Nagpaalam ako sa kanila at agad na umalis. Baka hindi ako makapagpigil ay pumutok ang galit ko. Sugar literally flirting with me. Kahit na mismong sa bibig niya nanggaling na may boyfriend siya. With the help of mang Delfin ay nakapunta ulit ako sa bayan. Papunta rin naman siya ulit doon kaya nakiusap ako kung puwede niya akong isabay. That morning nga ay inabangan ko siya kung saan niya ako binaba kahapon. "Salamat mang Delfin. Maghahanap po muna ako ng trabaho," paalam ko sa kanya. Ipinarada niya ang kolong-kolong na sasakyan niya sa likod ng palengke. "Dito na lang kita hihintayin, Lorenzo. Ibebenta ko muna ang mga ito," sabi niya na binuhat na ang isang sako ng kamote. May isa pa at bubuhatin ko na sana nang pigilan niya ako. "Ako na Lorenzo. Humayo ka na. Magtatanong din ako ku

