Chapter 3

1449 Words
Gaya ng inaasahan ko, ang mga kasambahay nila ay agad na nagsilapit sa akin para magpapicture at autograph. Gusto ko ng tahimik sana na lugar ngunit wala na akong magagawa ngayon. Naroon na ako kaya pakikisamahan ko na lamang sila. "Unahin ang trabaho bago ang iba!" Napalingon halos kaming lahat sa nagsalita. Si Mayor Alfuente. Kasama nito ang may bahay niya. Pababa ang mga ito sa hagdan. "Welcome to our humble home, Mr. Cervas," bati ng Mayor at nakipagkamay sa akin. "It's my honor, Mayor," ika kong pilit maging kaswal. "Tama nga ang anak ko. Napakakisig ng isang Lorenz Cervas!" puri naman ng butihing may bahay ni Mayor. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan. Hindi ko maipagkakailang maganda ang ginang. Kasing ganda ng anak nilang si Lorrizlaine. "Labis rin akong nagagalak na makilala ang napakagandang maybahay ni Mayor Alfuente," ani kong nagpangiti nang wagas sa ginang. Malutong naman na humalakhak ang Mayor. Si Lorrizlaine naman ay nakamasid lamang sa akin. Kinindatan ko siya dahilan ng pagpula ng kanyang mukha. "Isay, pakisamahan si Lorenz sa magiging kuwarto niya," utos ng ginang sa katulong nilang napatigil sa paglapit sa akin. Napangiti ako rito. Muli akong bumaling sa Ginang. Nang lumapit sa akin ang tinawag niyang Isay para kunin ang maleta ko. "Ako na. I can carry it," pigil ko rito. Ngunit pinigilan ako ni Mayor. "Hayaan mo na sila, Lorenz. Bukod sa magiging judge ka sa patimpalak. Ikaw ay mahalagang bisita namin," ani Mayor na tila may ibig sabihin. Hindi na ako magtataka kung pumayag siya na imbitahan ako na maging judge sa patimpalak na gaganapin. Hindi naman ako ipinanganak bukas para hindi mahalata na dahil iyon sa kanilang anak. Halatang gusto ako nito. "Magpahinga ka na lamang muna hijo. Kakatukin ka na lamang ng katulong kapag handa na ang mga pagkain na inihanda namin para sa iyo," saad naman ng ginang at ipinagtulakan pa niya ako papunta sa anak nila. "Lorriz, ihatid mo na si Lorenz sa kanyang kuwarto," dagdag nito na ikinatango ni Lorrizlaine. Wala na akong nagawa pa at sumabay kay Lorrizlaine nang ayain niya ako. Magkatabi kami habang naglalakad pataas sa hagdan. "Excited sila kanina pa. Bukod kasi sa akin. Fan mo rin si Mama. Mas marami pa yata siyang magazine na ikaw ang model kesa sa akin," kuwento nito. Tila nag-iba ang ihip ng ugali nito. Parang naging mahiyain ito ngayong nasa pamamahay na ng mga ito. Ipinagsawalang bahala ko ang napansin. Nangiti na lamang ako habang siya ay nagkukuwento. Ewan kung ikatutuwa ko ang kaalamang fan ko silang mag-ina. Noon pa ay lapitin na rin ako ng hindi lang bakla at dalaga. Maging mga matrona at mga may asawa. Kung pumapatol lamang ako sa kanila, malamang, ako na talaga ang laman ng balita at blind items. "Dito ang kuwarto mo," wika ni Lorrizlaine nang makarating na kami sa taas at harap ng isang pinto. "Thanks," ika kong hinawakan ang seradura. Naroon na rin siguro ang mga gamit ko dahil nauna na kanina ang katulong nila pumanhik. I am about to enter my room nang umatras si Lorrizlaine patungo sa kaharap na pinto ng magiging kuwarto ko. "My room," aniyang tila nang-aakit. Kinindatan ko lamang siya bago ko tuluyang isinara ang pinto. Mukhang nanganganib ang single life ko rito. Mula sa sahig ay iniangat ko ang aking maleta sa sofa na naroon. Naglabas ako ng pagpapalitan. A navy blue shirt at khaki short. Naramdaman ko ang init ng lugar. Summer kaya halos shorts ang mga dala ko. Balak ko rin maligo muna para ma-relax. Dalawang araw ang ilalagi ko sa poder ng mga Alfuente. Dahil sa susunod pa lamang na araw magaganap ang pageant. Dalawang araw lang ngunit pakiramdam ko, kay tagal na. Dahil siguro pakiramdam ko, hindi ako malaya sa poder nila. Pinaragasa ko ang malamig na tubig sa hubad kong katawan. Napapikit ako habang naihilamos ang palad sa mukha. This is the first time na makikisalamuha ako ng matagal sa mga tao bilang si Lorenz. Dati kasi, saka lamang ako magpapakita kapag mismong araw ng ganap. Naroon naman na ako sa mga lugar pero naka-disguise ako lagi. Umiikot sa bayan kung nasaan ako. Tinutuyo ko na lamang ang aking buhok nang marinig ko ang mahinang katok sa may pinto. "Sir, pinapatawag na po kayo sa baba," ika ng nasa labas. "Yes, I will be there in a minute," sagot ko naman na nilakasan ang boses para marinig ako. Nagsuot na ako ng t-shirt habang papalayo ang mga yabag sa pinto ng kuwartong inuukopahan ko. Napabuntong hininga na lamang ako habang walang magawa kundi ang makisalamuha talaga sa kanila. "Lorenz, come here. Sitdown!" magiliw na bati sa akin ng ginang ni Mayor Alfuente. Nakahain na sa mahabang lamesa ang mga masasarap at tila pang-piyestang pagkain. Sea foods like crabs and shrimp. Iginiya ako ng may bahay ni Mayor Alfuente sa isang upuan. Iginala ko ang aking mga mata, kami pa lamang doon at mga katulong nila. Wala si Mayor o si Lorrizlaine. "Nasa telepono si Mayor. Ipinatawag ko na si Lorriz." Napansin ni Mrs. Alfuente na tila may hinahanap ako kaya sinagot na niya agad. Naupo ako sa itinurong upuan ni Mrs Alfuente. Nakaupo na ako nang bumungad si Mayor na kabababa lamang ng kanyang telepono at ibinulsa iyon. "Pasensiya na, Lorenz. Work." Tumango ako. Umupo na rin sila nang bumungad si Lorrizlaine sa dining area. Hindi ko maiwasang mapansin ang angkin niyang ganda at halimuyak ng kanyang pabango. Lalo na noong naupo siya sa aking tabi. "Let's eat!" nakangising yaya ni Mayor. I feel uneasy. They were nice, pero bakit ganito ang pakiramdam ko? "Lorenz, salamat talaga sa pagpapaunlak mo sa aming imbitasyon," ani Mayor. Nagpunas ako ng aking bibig gamit ang napkin bago balingan ng tingin si Mayor. "No worries, Mayor. It's my pleasure," labas sa ilong na saad ko. Ngumiti lamang siya kasabay ng pagsulyap sa kanyang anak. Napabaling naman ako kay Lorrizlaine na nakatingin pala sa akin. Tumikhim ako at nginitian siya. "Nga pala Lorenz, baka gusto mong mamasyal, puwede kang samahan ni Lorriz..." Pilit na naman akong napangiti. I want to say no. But then, pumayag na lamang ako. Wala naman akong mapuntahan. "Dad's family owns almost half of this land," ani Lorrislaine. Nakatanaw kami ngayon sa malawak na lupa at natataniman ng mga sugarcanes. Tanaw mula sa kinaroroonan namin ang mga trabahador na minsan ay kumakaway kapag nagagawi ang tingin sa amin. Sinabi kong ayaw kong pumunta sa mga lugar na matao like mall kaya doon niya ako ipinasyal. May oras akong puntahan ang mga iyon kapag nakaalis na ako sa kanila. Bilang Lorenzo at hindi bilang isang Lorenz. "Sabi ko nga, kunin kang endorser ni Mommy sa pinaplano niyang cooperative for the poor..." Ngumiti ako. "Siguro, hindi mo naman kami tatanggihan. Ikaw ang modelo ng masa." Hindi ako umimik. Iyon ang unang bansag sa akin before I was known internationally. Modelo ng masa was created because I modelled brands na gawang pinoy. Kahit nga hindi na ako bayaran noon, basta matulungan kong umangat ang isang produkto o gusto kong makilala ang isang negosyo na alam kong may potensiyal. Ito ang tumulong sa akin umangat kung nasaan ako ngayon. Naglakad kami palapit sa isang bahagi ng plantasyon. Doon ay nakita ko ang ilang estudyante na naglalakad. May tila pader at wire na siyang nagsisilbing divider sa lupa ng mga Alfuente at sa isang bahagi ng lupang hindi na nila pag-aari. Nakapaa ang iilan habang binabaybay ang madamong daan. Napatagal ang titig ko sa mga bata. Hindi ko tuloy napansin na nakatitig rin sa akin si Lorrizlaine. "Ang sisipag ng mga bata ano? Pupunta sila sa paaralan, medyo malayo rito. Sa karatig pa kasing baranggay." Kumunot ang noo ko. Bakit hindi sila gumawa ng paaralan para hindi na maglakad ang mga bata para mag-aral. Mayor ang ama niya sa lugar. Pero hindi pa rin talaga maiiwasan na may mapabayaan. Napailing ako. "Nagtataka ka siguro kung bakit doon sila nag-aaral." Napatango siya dahil nabasa nito ang iniisip niya. "We have school in here. Pinatayo three years ago. Pero marami pa rin ang pumapasok sa paaralang nasa karatig baranggay, not because mas magagaling ang mga guro doon." Muling siyang napatango. "May isang guro na mahal ng mga estudyante. Sinubukan naming i-recruit pero hindi pumayag. Kaya heto, mas gugustuhin ng mga bata maglakad kesa dito." Hindi na siya nagsalita pa. Muli na lamang niyang sinundan ng tingin ang mga bata. "Luna, sandali, hintayin mo ako." Nang makuha ang atensiyon ko ng isang bata. Hinahabol ang isang batang babae. Nakuyom ko ang aking mga kamao. The name rings a thousand bells in my ears. Luna... Gusto ko na rin makaharap ang isang taong nagngangalang Luna. Ang nag-iisang Luna na kay tagal kong hinahanap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD