"YOU! " naka kunot nuong wika ni Paulo ng makilala niya ang babaeng kakapasok lamang.
"I... Ikaw! "Maging si Anne ay nagulat rin. Hindi na niya inaasahang mag krus Pa muli ang landas nila ng lalaking bumuwisit sa araw niya kanina. Tapos heto ngayon naka upo sa harapan niya habang may lintang naka dikit dito.
'Tsssk napaka babaero talaga. Kanina ibang babae ang kasama niya. Tapos heto ngayon ibang tuko nanaman ang kasama. Hayyst ano bang pakealam mo Anne. Impakto yan kaya huwag mona pansinin' ani ng kalooban niya
"YOU! "Pag uulit pa ni Paulo at hindi na naka tiis ay tumayo na siya. Dahilan kaya nahulog sa sahig ang babaeng kaniyang naka upo sa hita nito.
"Aray! " daing ng babae
"Paulo Anne.. Magka kilala ba kayo? " nag tatakang wika ni Mike sa dalawa
"Hindi" sagot ni Anne
"Yes" sagot naman ni Paulo
"Sir heto napo ang Drinks niyo" naiilang na wika ni Anne. At halos gusto na niyang mag laho na lamang na parang bula sa kaniyang kina tatayuan dahil halos lahat ng mata ay naka titig sa kaniya. Lalo na ang matalim na tingin na nang gagaling sa mata ng taong nag nga-ngalang Paulo
"Sige makaka alis ---
"No huwag mo siyang paalisin! Babae ko siya ngayong gabi." Mabilis na wika ni Paulo na ikana laki ng mata ni Anne.
"Paulo Brad waitress lang siya dito at hindi siya nag papa table " saad naman ni Mike
"It's my decision! "
"Pero Sir... Hindi po ako nag papa table wala po Yan sa usapan" pag tanggi naman ni Anne. Ayaw niyang maka sama ang lalaki dahil kakaiba ang nararamdaman niya dito. At ayaw niya sa pakiramdam na iyon.
"Mike siya ang napili ko sa mga babaeng inihanda mo saamin. At ikaw Akin ka ngayong gabi! " maotoridad na wika ni Paulo.
Naiinis na si Anne at hindi na niya gusto ang pagiging bossy ng lalaking nasa Harapan niya. kaya lakas loob niya itong pinag sabihan
"Hoy antipatikong impakto pinag lihi sa kalibugan. Huwag mo akong isali sa mga collection mo. Feeling mo guwapo ka? Luh kapal mo " pag tataray ni Anne na ikina maang ng mag babarkada.
Si Paulo Santiban. Kauna unahang pag kakataon ay meron ng isang tao ang nag pahiya at tumanggi dito at ang lalong nag pamaang sa kanila ay isa pang Babaeng Waitress lamang.
"Anne! " saway ni Mike
"Pa... Pasensya na ho sir aalis na po ako dito.. " malungkot na baling ni Anne sa kaniyang boss. At walang paalam na tumalikod na siya sa mga ito.
"Ahhh! Malas malas malas buwisit talaga ang impakto nayun! Akala mo kung sinong guwapo. Guwapo nga pero ang... Arrrg hindi hindi. Hindi siya guwapo. Impakto siya. !" Gigil na sabi ni Anne habang nag papalit ng kaniyang damit. Pagka tapos ay binuksan na niya ang Pinto upang maka alis. Ngunit bigla siyang natigilan ng tumambad sa kaniyang harapan ang Seriyosong mukha ng lalaking kina iinisan niya.
"Anong....
"At akala mo makakalabas ka ng bar na ito ng ganung kadali? At hahayaan ko ang pamamahiya mo saakin sa Harapan ng mga kaibigan ko " ani sa kaniya ng lalaki habang humahakbang ito palapit sa kaniya. Habang siya naman ay humahakbang paatras ang kaniyang mga paa
"you can't run away from me woman " ani ng lalaki at ngumisi ang kanang sulok ng labi nito.
Bigla naman kinabahan si Anne at Lihim na kinuha ang kaniyang Pepper spray sa ilalim ng kaniyang bag.
"Nabitin ako dahil sayo kanina. At kamuntikan mo ng mabasag ang mga balls ko. Kaya ngayon it's my ---ahhhh!
Hindi na naituloy Pa ni Paulo ang kaniyang sasabihin ng gamitan siya ng Pepper spray ng babae sa kaniyang mata at bago siya nito iwan ay tinuhod nanaman nito ang kaniyang alaga kaya mas lalo siyang namilipit sa sakit.
----
"Huu! Muntik na ako duon ah! Aba hindi lang pala impaktong babaero ang lalaking iyon. Mukhang may balak Pa siyang masama saakin. Aba! Malas lang niya laking tundo kaya to. " aniya ng maka labas na siya ng Resto Bar. Malayo layo narin ang tinakbo niya at huminto na lamang siya ng mapansing naka layo na siya.
"Pano nato. Wala na naman akong trabaho. " malungkot na sabi niya habang nag lalakad sa gilid ng kalsada ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone kaya nagulat Pa siya dahil napa ilalim ata ang pag iisip niya
"Hello Nestle ----
"Frieny nasan ka?---
"Baket? ---
"Pumunta kana dito. Nasa Hospital ang nanay mo" pag babalita sa kaniya ng kaibigan. Tuluyan na siyang napa upo sa semento at duon ay napa hagulgol siya ng iyak.
Bakit ba napaka malas niya ngayong araw. Kung kailan nasa Hospital nanaman ang nanay Teresa niya ay ngayon Pa siya nawalan ng trabaho at kulang Pa ang perang naitabi niya
"Nestle ang nanay? " kaagad na tanong niya ng maka rating siya ng Hospital.
"Doc ang nanay kopo. Kumusta po siya? "Luhaang wika niya sa harapan ng binatang Doctor
"Paprangkahin na kita. Palala ng palala ang breast cancer ng pasyente. sabayan Pa ng pag atake ng High blood niya.. At iyon ang kailangan maagapan.. kailangan rin namin operahan ang pasyente upang hindi tuluyang lumaki ang Tumor na naka kapit sa ugat ----
"Doc Operahan niyo napo ang nanay ko. Gawin niyo po ang lahat gumaling Lang po ang nanay ko" umiiyak na ani ni Anne.
Sa hindi kalayuan ay matamang nakikinig lamang si Mrs Paulyn. Nasa hospital rin siya upang mag Pa Check-up .paalis na sana siya ng mahagip ng mata niya ang babaeng luhaan habang lakad takbo ito. At hindi niya alam kung ano ang nag tulak sa kaniyang sundan ang babaeng iyon. At hindi nga siya nag kamali ang babaeng tumulong sa kaniya at ang babaeng tumanggi sa tulong niya Ay heto ngayon nag tatangis dahil sa malubhang sakit ng ina nito.
"Cristan " tawag ni Mrs Paulyn sa Doctor na kaninang kausap ng babae
"Tita! How are you kailan Pa po kayo bumalik? " ani ng binatang Doctor at humalik ito sa kaniyang pisngi. Pamangkin ito ni Paulyn dahil pinsan niya ang Mommy ng binata
"3 days ago. hmm I'm good iho by the way yung babaeng kausap mo kanina. Anong sakit ng nanay niya? " walang alin langan niyang tanong sa binata. Kahit alam niyang bawal ibigay ang information ng pasyente lalo na't hindi naman kapamilya o kakilala ang nag tatanong.
"Tita...
"I'm just curious na-aawa rin ako sa kanila. Magkano ba ang kakailanganin nila? " pag papatuloy Pa ni Mrs Paulyn
"3 million tita" sagot ni Doc Cristan"
"Okey thankyou iho"
//continue