"oh kasama pala kayo? " ani ni Paulo sa kaibigang si Kiel, kasama nito ang bagong girlfriend nitong si Layla
"Oo brad ,sina Mike at Cindy susunod nalang daw sila"sagot nito
"ah hon kilala mona si Paulo diba? ito naman si Anne ----
"i know her hon, siya ang nag Design ng Gown ni Mommy sa Dubai" naka ngiting wika ni Layla
"Hi Anne nice to see you again, how are you? I'm Layla Calbaliero Remember? sa Dubai Alshiera Hotel" wika ng babae kay Anne kaya saglit na napa isip si Anne, sa dinami dami ng mga Celebrities at mga sikat na Tao sa industry na nag parliament a Design sa kaniya ay hindi na niya matandaan kung sino sa mga iyon tinutukoy nito.
"Oh I see, hmm I'm good by the way hindi paba tayo papasok? " wika niya at pilit na ngumiti sa babae, dahil ang totoo ay hindi niya ito kilala at hindi niya natatandaan kung sino ang mommy nito sa dubai .lalo na't marami na siyang nadesenyohan na umatend sa hotel na binanggit nito.
"Romuel where's Brenda? "Tanong ni Paulo ng maka pasok silang apat sa Malaking bahay ng kaibigan.
"Hindi siya makaka sama mga Brad, nag paalam siya na sasamahan niya ang daddy niya sa Davao." Sagot ni Romuel
"So pano bayan ikaw lang ang walang partner si Mike kasama niya si Cindy, si Paulo meron ng Anne ,ako naman kasama ko and Honey babe ko" wika ni Kiel sabay hakbay sa girlfriend nito.
"Tsss! Inggitin mopa si Romuel, baka naka limutan mo Kiel nasa Tagaytay si Bianca ang Ex Girlfriend ni Romuel" saad ni Paulo..
"Ay oo nga, alam ba ni Brenda ang tungkol kay Bianca? " ani ni Kiel
"Malamang hindi, alam mo naman walang nakaka lapit na ibang babae kay Romuel dahil pinapahiya at inaaway ni Brenda, napaka selosa Pa naman. Pano Pa kaya kung malaman niyang taga Tagaytay ang First love ng kaibigan natin" iiling-iling na wika ni Paulo
Napansin naman ni Anne ang biglang pag tiim bagang ni Romuel ng banggitin ng dalawa ang tungkol sa Ex Girlfriend nitong nag nga-ngalang Bianca
"Tsss! Huwag niyo na babanggitin ulit sa harapan ko ang pangalan nayan! "Tiim bagang na wika ni Romuel sa Dalawa
"Uyy! Mahal paniya si Bianca... Huwag muna pigilan brad alam namin kung gano mo minahal si-----
"Damn you Kiel! Zipper your fvcking damn mouth bastard! "Madiin at tiim bagang saad ni Romuel sa kaibigan
Na curious tuloy si Anne kung bakit ganuon na lamang kagalit si Romuel sa babaeng nag ngangalang Bianca " umalis nalang tayo baka abutan tayo ng gabi sa daan " saad niya
" you're right Anne let's go iwan na natin 'yang tatlo nayan" saad ni Layla at kinuha nito ang kaniyang kamay bago tinalikuran ang tatlo
"Hey Anne ako ang kasama mo , huwag mo akong iwan" ani ni Paulo at mabilis ang naging hakbang nito upang humabol sa kanila palabas ng bahay ni Romuel
"Wow napaka ganda naman dito" hindi mapigilang saad ni Anne ng sabihin na ni Romuel na nasa Tagaytay na sila
"Oo napaka ganda talga isa ito sa mga dinadayo ng mga turista dahil sa napaka gandang tanawin" sagot ni Kiel
"Talaga? Sana pala nag dala ako ng Digital cam" wika niya, ilang minuto lang ay huminto na ang sasakiyan sa tapat ng isang lumang bahay na yari sa bato? "Wow stone house? " wika naman naman ni Layla ng maka baba na sila ng sasakiyan
"Sa labas lang yan" sagot ni Romuel, tama nga ito dahil nang maka pasok na sila ay yari nanaman sa kawayan ang lahat ng paligid. Pero kung titignan sa labas ay Yari sa Bato
"Ang ganda" hindi napigilang sabi ni Anne, purong yari sa Kawayan lahat magig ang mga disenyo ng bahay
"Actually hindi ito ang bahay namin . Bahay ito nina lola't -lolo" saad ni Romuel
"Bakit dito mo kami dinala? "Aniya habang iniikot parin niya ang kaniyang tingin sa napaka aliwalas na loob ng bahay
"Ayaw ni Mommy ng maingay kaya dito ko kayo dinala. Four Minutes lang mula dito hanggang sa Bahay namin ,kung napapansin niyo dalawa lang ang bahay dito. Yung isa ay 'yon ang bahay namin "sagot ni Romuel
Tumango nalamang siya bilang pag sang ayon, sabagay dahil marahil ay naisip nito na maingay sila, kaya ruon sila pinatuloy ni Romuel
"Pero pwede naman siguro bisitahin yung mommy mo diba? " aniya
"Oo naman, basta ayaw lang niya ng sobrang maingay. Nag wawala siya kapag naiingayan siya" anito
"Ah kaya pala hindi mo siya kasama sa Maynila" ani naman ni Layla
"Oo twice a week lang ako nakaka dalaw sa kaniya, you know , I'm a business man" sagot nito
Bila ay naka ramdam naman ng pagka awa si Anne para sa Mommy ni Romuel, dalawang beses lang sa isang linggo nadadalaw ang binata. Nabanggit rin sa kaniya ni Romuel na matagal ng wala ang daddy nito at ang kapatid naman nitong si Joy ay hindi parin nila nahahanap.
"Bibisitahin namin siya mamaya ha okey lang ba?"aniya
"Ofcourse, why not" sagot nito
"Baka naman samahan mona kami sa Magiging room namin Brad" saad ni Kiel
"Ilang araw ba tayo dito? " naka kunot nuong tanong niya. Nang mapansin niyang may dalaga palang gamit sina Kiel at Layla
"Bukas ng hapon tayo uuwi, pagka tapos ng birthday ni Joy" sagot ni Kiel sa kaniya
"Patay wala akong dala, wala akong pampalit" aniya
"Don't worry mamimili tayo mamaya girl samahan kita" saad sa kaniya ni Layla
"Kiel sina Paulo at Romuel nakita moba? " tanong niya nang makita niya itong kumakain ng mangga kasama si Layla
"Sa Sementeriyo dinalaw ni Romuel ang daddy niya kasama si Paulo" sagot nito
"Ay bakit hindi ako pinasama" may pag tatampong saad niya
"Ang himbing ng tulog mo eh, gusto kang isama ni Paulo pero naisip niya sigurong napagod ka sa biyahe, kaya hindi kana niya ginising" anito
"Hmm kahit na , sige mag lakad lakad nalang muna ako sa labas" aniya.
"Mag tatang hali na pala" wika niya ng makita niyang 10:45 AM na, pag labas pa lamang niya ng pinto ay ang malawak na pananim ang unang bumungad sa kaniyang mata, hindi niya iyon napansin nung dumating sila dahil natuon ang kaniyang pansin sa kakaibang style ng desenyo ng bahay na pinag dalhan sa kanila ni Romuel.
Nag tataasan at nag lalakihang sunflower farm at sa uanahang dako naman ay mga iba't ibang kulay ng Roses ang naka palibot sa Dalawang malalaking bahay. Feeling niya tuloy nasa Switzerland siya. dahil sa ganda ng paligid. Ang bahay na yari sa Bato ay kung lalabas ka ay ang Sunflower Farm agad ang bubungad at sa kabilang bahay naman ay Mga nag gagandahang mga Roses ang nasa harap ng Main Door "Ang Ganda" aniya, nag lakad-lakad siya at lumapit sa malaking Sunflower na mas malaki Pa sa ulo niya. Pumitas siya ng isa at iniipit iyon sa kaliwang tenga niya
"Ayan perfect " aniya at pumalakpak ng dalawang beses habang naka ngiti. Tuwang tuwa siya habang dinadama ang lamig at mabangong simoy ng hangin dulot ng malawak na mga bulaklak kaya napaka sarap sa pakiramdam ang amoy ng simoy ng hangin na kaniyang nalalanghap. Sa kaniyang paglalakad ay namalayan na lamang niya ang kaniyang sarili na nasa Tapat na pala siya ng kulay puti at malaking bahay na hindi kalayuan sa bahay na yari sa bato. Napaka ganda nito at halatang bagong ayos lamang "ito kaya ang bahay nina Romuel na sinasabi niya? Wala naman ibang bahay dito maliban sa isang yun" bulong niya. At ang tinutukoy ay ang bahay na pinag dalhan sa kanila ni Romuel
"Tao po?... Tao po? " aniya ng mapansin niyang naka bukas ang Main Door ng bahay
"Ay kabayo" gulat niyang sabi ng may biglang mag salita sa kaniyang likod.
"Ano ho 'yun" wika ng isang babaeng mukhang kabayo este ewan ba niya basta napaka pangit ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Puno ng nag lalakihang tigyawat ang kutis ng mukha nito ,makapal na kilay na halos mag dikit na, malaki ang butas na ilong nito na animoy pinag lihi kay kingkong. Makapal at malaki ang labi nito habang pahaba naman ang nguso nito, naka labas rin ang malaking ngipin nito na animoy palaging naka ngiti. At kung may maganda man dito ay ang buhok nito na hanggang balikat at ang napaka sexy nitong katawan na animoy pwedeng ilaban sa Ms. world. Pero hindi mawari kung bakit napaka gaan ng loob niya sa babaeng kaharap
"Hi Ako nga pala si Anne, kaibigan ako ni Romuel matanong kulang.. Sakanila ba itong bahay na ito? Ito ba ang bahay ng mga magulang niya? " pag uusisa niya
"May nakikita kapa bang ibang bahay dito?"mahinang bulong nito, ngunit hindi iyon naka ligtas sa kaniyang pandinig.
"Huh? " aniya na kunwaring hindi narinig ang binulong nito.
"Ha? Wala, Ako naman si Petra ,oo ito nga ang bahay nila kuya Romuel tuloy ka. " naka ngiting sagot ng babae
"Sana all maganda" bulong Pa nito kaya nag kunwari na lamang siyang walang narinig at lihim na napapa ngiti. Dahil sa style ng babae
"Kaibigan ka kamo ni Kuya Romuel? "Wika ng babae ng maka upo siya sa Single chair na yari sa Nara
"Oo actually kasama namin siya pero nasa kabilang bahay ang dalawa Pa naming kasama. Ang layo niyo sa mga kabahayan no, napaka tahimik dito "aniya
'Luh bakit ang daldal ko naman ata ngayon, feeling close ka te? ' wika ng kaniyang isip.
"Alam ko, tuwing ka arawan ni Ate Joy. Umuuwi talaga dito si Kuya at pinag hahandaan ang kaarawan ni ate Joy kasama ng mga kababariyo namin" sagot nito
Uminom muna siya ng binigay nitong Banana Juice pagka tapos ay tumatangong nakikinig lamang siya dito. "Kung ganon dumarami pala ang mga tao sa kabilang bahay kung pati mga manggagawa ay inaanyayaan tuwing kaarawan ni Joy? " aniya, tumango ito
"Oo kahit wala dito si Ate Joy parang piyesta parin dito satwing kaarawan niya. Mamayang gabi ay mag sisidatingan ang mga tao galing Pa sa kabilang barangay
"Nako kakakilala kolang sayo ang daldal kona pasensya kana ha" wika Pa nito
"Ayus lang I like you nanga eh nakaka gaan ka sa loob kausap. Mag-isa kalang ba dito? " aniya
"Hmm hindi kasama ko si Ninang Carmela pero nasa taas siya " anito
"Ah ninang? Akala ko kapatid karin ni Romuel " aniya. Bigla ay tumawa ito ng malakas pagka tapos ay napa takip rin bibig
" hahaha patawa ka, hindi no..sa mukha kong to? Napaka pangit ko kaya tapos ang gwapo gwapo ni kuya Romuel , kuya at Ate talaga ang tawag ko sa kanila ni Ate Joy ,Five Years Old palang ako nuon nung kupkupin nila ako dahil mag-kasabay namatay mga magulang ko sa sunog. Bestfriend ni Nanay si ninang Carmela" saad nito.
"Sandali lang ha, sisilipin ko muna si Ninang " wika nito ng biglang maalala ang ina ni Romuel
"Hmmp pwedeng sumama? Gusto korin siyang makilala at makita. Nabanggit kasi ni Romuel saakin na hindi raw maayos ang mommy niya. "Aniya, hindi niya mawari kung anong pakiramdam ang lumulukob sa kaniya. Nakaka ramdam siya ng pananabik at lubos na kalungkutan at iyon ang hindi niya mawari kung bakit.
"Hmmm sige basta huwag kalang maingay ha. Ayaw niya kasing nakakarinig ng ingay , napaka hirap Pa naman patahanin satwing nag wawala at nag iiyak" wika ni Petra at sa tono nito ang labis na kalungkutan.
"Ano bang nangyare sa kaniya? " hindi napigilang maitanong.
"Sobrang Trauma at hindi kinaya ang mga nangyare nuon, isabay Pa ang pagka wala ni Ate Joy kaya nagka ganiyan na, hindi gaanong kumakain at laging tulala seventeen years narin namin siyang hindi narinig mag salita, satwing nag wawala naman ay umiiyak lang at nag sisisigaw. Kailangan pang turukan ng pampatulog at pampa kalma ..Oh masyado na akong nagiging chismosa, halikana basta huwag kalang maingay ha" wika nito, kaya tumango naman siya.
Dahan dahan ang bawat hakbang niya paakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Nang maka rating sa tapat ng kwarto ay dahan dahan binuksan ni Petra ang siradura ng Pinto. At duon ay nakita niya sa loob ang isang babaeng hindi nalalayo sa edad ni Mrs Paulyn ,nasa fifty pataas na ito. Sobrang payat nito na halos bala't-buto na lamang, naka tanaw lamang ito sa malayo habang naka upo sa Wheelchair nito.
"J..jo... y" garalgal at mahinang sambit ng ginang na siyang nag pagulat sa dalawa
"Anne nag salita si Ninang? Tama ba ako? Narinig moba ang narinig ko? " hindi maka paniwalang saad ni Petra sa kaniya.
Dahan dahan nilang nilapitan ang babaeng si Carmela habang naka tanaw parin ito sa malayo at naka tulala parin.
"Jo.... y" mahina ulit nitong sambit..
"Ninang si Petra po ito. Ninang oras napo ng kain niyo " malumanay na wika ni Petra ng maka lapit na ito sa harapan ni Carmela.
Naka tulala parin ito habang patuloy sa pag sambit ng pangalan ni Joy. inilapit ni Petra ang hawak na kutsarang may lamang pagkain sa bibig nito ngunit hindi man lang iyon bumuka. Habang si Anne naman ay mataman paring pinapanuod si Petra kung pao nito gustong pakainin ang ginang
"Ayaw talaga niyang kumain."malungkot na wika ni Petra ng maka lapit ito sa kaniya
"Apat na beses niyang binanggit ang pangalan ni Ate Joy senyales naba ito ng pag galing ni Ninang? Seventeen years ngayon kulang narinig ulit ang boses ni ninang" maluha luhang wika ni Petra sa mahinang tinig.
"Akin na, susubukan ko" aniya ang tunutukoy ay ang pagkain ni Carmela
Tinignan naman siya ni Perla kaya nginitian niya ito " susubukan ko baka sakali" aniya , ngunit pagka tapos niyang mag salita ay biglang umiyak si Carmela at tinatawag nito ang pangalan ni Joy. Marahil ay naramdaman ng puso nang isang ina ang prisensya ng kaniyang anak.
"Joy" umiiyak na sabi ni Carmela at sa pag kakataon na iyon ay matuwid na nito na bigkas ang pangalang Joy.
"Ninang" tarantang sabi ni Petra. Hindi naman alam ni Anne kung anong nag tulak sa kaniya upang lumapit sa nag wawalang ginang. Lumakas ang pag iyak nito kaya niyakap na lamang ni Anne ang likod ni Carmela
"Tama napo "saad ni Anne at mas lalo pang niyakap ang umiiyak na ginang. Bigla ay lumingon ito at gumalaw ang kamay nito at pilit pinapaharap si Anne. Nang maramdaman ni Anne ang kamay ng ginang sa kaniyang balikat na pilit siyang pinapaharap ay bumitaw siya sa pagkakayakap sa likod nito at hinarap ang umiiyak na si Carmela
Nagulat si Anne ng biglang hawakan ng ginang ang kaniyang mukha habang patuloy sa pag agos ang mga luha nito. Kitang kita ni Anne ang nining sa mga mata ng ginang kahit umiiyak ito ay nakikita parin niya ang saya sa mata nito "Joy anak ko" umiiyak sambit ni Carmela ,pagka tapos ay pumikit ito at dinama ng mga daliri nito ang mukha ni Anne , sa mata, ilong, kilay pagka tapos ay nag mulat ito ng mata at hinawakan naman nito ang kaniyang kamay at pinaka titigan nito ang peklat sa kaniyang kamay. Pagka tapos ay humagulgol na naman ito. "Joy anak ko, ang anak ko" umiiyak na sabi ni Carmela
Nagulat na lamang si Anne ng biglang mawalan ng Malay ang ginang
//continue