Chapter 4

1213 Words
Staying with family Alfuente was a bit awkward to me. Ewan ko ba, hindi lang siguro ako sanay na nakikita silang masaya. Whole and happy. Because mine was broken since childhood. Ang inakala kong masayang pamilya ay bigla na lamang gumulo at gumuho dahil sa isang babae. I am not against to a happy family. Masaya ako roon pero hindi ko matiim na makasama sila o makasalamuha. Aminado akong apektado ako at naiinggit. Gusto kong matapos na ang event kung saan ako judge para tuluyan na rin akong makaalis sa poder nila. Gusto kong mapag-isa at maging malaya sa lugar na iyon habang naghahanap. "Are you ready, Lorenz?" rinig kong tanong ni Lorrizlaine mula sa labas ng pinto ng kinaroroonan kong silid. Napailing ako. She's really into me. Wala siyang oras na hindi nakadikit sa akin. Baka nga paggising ko na lamang sa umaga ay katabi ko na pala siya at napikot na ako. It's bad. I'm not ready for that. Kaya naman balak kong tumakas na lang pagkatapos ng gabi ng patimpalak. Kaya nga hindi ko na rin tinanggal ang mga damit ko sa maliit kong maleta para madali na lamang ang umalis. Ayaw kong maipit sa pamilyang ito. "Nasilaw ka kasi sa kaseksihan at kagandahan niya, Lorenz!" sita ko sa sarili habang napapailing pa rin. Tama naman, nagandahan talaga ako. Mahilig akong makipaglaro. Hindi ko naman akalain na nanganganib ang p*********i ko sa larong ito ngayon. Binuksan ko ang pinto ko. Nakatayo roon si Lorrizlaine. I was amaze a little bit. Napakaganda niya kasi talaga sa suot na gown. Nude ang kulay noon na kapag sa malayo ay para siyang hubad at tanging ang mga parte lang na maseselan ang may kaunting takip. Hapit sa kanyang katawan na siyang lalong nagdepina sa magandang hubog ng kanyang katawan. She was pretty, alright and really sexy. One night stand will be great. Laro sa isang gabi, pero nasa poder nila ako at ayokong maipit sa isang sitwasyon na pagsisisihan ko. Kahit alam kong gustong gusto niya ako, laro lang dapat at hindi panghabang-buhay na maitali ako. Malawak ang ngiti niya sa labi nang iniamba ko sa kanya ang aking braso para makapitan. Naka-suit naman ako ng kulay itim at itim na slacks na fitted na nagdepina sa tangkad ko at magandang hubog ng aking mahahabang biyas. Sa loob ng suit ko ay puting t-shirt. "You look amazing," pahayag ni Lorrizlaine. May pahaplos pa siya sa braso ko. "So do you," ika ko na lang at hinuli ang kamay niyang iyon at dinala sa labi ko. Pagbaba namin ay naroon na ang mag-asawang Alfuente. They look good together. Maganda at bata pa talaga tingnan si Mrs. Alfuente. Mataba man ay may itsura naman si Mayor. "You two look good together, " palatak ng ginang ni Mayor Alfuente . Pineke ko ang aking ngiti saka muling lumingon kay Lorrizlaiine na hindi na natanggal ang mga ngiti sa labi. "Mom, don't tease us, nakakahiya!" saad niyang ewan kung nahihiya nga ba dahil mayabang naman siyang tumingin sa akin. Sige, makikiayon na lamang ako sa kanilang mood. Later, I'll sneak out. Aalis ako na hindi nila alam. Gabi ang patimpalak. Gaganapin iyon ng alas siyete ng gabi. Isang pageant kung saan maglalalaban-laban ang mga kalahok sa iba't ibang barangay. Kung wala lamang akong hinahanap, hindi na talaga ako mag-aaksaya ng panahon ko. Puwede naman akong magbakasyon at halughugin ang buong Pilipinas. Pero hindi sa lahat ng oras ay magagawa ko iyon. I have commitments. May trabaho ako at may umaasa sa akin. Hindi na lang ako puwedeng mawala na parang bula. At least ito, I worked, at the same time maghahanap. I put money on my pocket and to my manager. Kuwits na kami. Sakay ng kanilang sasakyan, sabay-sabay kaming bumaba. Marami na ang tao sa venue kung saan gaganapin ang pageant. "Pinagawa ko talaga ang auditorium na ito para sa mga ganitong event," mayabang na sabi ni Mayor. Tumingin sa gawi namin ng kanyang anak. Yeah, maybe he spend millions in this building. Kung sana itinulong na lamang niya. Makikita kasing talagang pinaggastusan iyon. After ng mga events? Anong pakinabang ng gusali na iyon? Nothing! Matutulog lamang ang pera na ginastos niya roon. And it's not his money. Pera ng mga taga roon. Iwinaksi ko sa aking utak ang isiping iyon. Wala ako sa lugar para kastiguhin ang pamamalakad niya sa bayan nila. I'm not from here, bahala sila. Kitang kita ko kung gaano kaaligaga ang mga tao sa back stage. Natigil nga lamang nang puntahan namin sila para batiin. Siyempre, nakakapit sa braso ko si Lorrizlaine na tila ba isa akong trophy na ayaw bitawan. Ipinagkakalandakan niyang ako ay kanya. "Goodluck to all of you," ika ko na lamang bago ako hilain ni Lorrizlaine papunta sa ibang mga judges. Ipapakilala na kami para maumpisahan na rin ang naturang programa. "Good evening, ladies and gentlemen!" sigaw ng host. I know him, isang komedyanteng binabae. Napapanood sa isang show sa Kaibigan network. Napalingon ako kay Lorrizlaine na proud na proud ang itsurang bumaling rin sa akin. Literally, they spent money for this event. Masasabing pinabongga ang patimpalak. Nakaya nga nila akong kunin bilang judge maging ng komedyante. They know how to please their people. The show started where the host introduced Mayor Alfuente. Nagtalumpati si Mayor at nagbigay mensahe na tila ba nangangampanya na. Malayo pa man ang eleksiyon. Hanggang sa ipakilala na nga kami isa-isa ni La bida loka-loka. Nakakatawa, iyon ang petname na gamit niya bilang komedyante sa TV. And it works. Mas naging sikat siya dahil doon. Bukod sa amin ni Lorrizlaine, may tatlo pa kaming kasama na judges. Isang abugado na ipinakilalang si Atty. Rizaldo Anevas. Isang designer na pinakilalang si Anecito Gonzales at isang commercial scout na si Amery Inocencio. Nakikita ko siya pero hindi nakakasalamuha. "Our fourth judge is Miss Lorrizlaine Alfuente, the princess of Mayor Alfuente. Graduated c*m Laude in Bachelor of Science degree in Commerce. The Mutya ng Dimauli 2020. Palakpakan ang lahat samantalang malawak ang mga ngiti ni Lorrizlaine na umikot pa ang tingin para bigyang pugay ang lahat. "And our last but not the least, ay! Kenekeleg ang pempem ko mga ses! Matagal ko ng pinagnanasaan to eh," pahayag ni La Bida. Napangiti lamang ako. Hindi na rin naman bago ito sa akin. "Toplist model, hot papa, single and sana available, Mr. Lorenz Cervas!"sigaw niya sa pangalan ko. Naghiyawan ang lahat. Napailing na lamang akong natatawa habang kumaway sa mga taong naroon bago humarap kay La Bida at kinidatan ito. Tuwang-tuwa siyang nagtatalon. "May nanalo na. Ako!" pahayag niya na kinikilig pa rin. Binubuhay niya talaga ang gabi. Muli kong iginala ang tingin ko sa paligid. Nang magsalubong ang mga kilay ko nang madako sa isang parte ng auditorium ang mga mata ko. Kumurap pa ako at baka namamalikmata ako sa nakikita. But no! Hindi nagkakamali ang mga mata ko. Ilang taon man ang nakalipas, naukit na ang itsura sa akin ng babaeng iyon. She maybe add years in her age, pero hindi nagbago ang itsura niya. Kay bilis ng kabog ng dibdib ko habang nakatunghay sa kanya ng mariin. Hindi nagbago na siya ang babaeng naging dahilan ng lahat ng paghihirap at kamalasan sa pamilya ko. Siya ang babaeng gusto kong sirain din ang buhay. "Luna..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD