa hinto siya. "Petra sige bumaba kana" baling ng ginang sa dalaga "Sige po ninang" sagot nito, nang maka alis si Petra ay dahan dahan ng lumapit si Carmela sa kaniya, bumuntong hininga ito bago hinawakan ang magka bila niyang kamay bago pinisil "Joy anak, Ipina liwanag na saakin lahat ni Paulo, alam Kong naguguluhan kaparin sa ngayon pero sana pakinggan mo ang puso mo anak. Maka limutan man ako ng isipan mo pero alam Kong makikilala ako ng puso mo anak, napaka sakit para saakin bilang ina ,sobrang tagal kitang hinintay pero ngayon hawak na kita ay hindi mo naman ako maalala " wika ng ginang at muli na naman itong napa iyak. Kaya sa labis na nararamdamang kirot ni Anne mula sa kaniyang puso nang makita niya muli ang pag iyak nito sa kaniyang harapan ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili ay niyakap niya ang umiiyak na ginang "Tama na po. Naniniwala po ako sa inyo, hindi koman po kayo natatandaan ay unang kita ko palang po sa inyo ay nakilala na po kayo ng puso ko. At kanina po ay may mga ala-ala akong nakita , nakita kopo Farm ,ang bahay at maging ang boses niyo po. Sorry po pero aaminin kopo ay nahihirapan parin po akong alalahanin ang lahat" saad ng dalaga. "It's okey anak, huwag mong pilitin, hayaan molang akong tulungan kang maibalik lahat ng memorya mo" saad ni Carmela at nag yakapan silang mag ina at iyon ang tagpong nakita at narinig ni Paulo Hindi maka paniwala si Paulo na si Anne at ang kaniyang Joy ay iisa "damn bakit hindi ko man lang nahalata at nakita." Bulong niya "Petra anong ginagawa mo? " wika ni Anne ng makita niyang may sinisilip ang dalaga mula sa pinto "Ang asawa ko. Ang gwapo niya talaga" kinikilig nitong sagot "Asawa? May asawa kana? " kunot nuo niyang tanong. At nilapitan ito upang silipin rin kung sino ang sinisilip nito "Oo naman matagal na akong may Asawa ang Bebe Mike ko diba kilala mo 'yun? " naka ngiting sabi ni Petra kaya napa tayo siya ng tuwid ng akmang sisilip na siya "Si Mike? Si Mike na kaibigan nina Paulo?" Kunot nuo niyang tanong, nakita niyang namula naman ang magka bilang pisngi nito at lumawak ang pagkaka ngiti nito "Oo sabi na eh kilala mo ang asawa ko, ang gwapo niya diba. Satingin mo maganda naba itong suot ko? Bahay ba? Pinag handaan ko talaga itong araw na ito dahil alam Kong pupunta siya dito at dadalawin ako" kinikilig nitong sabi kaya napalo niya ito sa braso "Sira, nandito yan dahil sa kaarawan ni Joy bukas at may Girlfriend nayan si Cindy ang pangalan " aniya, at nahihiya Pa siyang sabihin ang salitang 'Birthday ko' Bumusangot naman ito at tinignan siya ng masama "Panira ka talaga, Asawa koyan tsaka Kabit lang niya Yang si Kristine Hermosa este si Cindy pala. Kabit niya lang 'yan. Ako parin ang original " giit ni Petra "Bakit pinakasalan kaba? " naka taas kilay na sabi ni Anne "Oo sa panaginip--aray naman nakaka rami kana ha" saad ni Petra ng muli na naman niya itong paluin sa braso. "Hmmm halika " aniya at kinuha ang isang kamay nito upang yayaing pumasok sa isang kwarto. "Anong gagawin natin dito? Baka hanapin ako ng Asawa ko, gusto ko ako ang mag sisilbi sa Bebe Mike ko" saad ni Petra "Aayusan kita para gumanda ka man lang kahit ngayon lang" saad ni Anne "Aba.. Ang harsh mo saakin ha, porket maganda ka? Aba lamang kalang ng tatlong linggong paligo kaya ka gumanda. Pero sexy naman ako diba? Oh tignan mo Pak na pak! Diba mas Sexy Pa ako duon sa Kabit ng asawa ko" saad ni Petra kaya napangiti na lamang siya dahil sa kalokohan nito. " maganda ka naman talaga, hindi kalang kasi nag aayos at hindi mo inaalagaan ang skin mo" saad niya at inumpisahan ng punasan ang mukha ni Petra na puno ng tigyawat " mamaya bibigyan kita para sa Skin Care araw araw moyun gamitin. Pag balik ko dito ipapaayos natin Yang mukha mo, agree kaba? " saad niya na siyang nag paiyak naman kay Petra "talaga? Pagagandahin mo ako? Mas maganda Pa dun kay Cindy? " anito "Para kang bata ilang taon kana ba? " aniya habang napaka iling na lamang "Twenty " tipid nitong sagot. "Wow ang ganda ko ako ba 'to? " hindi maka paniwalang saad ni Petra habang naka harap sa malaking salamin. Napa ngiti naman si Anne dahil sa reaction ni Petra. Ang maganda nitong buhok ay medyo kinulot niya iyon, ang makapal naman nitong kilay ay binawasan niya nag pahid rin siya ng cream sa mukha nito upang hindi mahalata ang mga tigyawat nito. "Kiyaaaa salamat ,ngayon masasabi kong mukha na akong tao, hindi na mukhang tikbalang" saad ni Petra "Petra iwan mo muna kami" saad ni Paulo na hindi na nila namalayang naka pasok na pala. Tumalima naman ito kaya naiwan na lamang silang dalawa "Paulo? " gulat na sabi ni Anne ng bigla na lamang siyang yakapin ng binata "Please stay, huwag mo akong pigilan Anne, hayaan mo muna akong yakapin ka ng matagal." Wika ni Paulo at isiniksik ang mukha nito sa leeg ng dalaga "Joy my Joy " mahinang sabi ni Paulo sapat lang upang marinig ni Anne. At nagulat na lamang siya ng maramdaman niya ang pag yugyog ng balikat nang binata. "Luh umiiyak ka? " wala sa sariling sabi ni Anne "Uy bakit ka umiiyak? May problema ba? " saad Pa niya, ngunit nanatili lamang naka yakap sa kaniya ang binata. Mahigit apat na Taon, ngayon niya lang narinig umiyak ang isang Paulo Santiban "Paulo ..uy anong problema mo " ani Pa niya ngunit mas lalong umiyak ang binata sa kaniyang balikat. Para itong batang nag susumiksik sa bisig ng isang ina "Sorry kung hindi ko man lang nakita at napansin na ang Joy na matagal ko ng hinahanap ay matagal na palang nasa Harapan kulang. Kaya pala kakaiba ang t***k ng puso ko kapag kasama kita dahil ikaw lang pala ang Joy ko. "Saad ng binata at pinahid muna ang mga luha nito bago hinarap ang mukha ng babaeng kaitagal na pala niyang minamahal //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD