Matamlay na naupo si Anne sa tabi ng kaniyang ina. Patuloy parin sa pag daloy ang kaniyang mga luha. Gulong gulo na siya at hindi niya alam kung saan siya kukuha ng malaking halaga upang maoperahan ang kaniyang ina. Sa kaniyang pag iisip ay sumagi sa isip niya ang Calling Card ng ginang. Mabilis niya iyon hinanap sa kaniyang bag at ng makita ay nabuhayan siya ng loob. Mag babaka sakali siya kung kinakailangan niyang ibenta ang lamang loob niya ay gagawin niya upang gumaling lamang ang kaniyang ina.
"Nestle. Paki bantayan muna si nanay ha. Babalik rin agad ako. Kung may problema tawagan mo agad ako " aniya sa kaibigan
"Sige Frieny mag iingat ka" sagot nito. Mag lalakas loob siyang lumapit sa ginang. Mag tatrabaho siya kapalit ng malaking halaga
-----
"Paulo bakit ganiyan na naman ang mukha mo? Napaaway ka na naman. Tuwing uuwi kalang ba dito ganiyan ang mukhang ihaharap mo saamin ng daddy mo "galit na wika ni Paulyn sa anak.
Namumula at daig Pa ang kinagat ng bubuyog ang mukha nito. Lalo na ang Mata nito na halos hindi na maka kita sa sobrang liit na dahil sa pamamaga.
"wala to mom. Guwapo parin naman ako eh. " sagot ni Paulo at binalan ang hawak na Lollipop
"Mom sa kuwarto lang po ako" saad ni Paulo at tinalikuran na ang mga ito. Kung hindi Pa siya aalis sa harapan ng mga ito ay hindi titigil sa kakadak-dak ang mommy niya.
"Madam telephone po " ani ng kasambahay na kakalapit lamag. Hawak nito ang Telephone at inabot naman iyon kay Paulyn
"Speaking..
"Good evening Madam. Meron pong nag hahanap sa inyo Anne daw po ang pangalan " ani ng Guard na naka bantay sa Gate ng Subdivision ng Santiban
"Anne? " aniya at ina-alala kung may kilala ba siyang nag nga-ngalang Anne. Ngunit wala siyang kilalang ganuong pangalan.
"I don't know her" sagot ng Ginang
"Madam meron po siyang Calling Card niyo" sabi Pa ng nasa linya. Muli ay naalala nanaman niya ang dalagita.
"Oww.. Sige papasukin mo" ani ng ginang at nag paalam muna sa asawa upang salubungin ang dalaga.
"Iha I'm so glad to see you again" naka ngiting wika ni Mrs Paulyn at nagulat Pa si Anne nang yakapin siya ng ginang.
"Salamat po. Yung... Yung tungkol po sa....
"Oww huwag dito iha. Sa loob tayo mag usap " putol ni Paulyn sa kaniyang sasabihin. At hinawakan siya nito sa braso na animoy isa lamang silang mag bestfriend.
"Maupo ka iha. Anong gusto mo coffee, milk, Juice or water? " ani Pa ng ginang
"Manang paki handa po kami ng snack " saad ulit ng Ginang at may pinindot ito sa intercom na naka konekta sa kusina
"Madam huwag napo ayus napo ako sa tubig " nahihiyang saad ni Anne
Nasa library area na sila at tanging sila lamang dalawa ang nasa silid na iyon. Kung meron pang iba duon ay hindi kaya ni Anne mag salita. Ayaw niyang may ibang makaka rinig sa pag uusapan nila ng ginang lalo na't usapang pera na ang tukoy.
"No hindi 'yun ayos saakin. By the way Tita Paulyn na ang itawag mo saakin iha. " naka ngiting ani ng ginang.
Habang si Anne naman ay parang hinaplos ng mainit na palad ang kaniyang puso sa paraan ng pag ngiti nito. Napaka bait ng ginang at kahit dalawang beses Pa lamang silang nagka harap sa araw na iyon . Ay nararamdaman niya ang kabutihan ng puso nito.
"Pero...
"Walang pero pero. Feeling ko ang tanda tanda kona pag 'yan ang tinatawag saakin "
"Si... Sige po Ti.. Ta tita Paulyn ...pasensya naho kung hindi napo ako naka pag pakilala nung una. Anne Martiñes po " aniya sa tinig na nahihiya.
"Mada--este Ti.. Ta tungkol po sana sa Alok niyo. Gu.. Gusto kopong mag trabaho po sa inyo at kakapalan kona po ang mukha ko Dahil kailangan na kailangan po ng nanay Kong nasa Hospital----
"It's okey iha I understand... Magkano ang kailangan mo para sa nanay mo? " kunwaring tanong ng ginang kahit alam na niya ang totoo
"three Million po sana. Huwag po kayong mag-alala kahit abutin Pa ako sa pag tanda ko. Pag tatrabahuan kopo ng maayos madam este tita " lakas loob na sabi niya.
"Okey iha. Walang problema" naka ngiting sagot ng ginang at kinuha nito ang cellphone pagka tapos ay ilang saglit lang ay may kausap na ito sa kabilang linya.
"Hello Butler James mag handa ka ng Five Million at dalhin mo dito sa Library ko. Yes Cash... thankyou" rinig niyang sabi ng Ginang.
"Iha ngayon pag usapan naman natin ang magiging trabaho mo." Panimula ng Ginang pagka tapos nitong ibaba ang hawak na Cellphone
"Hindi ka saakin mag tatrabaho kundi sa anak ko. Hindi rin siya ang mag papasahod sayo kundi Ako." Huminga muna ito ng malalim bago nag patuloy "Sobrang matigas ang ulo ng batang iyon. Wala ng ibang ginawa kundi ang mambabae at gumawa ng gulo. Marami siyang mga Negosyo pero hindi naman siya ang nag papatakbo dahil inaasa niya lamang lahat sa mga Tauhan" tinitigan siya nito ng may pang uunawa at bumuntong hininga ulit
"ikaw ang gusto Kong Bagong Lady Guard, Maid or Assistant niya. Ang gagawin mulang ay bantayan siya kahit saan siya mag punta. Pag bawalan siya sa mga Rules na inilagay ko dito sa papel na ito. At gusto ko baguhin mo siya. I mean tumino siya" mahabang wika ni Mrs Paulyn
"Ilang taon poba Yang anak niyo Ma-Tita"
"25 years old, bukas mona siya makikita dahil nag papahinga na 'yon ngayon. At tungkol pala sa salary mo. fifty Thousands every month at kung gusto mo mag aral ay meron rin akong Free Scholarship para sayo.. Ang tungkol naman sa Five Million ay bayad koyun sayo kapag napabago mo ang anak ko. Tutal alam Kong tataggihan moyun kapag sinabi Kong Bigay lang." Ani Pa ni Paulyn.
Habang si Anne naman ay halos malula na sa lahat ng mga narinig. Hindi niya akalain na ganuon kalaki ang kapalit ng pag payag niya mag trabaho dito. isipin palang Fifty thousand every month ay napaka laking halaga na iyon para sa kanila ng kaniyang ina. Tapos makaka pag aral Pa siya
'Thank-you Lord. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko sa araw na ito. Upang gantimpalahan mo ako ng ganito kalaki. Hindi ko naman po ito hiniling sa inyo tanging pag lakas at kalusugan lamang ni nanay ang tanging hiling ko sa inyo.. Napaka bait mo talaga saakin Thank-you Lord'lihim niyang dasal at hindi na niya namalayang huma hagulgol na pala siya habang naka yakap na sa Ginang.
"maraming maraming salamat po "sambit niya habang naka yakap parin ito kay Paulyn
--
"Master pinapa punta po kayo ng Don sa library" ani ng isang tauhan na mapag buksan ito ni Paulo ng pinto. Iyon ang gusto niyang itawag sa kaniya nang lahat ng mga tauhan nila. Dahil ayaw niyang lahat nalang ay kapareho niya sa kaniyang kuya Paul. Si Paul ay ang kaniyang kakambal at Seniyorito o Boss ang tawag ng mga tauhan nila dito. Kaya ang gusto niya ay master upang maiba naman.
"Sige" tipid niyang sagot at isinara ulit ang Pinto. Kinuha niya muna ang kaniyang salamin at nag suot rin siya ng Mask upang hindi makita ng kaniyang ama ang naging itsura niya. Lalo na ang kaniyang mata. Pagka tapos ay lumabas na siya ng kaniyang kuwarto upang mag tungo na sa Library
"Paulo tanggalin mo na yang nasa mukha mo. Sinabi na ng mommy mo ang nangyare d'yan." Saad ng Daddy Pablo niya
Napangiwi pa ito ng makita nito ang pamamaga at pamumula ng kaniyang mata"saan ba galing 'yan pina Check-up muna ba 'yan"
"Yes dad bago ako umuwi ay ipina tingin ko muna sa Doctor---
"Sweetheart nasa'n nayung bisita mo? " wika ni Pablo ng makitang pumasok ang asawa nitong si Doniya Paulyn
"Umalis na. Pero babalik rin siya dito bukas"sagot ni Paulyn sa asawa
"So ngayon sweetheart sabihin mona kay Paulo ang gusto mong sabihin "
"Dad? " nag tatakang sambit ni Paulo. Ang buong akala pa naman niya ay ang daddy niya ang gustong maki pag usap sa kaniya. Kahit kinakabahan man pinipilit parin niyang maging maayos. Upang hindi na naman siya mapag sabihan ng kaniyang ina
"Paulo na tatandaan moba si Mang Domeng? Ang pinag kakatiwalaan namin ng daddy mo sa probinsya ng lola mo sa Antique " saad ng mommy Paulyn niya at naupo ito sa tabi ng daddy niya
"Hmmm what about him mom? " nababagot niyang tanong sa ina at gusto nalang niyang bumalik sa kaniyang kuwarto at matulog na lamang kaysa pag usapan ang mga taong hindi naman niya matandaan.
"Namatay siya dahil sa malubhang sakit at dahil wala Pa akong mahanap na pwedeng pagka tiwalaan sa naiwang lupain ni mama. Ay napag disisyunan namin ng daddy mo na ikaw muna ang mag patakbo sa lupaing naiwan ng mga magulang ko" mahabang saad ni Mrs Paulyn
"But mom... dad! Hindi ako mag-sasaka meron akong sariling Negosyo. Kompaniya at isa rin akong abogado. Naririnig niyo ba Yang sinasabi niyo mom!? Alam niyong wala akong alam sa pag tatanim o sa pag papatakbo ng farm.?!" Pag tutol niya
"It's my decision! Hindi ka puwedeng tumanggi Paulo! " mataas na tonong wika ni Mrs Paulyn
"Ma! Napaka dami nating tauhan na puwedeng pagka tiwalaan. Bakit ako? Bakit hindi sila?" Saad Pa niya. Sobrang pag pipigil lamang ang ginagawa niya upang hindi niya masigawan ang mga magulang. Kaya napa kuyom na lamang siya ng kamao
"Ikaw ang anak ko bakit ko ipag kakatiwala sa iba ang naiwan ng mga magulang ko. Wala na si Domeng na siyang kanang kamay ni Papa sa Farm. At isa pa, isang buwan molang hahawakan ang pag papatakbo sa Farm. Habang hindi Pa bumabalik sa Antique ang Anak ni Domeng from Davao. Hindi ka puwedeng tumanggi kung ayaw mong ibenta ko ang Maria Island." Wika pa ni Paulyn na siyang labis na nag pagulat kay Paulo .
Mabilis namang nag panik ang kaniyang kalooban dahil sa narinig. Ang Maria Island ay bigay pa iyon ng Grandpa Pacio niya. Kung saan unang nakilala niya si Joy at duon lahat ng masasayang alala niya kasama si Joy, kaya napaka mahalaga sa kaniya ng isla na iyon. Sa lahat ng ari-arian niya tanging ang isla Maria lamang ay hindi puwedeng mawala sa kaniya. Kunin na ang Kompaniya, bahay o lahat ng sasakiyan niya. Huwag lang ang Maria Island
"No! Mom! Not the island ---
"Puwes bukas na bukas ay pupunta tayo ng Antique kasama ng bago mong Maid ..no I mean bago mong Assistant. siya ang mata at tenga kong mag babantay sayo sa probinsya" final na wika ng mommy niya at tinalikuran na siya nito.
----
"Grabe ang higpit naman ni Madam sa kaniyang anak" gulat na wika ni Anne habang binabasa niya ang mga naka sulat sa Papel na binigay sa kaniya ni Mrs Paulyn. Ang papel kung saan naka sulat ang mga dapat niyang gawin at hindi dapat sa anak nito.
"Bakit? patingin nga" curious namang saad ni Nestle at kinuha nito ang papel na hawak niya pagka tapos ay malakas nitong binasa ang mga naka sulat duon
"ANG MGA DAPAT MONG GAWIN!--
Number One. Huwag mong hayaang may ibang babaeng lumapit o lumandi sa anak ko
Number two. Turuan mo siya sa lahat ng gawaing bahay
Number three. Turuan mo siya kung paano maki salamuha sa ibang tao o maki pag kapwa tao ang anak ko. lalo na sa mga mag-sasaka
Number four. Huwag mo siyang pabayan.
ANG MGA HINDI MO DAPAT GAWIN!
huwag kang matakot o mag paapi sa anak ko.
Huwag Karin mag papautos sa kaniya. " pag babasa ni Nestle sa mga naka sulat
"Grabe! Frieny dinaig mopa ang may Wife Rules galing sa Biyanan mo. Hahaha! Dating palang ng mga nakasulat dito. Para kanang asawa ah taray girl! Walang ka pagod pagod itong trabaho mo. Sa inyong dalawa ng babantayan mo siya Pa ata ang nag mukhang Katulong dahil siya ang pahihirap mo. " natatawanh wika ng kaibigan
"Kaya nga eh saka bahala na. Wala ng iba pang mahalaga saakin kundi ang gumaling si nanay at yung perang matitira ay ipapagawa ko sa bahay namin upang hindi na mahirapan si inay kapag nilagiyan ko ng Groceries na ibebenta niya " aniya
"Ay bet! Korak na korak ka diyan Girlalo! Basta huwag mo ako kalimutan ha bff tayu remember " ani Pa ni Nestle at pinapungay Pa nito ang mata.
"Basta Nes ikaw na muna ang bahala kay nanay ha. Isang buwan akong mawawala. Lagi mo rin e on ang Internet mo para maka video call ko kayo sa IMO at makumusta si nanay" aniya sa kaibigan. Wala siyang puwedeng pagka tiwalaan. Kundi ito lang
"Basta sasahuran mo ako walang problema Frieny" pag bibiro pa ng kaibigan kaya napa yakap nalamang siya dito.
"Salamat Nes" mahinang bulong niya
//continue