"Huwag mo akong hawakan! " matigas na wika ni Anne habang siya ay naka tulala parin dahil sa ginawa sa kaniya ni Paulo. Oo nga't kamay lamang ang ginamit ng binata, ngunit para sa kaniya ay para narin siyang ginahasa ng binata. Hindi siya nito nirespeto at walang pag iingat siya nitong pinakelaman.
Akmang isusuot sa kaniya ng binata ang kaninang suot nitong Jacket, ay iniwas niya ang kaniyang sarili upang hindi siya mahawakan ng binata. Galit siya, galit na galit
"I'm sorry hindi ko napigilan ang sarili ko, sa susunod huwag kana mag susuot ng ganuon lalo't maraming tao ang nakaka kita sa katawan mo----
"Ano bang pakealam mo ha!? Sino kaba sa inaakala mo? Boyfriend ba kita? Kuya, asawa? Hindi diba! Kaya huwag mo akong pakelaman sa mga gusto ko lalo na sa mga sinusuot ko! " bulyaw ng dalaga kay Paulo
"Inaaway monga mga babaeng lumalapit saakin tapos ayaw mong pakelaman kita! " sagot naman ng binata at parang bata itong sumimangot ang mukha habang bahagiyang naka nguso ang mapang bakit nitong mga labi.
"G*go trabaho koyun!...sabing huwag mo akong hahawakan p*tang*na mo! " gigil na sabi ni Anne ng bigla na lamang siyang yakapin ng binata
"I'm sorry" bulong ni Paulo sa kaniyang tenga at isiniksik nito ang mukha sa kaniyang leeg kaya napa pikit na lamang siya, pagka tapos ay huminga siya ng malim bago itinulak ang binata.
"Lumayo kanga!" Aniya
"Please sorry... Ikaw naman kasi eh bakit ka nag susuot ng ganun----
"T*nga kaba? Eh anong gusto mong isuot ko dito sa Boracay beach wedding Gown!" Tugon niya, ngunit niyakap nanaman siya ng binata
'Aarg ang kulit! 'Sigaw ng isip niya
"Ano ba Paulo.. Kung ayaw mong kamuhian kita. Huwag mo ako kausapin at lalong huwang mo akong lalapitan o hawakan! " tiim bagang wika ni Anne sa binata at inagaw sa kamay nito ang Jacket nitong satingin niya ay hanggang tuhod lamang niya dahil matanggad si Paulo kumpara sa kaniya na 5'5 lamang
Sinira ng binata ang kaniyang bikini kaya ang Jacket na lamang nito ang kaniyang isusuot. Pagka tapos ay padabog na niya itong iniwan.
Laglag ang balikat na nag lakad si Paulo pabalik sa mga kasama at tamang tama ay nagising narin sina Sharina at Josef sa loob, upang hindi mahala ng mga kasama ang problemang kaniyang dinadala ay pinilit na lamang niyang maging masaya sa harapan ng mga ito.
Habang si Anne naman ay pag pasok Pa lamang niya sa kwarto nila ni Sherin ay mabilis siyang naligo at habang naliligo siya ay bumabalik sa kaniyang isip ang kawalang hiyang ginawa sa kaniya ni Paulo kaya napaiyak na lamang siya at napa luhod na lamang sa malamig na tiles habang dinadama ang pag buhos ng malamig na tubig sa kaniyang kahubaran.
Oo nga't mahal na niya si Paulo, handa naman niya ipag kaluob ang kaniyang sarili sa binata kung iningatan at kusang loob niya lamang ang nangyare ay hindi sana siya magagalit. Ngunit hindi! Dahil hindi siya iningatan ng binata, hindi siya nito nirespeto at higit sa lahat ay para narin siya nitong ginahasa
Pagka tapos niyang maligo ay nag suot na lamang siya ng simpleng large T-shirt at maong na pants hanggang tuhod kaya lantad ang kaniyang mapuputi at makinis niyang binti, Itinali narin niya ang mahaba niyang buhok hanggang bewang nang makuntento ay lumabas na siya at nag tungo sa mga kasama upang maki nuod, pag dating Pa lamang niya ay natapos na ang dalawa sa loob.
"Hi Anne pwede ba kitang maisayaw " wika ng isang lalaki na umagaw ng kaniyang pansin sa kaniyang panunuod. Pinapanuod niya ang mga kaibigan ni Paulo na nag kakasiyahan sa loob ng kuwarto kung nasaan sina Sharina at Josep.
"Huh? Eh Hindi ako marunong sumayaw eh, huwag nalang" nahihiya niyang sabi kahit ang totoo ay may talent naman talaga siya sa pag sayaw ,dahil kahiligan niya iyon mula nung bata pa siya. Ngunit tumatanggi siya hindi dahil ayaw niya itong kasayaw ,kundi ayaw lamang niyang sugurin na naman siya ng fiance nitong napaka selosa. Ayaw naman niyang maulit muli ang pamamahiya ng fiance nito sa kaniya nung gabing bago ang Engagement party nito.
"Please" anito at sinad'ya pa nitong pinalungkot ang mukha kaya ay napangiti na lamang siya
"sige nanga" naiiling niyang sagot. Ngunit akmang aabutin na sana niya ang naka lahad nitong kamay nang may biglang mag salita sa kaniyang likod.
"Love gusto ko ng mag pahinga, makakasama saamin ni Baby ang sobrang pagod" malambing na sabi ni Brenda kay Romuel. At idiniin Pa nito ang salitan Love at Baby
"Sige love, Anne sorry" baling sa kaniya ni Romuel
"Nako sige ayus lang " aniya at ngumiti sa dalawa ngunit inirapan lamang siya ni Brenda
Nasa kalagitnaan ng kasiyahan ang lahat ng may biglang dumating at sumira sa pagsasaya ng lahat, dumating ang nag ngangalang Carla at gumawa ito ng gulo dahilan upang maisugod sa hospital si Sharina
"Anne naiwan ni Paulo ito. Sakaniya ata ito " wika ni Kesha sa kaniya ang Girlfriend ni Fego, kunot nuo naman niyang tinignan ang bagay na inabot nito sa kaniya.
"Oo sa kaniya nga 'yan, sige salamat ako na ang mag bibigay "sagot niya ng makilala niya ang walet ng binata. Habang nasa daan lulan ng sasakiyang pag aari nina Mike ay tahimik lamang siyang naka upo sa tabi ng bintana, sumama siya sa mga ito sumunod sa Hospital na pinag dalhan kay Sharina . hindi niya alam kung anong nag tulak sa kaniya upang pakelaman ang wallet ng binata. Kahit hindi niya dapag iyon gawin, tahimik niya lamang iyon binuklat at ang una niyang napansin ay ang maraming ATM Card nito iba't ibang kulay ang mga iyon. Ngunit ang nag paagaw ng kaniyang pansin ay ang naka dikit na larawan ng batang babae na may naka sulat na ??? ??? ?? ???
'Kung ganon ang larawan ng batang babaeng nakita ko sa gallery room ay si Joy ,at si Paulo naman ang batang lalaking kahakbay nito' wika ng kaniyang kalooban.
'Kahit sa wallet mo si Joy parin, satwing nalalasing ka wala kang bukam bibig kundi puro Joy at ang nakaka inis kahit hinahalikan mo ako binabanggit mo parin ang pangalan ng kababata mo, arrrg nakakainis ka Paulo! Bakit hindi mo ako mapansin pansin. Anong meron sa Joy na ito? bakit. Hindi mo ako makita.' Pag hihinagpis ng kaniyang kalooban.
"Anne are you okey? Umiiyak kaba? " wika sa kaniya ni Kiel
'Sh*t bakit nawala sa isip ko. Hindi lang pala ako mag isa dito' ani ng kaniyang isip at pasimpleng pinahid ang luhang dumaloy sa kaniyang pisngi bago nilingon ang kaniyang katabi
"Huh? Eh hehe hindi. Ayus lang ako malapit naba tayo? " aniya at pilit na ngumiti
"Tsssk masyadong hilaw Yang ngiti mo Anne. May problema kaba? May maiitulong ba ako? " ani sa kaniya ni Kiel
"Huh? Wa.. Wala wala ayus lang don't mind me, I'm okey" sagot niya, ilang minuto lang ay dumating narin sila sa Hospital. Hindi na muna pumasok si Anne sa Loob at nanatili lamang siya sa labas
"Anne" napalingon siya sa pinanggalingan ng pamilyar na tinig at bahagiyan Pa siyang naka ramdam ng lungkot nang malingunan niya si Paulo. Nasa mukha nito ang pag-alala at ang kaninang napaka puti nitong suot na polo shirt ay namantsahan ng kulay pulang dugo ng kapatid nito.
Galit na galit siya sa binata dahil sa ginawa nito sa kaniya, ngunit ng makita niya ang malungkot nitong mata ay namalayan na lamang niya ang kaniyang sarili na naka yakap na pala siya sa binata.
Kinabukasan dahil sa nangyareng gulo kagabi ay nauna ng bumalik nang maynila ang mga Salvi maging ang mga Sandoval. at tanging mga Santiban lamang ang nag paiwan ruon, dahil tatlong araw pa pwedeng mailabas si Sharina sa Hospital lalo na't maselan ang pinag bubuntis nito.
Kasalukuyang nag babantay si Anne kasama sina Sherin at Mrs Paulyn sa hospital, ng bigla siyang lapitan ni Paulo at hinakbayan siya nito na para bang walang problema sa pagitan nila.
"Mommy isasama kopo si Anne sa Tagaytay, Bukas po birthday ni Joy. Tska bibisitahin kopo si Tita Carmela" wika ni Paulo na nag palaki sa mata ni Anne.
"huh?! Hind ako sasama tska dito lang ako tita" mabilis na tanggi ni Anne sabay baling sa ginang.
"Sige na iha. Samahan muna si Paulo baka duon naman yan mambabae. " wika ni Paulyn sa dalaga
"Ma! Nag bago na ako, matagal na akong walang babae simula ng awayin ni Anne si Alondra my secretary. Good boy na ako diba Anne" wika ni A
Paulo at mas lalong hinigpitan ang pagkaka habay nito sa Dalaga.
"Tsssk" asik ng dalaga at inirapan nito ang binata kaya lihim na napangiti si Mrs Paulyn.
Kung siya lang ang tatanungin ay gusto niya si Anne para sa kaniyang anak. Kaya ng dalaga patiklupin ang Babaero at pasaway niyang anak, ngunit ano ngaba ang magagawa niya kung ibang babae ang gusto ng kaniyang anak, Ibang babae ang mahal ni Paulo
"Oh pumayag na si Mommy kaya huwag kanang tumaggi. Ani ng binata at kumindat Pa ito kay Anne na siyang lalong nag painis sa dalaga.
"Ano ngini ngiti-ngiti mo diyan? "inis na baling ni Anne sa binata. Nasa sasakiyan na sila patungo sa bahay ng kaibigan nito, ang kuya raw umano ni Joy. Kanina Pa siya naiinis sa binata dahil mula pa sa hospital nang umalis sila ay hindi na mawala wala sa labi ng binata ang pilyong ngiting naka paskil sa labi nito.
"Hmm nothing masaya lang ako" sagot ng binata
"Bakit naman? "Naka kunot nuong tugon niya
"Twins ang magiging pamangkin ko, bibisita tayo sa dating bahay nina Joy tapos ngayon ay okey na tayo. Kaya masaya ako" sagot ng binata na nag pataas sa kaliwang kilay niya
"Tssk sinong may sabing okey na tayo?" Pag tataray ni Anne sa binata
"Bakit hindi Paba? Niyakap monga ako eh tapos ngumiti ka saakin kagabi, tapos binigyan mopa ako ng Coffee so it means hindi kana galit saakin. Maayus na tayo " ngiting -ngiting wika ng binata
"Tssk para kang tanga! Wala akong sinabing maayos na tayo at galit parin ako sayo " saad ni Anne at umirap sa binata
"Ang cute mo talaga pag nagagalit" naka ngiting sabi ni Paulo sabay kurot sa kaniyang pisngi.
"Aray! Ano ba? Kung hindi ilong ko ang pinapakelaman mo pisngi ko naman bwisit ka! " inis na sabi ni Anne sabay palo sa braso ng binata.
Tumawa naman ito "parang mas gusto ko atang lagi kang galit. Ang cute mo kasi" sabi ni Paulo sabay gulo naman sa Buhok ng dalaga
"Ahhh! Bwisit ka! Tigilan monga ako ginagawa mo akong bata! " singhal ng dalaga
"Hahaha dahil baby naman talaga kita.. Diba baby? Ay hindi pala my sugar sweetypie" ani ng binata habang naka ngiti parin
"He kadiri! Nakaka suka, saan mo naman nakuha ang tawagan nayan? "
"Ah hahaha ewan ko naisip kulang. Maganda naman diba? " sagot ng binata
"Tsssk ewan ko sayo. Mag maneho ka nanga lang! " ani ni Anne sabay irap ..
//continue