Chapter 2

1541 Words
Mabilis na lumipas ang araw. Nakaempake na ako at hinihintay na lamang and susundo sa akin para maihatid ako sa airport. Kasama ko si Tammy na naghihintay sa lobby ng gusali kung saan ang condo unit ko. "Mag-iingat ka roon. Napakalayo pa naman at wala kang kilala. Sana ay isinama mo na lamang ako para may mag-asikaso sa mga pangangailangan mo," mahinang ika ni Tammy. Nahihiya. Natatawa ko siyang binalingan at ginulo ang kanyang buhok. ''Ilang beses na ba akong umalis? Hindi ka pa ba nasasanay sa akin Tam?" Nginitian ko siya nang tingalain ako. "Don't worry about me, I will be fine." Lalo akong natawa nang hindi niya sinasadyang mapasimangot. Itinuturing kong kapatid si Tammy kaya natutuwa ako sa kanya. "Aral ng mabuti habang wala ako," bilin ko dahil siguradong isang buwan mahigit na naman akong mawawala. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Unang beses niya iyong ginawa na para bang hindi na ako babalik pa. Natuod ako at hindi nakakilos. Hindi ko gustong nayayakap ako ng sino man maliban na lang kapag photoshoot. Nakuyom ko ang aking kamao at nanigas. "S-sorry!" usal niya at kusang bumitiw sa akin nang hindi ako tumugon. Pilit akong ngumiti at kinalma ang sarili bago ko muling ginulo ang kanyang buhok para alisin ang tila hindi magandang ihip ng hangin dahil sa yakap na iyon. Magsasalita pa sana ako nang bumusina na sa akin si Manong Simon, ang maghahatid sa akin sa airport. Siya ang driver na binibigay ni Chloe sa akin sa tuwing aalis ako. "Alis na ako. Ikaw na ang bahala sa condo ko ha?" bilin kong muling ginulo ang buhok niya. Tumango lamang si Tammy habang ako naman ay hinila na ang maliit na travel bag at nagtungo sa sasakyan. Nagdala lamang ako ng susuotin sa pageant at sa iba pang kaganapan sa pupuntahan ko. But for the next days, na ilalagi ko roon, balak ko na lamang bumili sa kung saan, ukay man o palengke. Wala naman akong pakialam at hindi ako maarte. Bago ko narating ang rurok ng tagumpay na tinatamasa ko ngayon, nagsuot ako ng basahan at kumain ng tira-tira para mabuhay. Lalo noong naglayas ako sa poder ni Mama. "Lets go, Simon," utos ko sa driver pagkatapos kong kumaway muli kay Tammy. I'll take the plane to Iloilo. From there, susunduin ako ng van ni Mayor para makarating sa bayan ng Dimauli. Unang beses kong makarating doon. Usually, abroad o sa may Luzon ako kumukuha ng raket. Dahil na rin sa kagustuhan kong halughugin ang buong Luzon para makita ang babaeng matagal kong hinahanap. This time, mas gusto kong palawakin ang paghahanap ko. I am seated at the economy area. Nakasuot ako ng makapal na salamin sa mata. Naglagay ako ng cap na itim at pinakapalan ang kilay ko sa pamamagitan ng make up. Naglagay rin ako ng kunwaring bigote para hindi halata na ako si Lorenz Cervas. Natawa ako sa sarili nang mapalingon sa akin ang matandang babae na katabi ko sa upuan. Kahit ganito na ang itsura ko, may napapalingon pa rin naman. Hindi ko sila masisisi. Muli akong natawa, ang lakas ng hangin sa paligid ko. Pinilit kong umidlip pero hindi ko nagawa. Hindi ko pa nararamdaman ang ganitong excitement sa loob ng maraming taon. Tila ba may mangyayaring maganda sa pagpunta ko sa Iloilo. Ano man iyon, I'm ready. When the plane reach Iloilo airport, tila lalong dumaloy ng mabilis ang dugo ko sa katawan. Palabas na ako nang mapabaling ang tingin ko sa mga naghihintay ng paparating. Naitaas ko ang salamin ko sa mata nang makita ang banner na nakalagay ang mukha at pangalan ko. Mga fans iyon na naghihintay sa pagdating ko. I don't want to ignore them, pero kabilin-bilinan ko sa aking manager na ayaw kong nalalaman o ipinapaalam sa mga fans ang araw ng pagdating ko. Paano nila nalaman, ay wala na akong pakialam pa. Nakalabas na ako at nakalayo nang marinig ko ang pagtunog ng aking telepono. Nag-flash ang numero ng kontak na binigay sa akin ni Chloe. "Hello?" "Where are you?"  Nailayo ko ang aking telepono at muling tinitigan ang numero sa screen. Tama naman ang numero pero nagtaka ako dahil boses babae ang tumatawag. "Ikaw si Lorenz, hindi ba?" tanong nito nang muli kong ilagay sa teynga ko ang cellphone ko. "Yes?" Alanganin ko pang sagot at nagpalinga-linga. Doon, nahagip ng mga mata ko ang isang pulang kotse at nakatayo roon ang magandang dilag. Napataas ang kilay ko dahil mukhang hindi driver ang aura ng babaeng iyon. Seksi ang hapit nitong damit na hanggang kalahati ang haba sa hita. Maputi at maganda ang hubog ng katawan. Marami na akong nakikitang mga babaeng seksi, at maikukumpara siya sa mga iyon.  "Ako ang susundo sa iyo," sabi niya. "I'm Lorrizlaine, anak ni Mayor Alfuente," pakilala niya.  "Where are you?" tanong ko. Nais kong makasiguro na ang babaeng pinagmamasdan ko nga ang susundo sa akin.  Ikinubli ko ang aking sarili sa gilid nang pinaikot niya ang sarili sa banda ko. Paano naman kasi, may bumusina at alam kong rinig niya iyon maging sa telepono. "Nakatayo ako sa harapan ng pulang sasakyan," sagot niyang sa banda ko pa rin nakatingin. Napangisi ako nang makumpirmang siya nga iyon. Ito ba ang dahilan kaya parang excited ako? Isang magandnag dalaga? Imbes na magtawag ng taxi, muli akong lihim na bumalik sa loob ng airport at naghanap ng mens washroom. Buti na lamang at walang gumagamit kaya mabilis kong inayos ang aking sarili. Tinanggal ko ang pekeng bigote at naghilamos para matanggal ang make-up sa kilay ko. Pati na rin ang mga freckles na nilagay ko kunwari para lalo akong pumangit. Pati ang salamin ay itinago ko muna sa dalang bag. Inayos ko ang aking buhok para mas may dating ang pagharap ko sa mga fans at magandang dalaga. Hindi naman siguro masamang...makipaglaro. Pinasadahan ko ang aking sarili sa salamin at kinindatan iyon. Saktong may papasok na lalaki, ngunit halatang may pitik dahil biglang napatutop ito sa bunganga at nagningning ang mata.  "Ay! Si fafa Lorenz!" sigaw niyang may landi.  Agad akong napaalis dahil alam kong makakatawag ng pansin ang pagtili ng baklang iyon. Tama nga ako dahil halos habulin ako ng ibang mga nakaalam na naroon ako. Hindi ako artista pero bilang isang sikat na modelo, marami na rin naman ang fans na humahanga at talagang nag-aabang sa akin. Napatigil ako nang salubungin ako ng fans na kanina pa naghihintay.  "Lorenz, ang guwapo mo talaga!" sigaw nila nang sabay-sabay.  Nginitian ko sila gaya ng ginagawa ko. Kumaway rin ako at nag-flying kiss sa kanila. Ngunit lihim akong dumadalangin na sana, makalusot na ako. Buti na lamang at may mga security na agad lumapit at iginiya ako papunta sa babaeng naghihintay sa akin. Nakangisi akong sumakay at agad na ikinabit ang seatbelt. Siya naman ay napabaling sa akin na nakangisi bago pinaharurut ang sasakyan. Gumilid ako ng upo para maharap siya. Mas lalo kong hinangaan ang kagandahan na nasa harap ko. She's beautiful. Mas maganda sa malapitan.  "Are you in love now, Mr. Lorenz Cervas,'' sabi niyang may mapang-akit na ngiti nang balingan ako.  Maganda siya, oo. Pero kung ang sabihing in love? Hindi mangyayari iyon. Makipaglandian ay okay pa. Kayang kaya kong paligayahin siya. Pero walang commitmentt. Wala dapat asahan na mahalin ko siya at maging steady sa isang relasyon. May iisang babae lang ang gusto kong pagtuunan ng pansin.  Ngumisi ako nang taasan niya ako ng kilay. Sopistikada ang itsura ni Lorrizlaine. Halatang anak mayaman.  "Balak mo bang takasan kami kanina? I mean, hindi mo gustong masundo ka ano?" palatak niya habang nagmamaneho. Nagkibit balikat ako bago tumingin sa labas.  "Yes, but then...dahil isang magandang dilag ang sumusundo sa akin, I must be thankful enough and enjoy the attention you're giving me,'' sagot ko ngunit hindi na siya muling nilingon pa. Nawala bigla ang hype sa loob ko na isang magandang dilag ang sumundo sa akin  Napabuga ako ng hangin. Sa una lang ako nabibighani gaano pa kaganda ang isang babae. I am not turned off kapag sila ang nagbibigay ng motibo. Iba lang sa akin ang dating ng mga babaeng unang nagpapapansin. I don't know. Pero iyon ang pakiramdam ko pagdating ngayon kay Lorrizlaine. Napakuyom ako sa aking kamao. Kasalanan ito ng isang tao. Kasalanan ng babaeng noon pa lang ay gumulo na sa takbo ng buhay ko. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang epekto sa akin ng pangyayari nang dahil sa kanya. I hate her! Halos halughugin ko ang buong Pilipinas para hanapin siya just to make her to suffer. "May malapit bang rentahan ng sasakyan malapit sa hotel na tutuluyan ko?" tanong ko sa babaeng kasama ko. Ang sexy niya habang nagmamaneho. Pero hindi ako pumunta sa lugar nila para makipaglandian. "Sa mansiyon ka tutuloy. And you can borrow our cars, kahit alin sa mga iyon."  Napangisi ako sa gawi niya. Hindi ko alam kung sinusuwerte ba ako o gulo lang ang hatid sa akin ni Lorrizlaine. I enjoyed the scenery while listening to her. Halata na nagpapa-impress siya sa akin. I will entertain her. Pagkatapos naman ng show na ija-judge ko ay mawawala akong parang bula. Hindi ko kailangan ng babaeng gugulo sa akin. Not now. Not until I find and get my sweetest revenge. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD