Napasuntok ako ng mahina sa papag ng kubo nang makaupo na ako. Bukod sa nag-iisa ay walang wala ako. Gutom pa dahil hindi na ako nakapagtanghalian. Hindi ko rin alam ang oras pero sa tantiya ko,mga alas kuwatro na siguro ng hapon. Nahiga ako sa papag na nagsisibing upuan ng mga bata na tinuturuan ni Luna. Pumikit ako at nilagay ang braso pantakip sa aking mga mata. Itutulog ko na lamang ang gutom ko baka sakaling makapag-isip na ako ng matino kapag may pahinga maski utak ko na lamang. Iniisip ko na rin na kontakin si Tammy upang padalhan ako ng pera. Hindi maaaring maghirap ako ng ganito. Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ba ang nakalipas na nakatulog ako. Napabalikwas na lamang ako nang makarinig ako ng kaluskos na nanggagaling sa labas ng kubo. Napalingon ako sa maliit na bint

