Chapter 1

1766 Words
Lorenzo's POV "Okay! next post! Nice Lorenz. Isa pa!" sigaw ng photographer na si Adam habang patuloy ito sa pagpindot sa camerang hawak. Palipat-lipat ito sa kanyang puwesto habang ako naman ay patuloy sa pag-pose sa iba't ibang anggulo. Hubad-baro ako at suot ang pantalon na sikat ang brand para sa isang billboard at magazine. Ako ang number one model nila at limang taon ko na rin imino-modelo iyon. "Very good, Lorenz. Ang galing mo talaga, walang tapon ang mga kuha mo! mabilis at maagang natatapos kapag ikaw ang modelo ko!" palatak ng baklang photographer. Seryosong-seryoso naman akong nakatitig sa camera. Fierce ang tema kaya hindi puwedeng nakangiti. Buti na lamang at nabiyayaan ako ng mga matang nangungusap. Asset ko raw ang mga mata kong maraming sinasabi sa titig pa lang maliban pa sa aking itsura at katawan. Ang mga mata ko ay nagpapahiwatig ng iba't ibang emosyon. Iyon ang pinakaayaw ko dahil nababasa ng iba ang emosyong  meron ako.  They know if I am angry, sad or happy. That's why, most of the time, I'm spacing out. "Good! good! okay one more at wrap up na tayo," puring sigaw ni Adam sa akin. Muli akong umiba ng pose sa huling pagkakataon. "Done! pahinga ka na Lorenz." Pumalakpak ang mga crew na naroon at ang ibang nanonood lamang. Sa pagkakataong iyon ay genuine akong ngumiti sa kanila at nagpasalamat. Lumapit naman sa akin si Tammy na assistant ko  para dalhan ako ng tuwalya para pamunas. Pinagpawisan ako kahit pa nga nakahubad ako at may aircon naman sa studio. "Thanks, Tammy,'' ika ko pagkatapos kunin ang inabot niya at isinukbit sa aking balikat. Ngumiti lamang siya sa akin na parang nahihiya. Sabagay, ilang buwan ko pa lang naman siyang naging assistant. Tinulungan ko siya dahil nangangailangan ng perang pangtustos sa pag-aaral at sa kanyang pamilya. She was a fan bago man ako pakiusapan ng isa sa handler ko na kunin siyang assistant ko. Noong una ay ayaw ko talaga, kaya ko naman ang sarili ko, isa pa ayaw ko ng may babaeng aali-aligid sa akin. But then, when I got to know her background ay agad ko rin naman na tinulungan. Hindi naman bato ang puso ko. "May kailangan ka pa ba?" mahina niyang tanong. Umiling ako at inilagay ang aking kamay sa ulo niya para guluhin ang kanyang buhok. "Good job, Tam!" Mabait si Tammy at itinuturing ko siyang kapatid na babae. I didn't have any, that's why I cherished her as my younger sibling. Bukod sa suweldo, pinapaaral ko na rin siya para hindi na siya masyadong mahirapan. Sinimulan niyang kalapin ang aming mga gamit. Kaunti lamang naman iyon kaya hinayaan ko na siya at pumunta ako sa dressing room ko para makapagbihis. Alam kong maghihintay na lamang siya sa labas. Mabilis rin naman akong natapos. Niyaya ko na siyang umalis agad at hindi na pinaunlakan ang paanyaya ng ibang staff na kumain muna. Naglalakad kami patungo sa aking sasakyan nang tumunog ang aking telepono at makitang tumatawag ang aking manager. Tumigil ako at sinenyasan na lang si Tammy na mauna na sa sasakyan. Pinindot ko rin ang remote ng sasakyan para buksan iyon at maipasok niya ang dala-dala. "Yes, Chloe?"tanong ko sa manager ko habang pinagmamasdan ko si Tammy na nilalagay ang gamit ko sa kotse "Be ready and pack-up," ika niyang ikina-kunot noo ko. Wala naman siyang sinabing ibang schedule ko maliban sa photo shoot ngayon. "As soon as possible," maarteng saad niya na pilit ginagawang babae ang boses kahit lalaki naman siya. In short, Chloe is gay, napapalibutan ako ng mga lalaking nagpupusong babae. I am not againts them. Nagpapasalamat pa nga ako dahil kung hindi sa kanila, I may not be here. Malaki ang tulong na nagawa nila sa akin na walang hinihiling na kapalit  Alam nilang matino akong tao, hindi basta-basta pumapatol sa mga indecent proposals nila. Gaya ng pagtulong nila sa akin ay tinulungan ko rin naman ang sarili kong umangat sa tugatog na kinalalagyan ko ngayon. "Bakit biglaan?" tanong kong sumandig sa pader malapit sa pinto. "Hindi ba at ito ang gusto mo? Hindi ko na sana sasabihin at hindi na tatanggapin, but knowing you, baka tayo pa ang magkagalit kapag nalaman mong may offer na tinanggihan ko." Narinig ko ang malakas niyang pagbuga ng hangin. Naninigarilyo na naman siguro ito habang kausap ako. "May nag-o-offer, gusto kang gawin judge sa isang pageant sa piyesta nila." Bigla akong nakaramdam ng excitement. Matagal na rin na hindi ako nakarating sa ibang lugar. I mean local, dito lamang sa Pilipinas. Usually kasi ay sa ibang bansa talaga ang mga raket ko. Ayaw na ayaw pa naman ni Chloe ang mga iyon na ayon sa kanya ay pipitsuging raket. But not for me. May dahilan ako kaya ginusto kong tumanggap ng ganito. Kahit pa nga hindi ako bayaran ay okay lang sa akin. "Where?" hindi maitago ang excitement sa aking boses. "Iloilo City, bayan ng Dumangas." "Iloilo?" ulit ko dahil hindi ako sigurado sa narinig. Unang beses kong mapunta sa ganoong kalayo.  I was away before pero karamihan ay Luzon ang ginagalugad ko. "Then alam mo na ang gagawin mo, Chloe." "Yes, naayos ko na Lorenz. Isang buwang bakasyon." Halata sa boses niya ang pagkadismaya. Kahit kailan ay against siya kapag may ganitong out of town at sa Pinas lang. "Ewan ko ba sa iyo, may hinahanap ka ba at laging isang buwan ang kailangan mo?" Dumilim ang aking mukha sa palatak niya. I dont want to be rude pero ayaw na ayaw kong pinanghihimasukan ang buhay ko at tanungin ng kung ano-ano. "I just really want to relax. At siguro naman ay karapatan ko iyon dahil nag-aakyat ako ng pera, hindi lang sa iyo kundi pati na rin sa kumpanya," seryoso kong saad at 'di naitago ang inis sa boses. Muli ko siyang naringgan ng pagbuntong hininga. "Okay, don't be upset now. Nagawan ko na ng paraan kaya two days from now, ay aalis ka pa-Iloilo. Ayaw ko ng makipagdiskusyon sa kanya kaya naman binaba ko na ang telepono pagkatapos niyang maibigay ang iba pang detalye. Muli akong naglajad papunta sa aking sasakyan at pumasok na roon kasama si Tammy. "Pack up my things later, aalis ako para sa isang raket,'' ika ko habang ikinakabit ba ang seatbelt ko. Napalingon sa akin si Tammy habang binubuhay ko na ang makina ng sasakyan. "Sige,'' ika niyang kababanaagan ang kanyang boses ng lungkot. Hindi na siya nasasanay sa schedule ko.kapag out of town at Pinas lang naman. Hindi ko talaga soya isinasama. "I'll be back within a month, so go home and enjoy your time with your family," mapait kong sabi bago paandarin ang sasakyan. Pamilya? sa tuwing nababanggit ang salitang iyon ay nanunumbalik ang sakit at galit sa aking sistema. Simula noong sampong taon ako ay wala na akong nakagisnang buong pamilya. Ni parang walang maituturing na pamilya. Pinuno ako ng galit sa loob ko. Nang nakarating kami sa aking condo ay agad kong tinungo ang aking kuwarto para makaligo. Pinaragasa ko ang tubig sa aking katawan kasabay ng pagragasa ng mapait na alaala ng aking kabataan. "TOTOO ba? totoo ba ang mga balitang kumakalat, Arturo?" galit na bungad ni Mama kay Papa. Kararating lang nito galing sa Maynila. "Bakit mo nagawang babuyin ang pagiging guro mo? Anong eskandalo ang pinasok mo, Arturo?' Gabi na iyon. Akala siguro nila ay tulog na ako. Sino ba naman ang makakatulog sa sitwasyong kinasusuungan ng aking ama. Ang balita ay may pakpak kahit gaano man ilihim. May teynga ang lupa kahit anong bulong ang gawin. Hindi nagsalita si Papa. Hinayaan niya lamang si Mama sa galit niya. Ganoon naman si papa, hindi niya kailanman pinapatulan si mama kapag nag-aaway sila. Hinahayaan niya ito, kitang kita ko kung gaano kamahal ni Papa ang aking ina, kaya hindi ko talaga mapaniwalaang nagawa niya ang babuyin ang pagsasama nila. Pati ang kuwarto ng mga ito ay nagawang babuyin. Napakuyom ang maliliit kong kamay nang marinig ko ang hagulgol ni Mama. Hindi ko man lamang naringgan si Papa na humingi ng tawad, bagkus... "Kung gusto mo akong hiwalayan, hindi kita pipigilan, pakakawalan kita.'' Mahina ngunit nakarating iyon sa aking pandinig. Hindi ko na maiwasang mapatakbo sa labas. Sa sala sila nag-uusap. Bukas ang pinto ng aking kuwarto kaya rinig ko lahat. "Para ano, Pa? Para ipagpalit si mama sa mas bata? Para sa babaeng iyon!'' Gulat na gulat silang dalawa sa pagsulpot ko. Napailing si papa at balak akong lapitan pero umiwas ako papunta kay mama. Ayaw ko siyang husgahan pero kitang kita ng mga mata ko ang ginagawa nila sa mismong kuwarto pa nila ni Mama. Nakakadiri! Hindi makapaniwalang napatinging muli si mama kay papa. "Bata? Anong ibig sabihin ng anak mo, Arturo? Muling tumahimik si Papa. Ni hindi nagpaliwanag. Hinayaan niya si mama na magalit. Hinayaan niya lang na tila walang pakialam. May gana pa siyang maupo sa sofa at magtipa sa kanyang telepono. Lalong nadagdagan ang galit sa loob ko sa inaasta ni Papa. Tila ba hindi na niya mahal si mama at hinayaan na lamang niya ito. "Hindi ko matatanggap ang ginagawa mong ito, Arturo. Nakakadiri ka!" Muling bumaling sa amin si papa at tumitig na blanko ang ekspresyon. "Like I said, malaya kang umalis, Lolita. Hindi kita pipigilan kung gusto mong lumaya." Ewan ko kung tama ang rinig ko, tila gumaralgal ang boses ni Papa habang sinasabi iyon. Pero nang muli akong tumitig gamit ang nanlilisik kong mga mata, nag-iba ang tingin ko sa kanya dahil nakangiti pa siya. "You can bring, Lorenzo. mas kailangan niya ang ina kesa sa walang kuwentang ama," dagdag pa niya na lalong ikinapuyos ko ng galit. Pinapalayas niya kami para malaya siyang makiapid. Tumahimik saglit si mama at nakipagsukatan ng titig kay papa. Tumingala ako sa kanya nang bumuga siya ng hangin at muling nagsalita. "Iyan ba ang gusto mo, Arturo?'' tanong ni Mama na puno ng diin. Bumaling si mama sa akin. "Mag-empake ka na Lorenzo. Aalis tayo ngayon din!" "No!" sigaw ko sa kanila. Ayaw ko ng wasak na pamilya. "Bakit hindi na lang natin kalimutan ang lahat Ma, pa? Bakit hindi na lang tayo masimulang muli? Please, ayaw kong masira ang pamilyang ito!" pakiusap kong lumalayo sa kanila. "Kahit ayaw mo Lorenzo, aalis tayo." Matigas na saad ni Mama. Tumingin akong muli kay papa. Nagsusumamo ang mga mata ko na bawiin ang sinabi kay mama. Humingi ng tawad para hindi na kami umalis. Bgunit wala akong narinig kay papa. Hinayaan niya kaming umalis sa oras ding iyon. "HINDING hindi ako titigil hanggang hindi kita nadudurog! hahanapin kita kahit saang sulok ka magsuot! Luna Gonzales!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD