CHAPTER -5

1808 Words
"Paulo wake up" wika ng boses ng mommy niya habang tinatapik ang kaniyang pisngi "Mommy mamaya na" aniya sabay tabon ng unan sa kaniyang mukha. Inaantok parin siya dahil halos hindi rin siya naka tulog ng maayos kakaisip sa mga pinag usapan nila ng mommy niya sa library kagabi "Bumangon kana. Aalis na tayo dadaanan Pa natin si Anne"saad pa ng mommy niya. At dahil inaantok Pa ay nag hikab siya habang ito ay nag sasalita kaya hindi na niya napansin ang pangalang binanggit ng kaniyang mommy "Paulo! " pasigaw pa nito sa kaniyang pangalan . Kaya napa upo na siya ng kama, habang naka pikit parin ang kaniyang mata "Mom 'wag mo Kong sigawan" aniya habang naka pikit parin ang kaniyang mata at inaantok parin ang kaniyang boses "Kung hindi kapa tatayo diyan. Bubuhusan kita ng malamig na tubig" pag babanta pa nito "Maaa! " parang batang ungot niya "Tatayo ka o kakaladkarin pa kita? Maligo kana! " ani pa ni Paulyn "Oo na tatayo na at maliligo na Happy? " tamad niyang tugon at naka pikit parin ang mata habang patungong banyo "Ahh mommy ang lamig! " biglang nagising ang diwa at buong katawan niya ng hindi niya namalayan ang pag buhos ng mommy niya ng isang tabong tubig at punong puno ng Yello "Maaa! Ano ba! hindi na ako bata! " inis na niyang sabi. "Hindi kana nga bata. Pero kung umakto ka daig mopa ang Seven Years old.. "Saad ni Paulyn sa anak "Sige bilisan mona d'yan maligo. "Ani pa nito at lumabas na ng silid. Pagka tapos maligo ni Paulo ay nag suot lamang siya ng maong na pantalon at puting Kamiseta. Nag suot rin siya ng itim na salamin sa mata at kulay itim rin na face mask nang makontento ay bumaba na siya "Manang si Mommy? " "Master sa Kotse nalang daw po kayo hihintayin" sagot ng kasam-bahay "Mom bakit pa tayo dadaan sa Hospital? --- "Dadaanan natin ang makakasama mo" sagot nito. Kahit hindi pa sinabi ng mommy niya, kung sino ang makakasama niya ay Ewan baniya kung bakit ganon na lamang kabilis ang t***k ng puso niya. Napansin niyang abala na sa pakiki pag Text kung kanino ang mommy Paulyn niya. kaya pinilit na lamang niya pumikit at matulog nalamang. ---- "Best ikaw na ang bahala kay nanay ha. Ang internet mo, huwag mo e off. Tatawag ako ng video call kapag nanduon na ako." Ani ni Anne sa kaibigan at niyakap ito. "Oo naman Frieny basta mag iingat ka dun.. Mamimiss kita Bruha" pag eemot pa ng kaibigan kaya natapik niya ito sa balikat. "Ikaw talaga Nes. Ang Oa mo talaga sa Antique lang ako pupunta. Hindi mag aabroad. " aniya "Oh gora na! Nandiyan na ata ang hinihintay mo" ani ni Nestle at humiwalay na ito sa pag kakayakap sa kaniya ng huminto na ang puting Van sa Harapan nila.. "Goodmorning iha let's go" naka ngiting wika ng Mrs. Paulyn sa kaniya. "Magandang umaga rin po. Sige po, Nes ang nanay ha" aniya ng balingan Pa ang kaibigan "Oo frieny bye. Mag iingat kayo" sagot naman nito. Papasok na sana siya ng Van nang mapansin niya ang lalaking naka halukipkip at sa tingin niya ay natutulog ito. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya ,dahil parang pamilyar sa kaniya ang panga-ngatawan ng lalaki "Don't mind him iha. Natutulog nayan" ani Pa ng ginang nang mapansin nito ang tinitignan niya "Oh.. Opo" sagot na lamang niya at naupo na sa tabi ng lalaking natutulog. Habang si Mrs Paulyn naman ay sa harapan ito naka upo. At dahil mahaba ang biyahe ay hindi niya rin namalayan ang pag hila ng antok sa kaniya kaya naka tulog rin siya.. Nagising si Paulo ng maramdaman niya ang pag hinto ng sasakiyan. Kaagad niyang tinignan ang kaniyang Relo at nakita niyang Tanghali napala. Akmang gagalaw sana siya upang bumaba dahil nakaramdam siya ng pagka gutom nang bigla siyang mapa kunot nuo dahil naramdaman niyang may kung anong bagay na naka harang at ganun na lamang ang pagka gulat niya ng may mapansin siyang babae na naka unan sa kanang hita niya. Nasa dulo ang pagkaka upo nito kaya marahil ay dumausdos pahiga ang ulo nito. Hindi naman niya makita ang mukha ng babae dahil katulad niya ay naka suot rin ito ng mask at natatabunan rin ng hibla ng buhok nito ang kabilang mukha nito. "Paulo Gisingin mo si Anne. Mag Lunch muna tayo"ani ni Mrs Paulyn at nagulat pa ito ng makita ang pagkaka unan ng babae sa hita ng kaniyang anak . "Anne? " nag tatakang sambit ni Paulo sa pangalan ng babae. "Hmm "ungol ng dalaga ng maka rinig siya ng boses at dahan-dahan siyang nag mulat ng mata. At kaagad siyang napa kunot nuo ng mapansin niyang parang naka higa siya. At muntik pa siyang mahulog sa upuan ng mag tama ang mata nila ni Mrs Paulyn. na naka tingin sa kaniya habang naka upo parin ito sa harapan. "Iha mag lunch muna tayo" wika ng ginang sa kaniya. Kaya kaagad siyang napa tuwid ng upo. Ngunit bigla ay kinabahan naman siya ng mapa tingin siya sa kaniyang katabi. Kahit naka salamin ito ng kulay itim at kahit hindi niya nakikita ang mukha at mata nito ay alam niyang sakaniya ito naka tingin. "Anne... Mahinang bulong ni Paulo sa pangalan ng babae. Inaalala niya kung saan ngaba niya iyon narinig. Pumikit siya at upang alalanin kung saan niya narinig ang pangalan na 'yon "???! ??????? ????? ??*??? ??? ???????? ?? . ???? ??? ???????? ??!" Sigaw ng babae sa kaniya " ???? ..????? ??? ?? ?????? ?? ?????" Saad ni Mike sa kanila... "s**t! Siya nga 'yun! " bulalas niya ng makilala kung sino ang babaeng kasama nila sa loob ng Van. Mag sasalita palamang siya ngunit napansin niyang mag-isa na pala siyang naiwan sa loob ng Van "aarg kainis! "Himutok niya at bumaba narin Habang si Anne naman ay katabi niyang naupo si Mrs Paulyn sa lamesang pang apat. Hindi niya mawari kung ano nga ba ang kakaibang nararamdaman niya. Para siyang kinakabahan ngunit hindi naman niya alam kung bakit o kung anong dahilan at kung bakit bumibilis ang t***k ng puso niya. "Iha are you okey? " wika ni Mrs Paulyn ng mapansin nito ang pananahimik niya. "Ayus naman po tita. Inaalala kolang po si Nanay" aniya kahit hindi naman iyon ang totoong dahilan. Oo ngat minu-minuto niyang inaalala ang kaniyang ina. Ngunit alam niya sa kaniyang sarili. Na Hindi iyon ang dahilan kung bakit kakaiba ang t***k ng puso niya. 'May sakit kaya ako?' Tanong ng isip niya. "Kumuha na ako ng private nurse para sa nanay mo iha. Kaya wag kana masiyadong mag alala" wika ng ginang. "Paulo bakit ang tagal mo? " ani Pa ng ginang sa binatang kakalapit lamang. Bigla naman mas lalong bumilis ang t***k ng puso ni Anne dahil sa pangalang narinig. 'Siya kaya yun? Sana hindi....sana hindi.. Lord naman eh binibiro molang ako diba? 'Ani ng kalooban ni Anne habang sunod sunod ang pag lunok niya ng sariling laway. "Paulo siya si Anne ang makaka sama mo sa Antique yung sinabi ko sayo kanina...iha siya ang anak ko. Siya ang babantayan mo" pag papakilala ni Mrs sa Dalawa "Paulo! " agad na sabi ni Paulyn ng biglang tinanggal ni Paulo ang suot na mask ni Anne. Maging si Anne ay nagulat rin dahil sa ginawa ng binata. "You Again! " tiim bagang saad ni Paulo ng makumpirma niya ang hinala. Ginaya naman ni Anne ang ginawa sa kaniya ng binata. Mabilis niya rin hinila pababa ang mask na suot nito "Ikaw nanaman! " nanlalaking matang sabi ni Anne "Teka teka muna! Magka kilala ba kayo? " naguguluhan namang sabi ni Paulyn sa dalawa "Mommy nakikita moba itong nangyare sa mukha ko? Yang St*pid nayan ang may gawa nito"parang bata namang pag susumbong ni Paulo sa ina "Totoo ba iha?"baling naman ng ginang kay Anne. Habang si Anne naman ay halos mabingi na siya dahil sa lakas ng t***k ng puso niya. "O.. Opo... Pero po siya po ang nauna madam este Tita. Pinag tanggol kolang po ang sarili ko--- "Okey okey tama na. Wala rin patutunguhan ito. Paulo huminga ka ng tawad kay Anne" baling ni Paulyn sa anak na ikina asim naman ng mukha ni Paulo. "Seriously mommy? Are you kidding me? Ako mag so-sorry? Saan. Diyan sa babae nayan?, Eh siya dapat itong humingi ng tawad saakin mommy. Ako yung napuruhan eh --- "Paulo! I said mag sorry ka kay Anne! " matigas na turan ni Mrs Paulyn sa anak. "No! Mom ako yung anak niyo eh. Bakit Yang babae nayan ang pinag tatanggol niyo? Tanggalin mona yan o palitan mo! Basta huwag lang ang babae nayan!" naiinis paring saad ni Paulo. " kalalaki mong tao napaka mabunganga mo! " sigaw ng kalooban ni Anne. Gusto sana niyang mag salita ngunit hindi niya alam paano kung sa harapan niya mismo nakiki pag talo ang binata sa mommy nito. "No! hindi ko siya tatanggalin. Mukhang tama ako ng pinili. Dahil siya lang ang nakaka gawa sayo niyan son" wika Pa ni Paulyn at kinindatan pa ang anak. "Ma! --- "Mag so-sorry ka o kukunin ko lahat ng Card at phone mo ngayon din! " ani Pa ng ina. Kaya wala ng nagawa si Paulo kundi ang sundin ito. Kailan ba sila nanalo sa mommy niya. Maging ang daddy at kuya Paul niya ay walang nagagawa ang mga ito. "Tssk sorry" pilit na ani ni Paulo sa dalaga. Lihim naman napapangiti si Anne dahil mukhang wala nga itong panalo sa mommy niya. At iniisip palang niya ang mga naka lagay sa papel ay na e excite na siyang pahirapan ang binata Pagka tapos ng pag tatalo, ay tahimik narin silang kumakain ng biglang mag Ring ang Cellphone ng binata "Excuse me mommy. Sasagutin kolang 'to" baling ni Paulo sa ina at hindi na nito tinapunan ng tingin si Anne. "Hello Bernadette" mahinang sabi niya ng sagutin na niya ang tawag "Hello darling I miss you so much. Puwede ba akong pumunta diyan sa Condo mo? " may pang aakit sa tinig ng nasa linya Si Bernadette ay isa sa mga ka fling lamang ni Paulo. Girlfriend ito ng Congressman. Ngunit wala siyang pakealam kahit sino pa ang mabangga niya lalo na't kung palay na mismo ang lumalapit sa kaniya. "Papunta ako sa Antique. Sumunod ka na lang ipapasa ko ang location at address bye" sagot niya at pinatay na ang tawag. "Sino yun? " pag uusisa ni Paulyn habang naka taas ang isang kilay nito. "Si... Si Josef mommy. Tinanong niya lang kung nasan ako"kinakabahang sagot niya. Hindi niya puwedeng sabihin na babae ang tumawag kundi magagalit na naman ang mommy niya. Ayaw na ayaw nito ang pagiging babaero niya dahil baka daw magka sakit siya. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD