"Kuya!" masayang tawag sa akin ni Elias. Nasurpresa itong makita ako roon. Mabilis siyang lumapit sa akin pagkalabas ko sa silid. Oo, nanatili ako roon. Hindi na ako nagpakipot pa. Hindi ako tanga na isakripisyo ang sarili ko sa lamig ng gabi, lamok o ano pa man na hayop na maaring magawi sa kubo. At least dito, may kumot at mosquito net na nilalagay kapag matutulog na. "Morning," bati ko sa kanya bago itaas ang tingin kay Luna. "Morning," usal ko para batiin din siya. Tumango lamang siya. Bumalik siya sa dati na parang yelo ang pakikitungo sa akin. "Kumain na tayo," ika niya at naglatag na ng pinggan sa maliit na mesa. "Elias..." Sabay kaming dumulog ni Elias sa hapag. Magkatabi rin kami sa upuan na mahaba. Samantalang sa kabilang upuan si Luna kaharap namin. Tahimik ang pag-aalmusa

