Chapter 5

1125 Words
Napakuyom ang kanang kamao ko. Nagpupuyos ako sa galit dahil nakikita ko siyang tumatawa at masaya habang may kausap. "Lorenz?" Kinalabit ako ni Lorrizlaine pagkatapos na makailang ulita na tawagin ang pangalan ko. Mabilis ko siyang sinulyapan at naiwas ko ang tingin sa babaeng kay tagal kong hinanap. "I'm...fine," sagot ko. Nang ibalik ko ang tingin ko sa gawi ni Luna ay wala na ito roon. Napatayo ako at nagpalinga-linga para muling hanapin ito ngunit hindi ko na talaga siya makita pa. Bigla na naman siyang nawalang parang bula. "Are you okay?" tanong na muli ni Lorrizlaine at hinawakan pa ako sa kamay. Lihim akong napamura nang hindi ko na talaga makita ang bulto ni Luna. Tumango ako at muling naupo kahit na nagpupuyos na ng galit at nawala yata ako sa sarili ko. Wala akong pakialam habang nakatingin na may pagtataka ang mga kasama ko roon. Ang nasa isip ko ay tapusin na agad ang pageant na iyon at makaalis na. Ayaw kong mag-aksaya ng oras. Narito sa lugar na ito ang hinahanap ko. I need to find her. Maraming taon na ang ginugol ko at naaksayang panahon para makita ang babaeng iyon. Makakamit ko lang ang satisfaction kapag nakaharap ko na ang babaeng iyon at maipalasap sa kanya ang dinanas kong hirap dahil sa ginawa niyang pagwasak ng masaya kong pamilya. Kating kati na akong ipamukha sa kanya ang sakit na dinanas ko. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Parang sinisilaban ang puwet ko sa kagustuhan na makaalis na agad. Tila kay bagal rin ng pagtakbo ng oras. Hindi na ako makapaghintay pa lalo na sa isiping naroon lamang ang babae sa mga kumpulang iyon ng mga nanonood. Wala akong naintindihan sa pageant. Nawala talaga ang konsentrasyon ko kahit naroon ako para sa trabaho. Nagulantang na lamang ako nang tawagin ang pangalan ko. It was for a question and answer portion. Hindi ako handa sa tanong ko about that pageant, pero kusang lumabas ang tanong sa bibig ko. "Contestant number 5," paunang pahayag ko. " Love or dignity? Paano kung ang lalaking mahal mo ay pamilyado?" tanong ko habang titig na titig sa contestant. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Lorrizlaine sa gilid ng mga mata ko. Binalewala ko iyon at naghintay na lamang ng sagot ng contestant na tinatanong ko. 'Kaya mo bang isakripisyo ang dignidad mo bilang babae sa isang lalaking may asawa na para sa pagmamahal? O kaya mong mahalin siya na hindi isinasakripisyo ang dignidad mo bilang babae' Gusto ko iyong idagdag ngunit nagpigil ako. Pinigilan ko ang sarili kong maghimutok sa harap ng maraming tao. Tila iyon kasi ang gusto kong isumbat kay Luna. "Thank you Mr. Lorenz. Good evening ladies and gentlemen," paunang salita ng contestant. "Para sa akin po, aanhin mo ang pagmamahal kung mawawalan ka naman ng dignidad bilang babae. Mali po ang magmahal ng taong pamilyado na. Masasabi ko pong hindi pagmamahal ang magawa mong sirain ang isang pamilya. Magmahal ng tama, hindi lang sa kama. Thank you," sagot ng contestant na malawak ang pagkakangiti lalo na sa gawi ko. I like her answer. Iyon ang gusto kong marinig, but there was a bitterness inside me na tila hindi pinaniniwalaan bawat kataga ng contestant na iyon. Pakiramdam ko ay hindi siya sinsero at ang naging sagot niya ay labas sa ilong. Hindi totoo sa kanyang kalooban. Pumalakpak na lamang ako nang pinalakpakan ito ng mga nanonood. Maugong ang palakpak at sigawan na para bang ito na ang mananalo. But I gave her lesser score. Hindi makatotohanan ang pahayag ng babae para sa akin. I can't deny it. Sa buong buhay ko, ang pagkilatis sa mga babae ang naging nakasananayan ko na. Mga babaeng laro kung laro, o babaeng tinatapat at sineseryoso. Natapos ang gabi na fourth runner up ang contestant number five. Marami ang nadismaya sa naging resulta dahil naging crowd favorite ito pagkatapos ng question and answer. Samantalang nakangisi lamang ako. Unang una, dahil tapos na ang patimpalak, pangalawa, the satisfaction na hindi nanalo ang babaeng iyon. Pangatlo, makakaalis na rin ako. Takasan ko man sila Mayor para hanapin na ang babaeng matagal kong gustong makaharap. "You look happy?" saad ni Lorrizlaine nang humarap siya sa akin. Tinaasan pa niya ako ng kilay. "I..." "Picture-picture daw sa mga judges," tawag sa amin ni La-bida loka-loka dahilan upang hindi ko masagot agad si Lorrizlaine. Nagkibit balikat na lamang ito nang itinikom kong muli ang bibig kong pabuka na sana para sagutin siya. Inalalayan ko si Lorrizlaine paakyat sa stage. Kahit na dismayado ay agad na nag-iba ang hilatsa ng mukha ng contestant number five nang makalapit ako. Agad itong tumabi sa akin para magpakuha ng litrato. Naalibadbaran ako ngunit dahil may camera, nagawa kong ngumiti rito at paunlakan. "Pero kung kasing guwapo mo at kasikat, baka ibaba ko ang dignidad ko para makuha ka..." bulong niya habang kinukuhanan kami ng litrato. Napahalakhak ako na walang kasiyahan. Pinaningkitan ko siya ng mga mata habang kunwaring nakangiti ang aking labi. "Karma is around. You deal with it," anas ko. "I may be your karma too," dagdag ko pa na ikinapawi ng ngiti niya. Alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin. Napalayo siya sa akin at lumapit naman ang iba. Ilang kuha pa lamang sa mga kasama ko sa stage ay agad na napawi ang aking mga ngiti. The sight of a woman leaving the venue makes my heart race. Lumingon pa kasi ito sa gawi ng stage bago tuluyang mawala sa kumpulan ng mga taong nagsisiuwian na rin. Walang sabi-sabing bumaba ako sa stage. May tumawag sa aking pangalan ngunit hindi ko pinansin. Sumiksik ako sa mga tao upang mahabol ang babaeng iyon. Hindi ko tinanggal ang aking mga mata rito nang muli ko siyang masulyapan. Mabilis akong lumapit at halos ipagtulakan ang mga taong nakaharang sa dinaraanan ko. "Luna..." Naabot ko ang kamay niya at hinila dahilan upang mapatigil siya at mapalingon sa gawi ko. Nagtagis bagang ako nang nagtagpo ang mga mata namin. She's here. Kay lapit niya at nakatitig sa akin. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito. "Sino..." "Lorenz papicture." "Lorenz ang guwapo mo talaga..." Agad niyang hinila ang kamay niyang hawak ko. Tuluyan na akong makuyog ng mga taong biglang lumapit sa akin. Gusto kong hawiin nang marahas ang mga taong pumalibot sa akin ngunit ayaw kong maging bastos at masira ang image ko. Kaya napilitan akong ngumiti at pagbigyan ang mga ito habang pinagmamasdan si Luna papalayo at papawala sa paningin ko. Mahalaga ay alam kong narito siya. Alam kong hindi niya ako nakikilala kaya ayos lang. Makakawala siya ngayon ngunit hindi sa susunod na mga araw. Hahanapin ko siya at pagbabayarin sa ginawa niyang kasalanan sa akin. Labin limang taon man ang nakararaan. Nahanap na rin kita. Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD