Sino iyon? You know her?" tanong sa akin ni Lorrizlaine nang makabalik na ako sa stage kung nasaan sila.
"Wala. Napagkamalan kong kaibigan ng ama ko. Hindi pala," sagot kong muling tumingin sa camera. At inabala ang sarili nng hindi na siya muling magtanong na para bang may karapatan siya.
Pinagbigyan ko ang mga taong nagpakuha ng larawan kasama ako. Naging maayos naman at walang gulong nangyari dahil agad na may tauhan sina Mayor na lumapit sa akin at kinontrol ang mga tao. Nang matapos ay muli nga akong bumalik sa stage kung nasaan ang mga kasama ko.
Halos madaling araw na natapos ang patimpalak. Isama pa kasi ang mga pakikisalamuha sa mga kalahok.
"May after party pa," bulong sa akin ni Lorrizlaine. Kumapit pa sa aking braso. Ewan ko kung sinadya niya ang pagkakadikit ng kanyang dibdib doon.
"I want to go home first. Magbibihis lang ako," ika kong wala naman ibig sabihin ngunit tila bigla siyang nabuhayan. Lumiwanag ang mukha niya. Tila hinihintay ang pagkakataong iyon.
"Oh. Mukhang kailangan ko rin magbihis. Magpapaalam lang ako," paalam niya sa akin at mabilis akong iniwan. Pinanood ko na lamang siya habang papalapit sa kanyang mga magulang upang magpaalam.
Nakuyom ko ang aking kamao habang pilit na nangiti nang balingan ako nila Mayor. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero tila may ibig sabihin ang tingin ng kay bahay nito sa akin. May naaaninag akong ningning sa mga mata niti. Gusto kong mapailing at iwanan na lamang sila.
Nasa sasakyan na kami ni Lorrizlaine patungo sa mansiyon ng mga Alfuente ay hindi na mapalagay ang loob ko. Naging touchy si Lorrizlaine sa paraang tila inaakit ako. If I'm in the mood, maaaring patulan ko siya at pagbigyan. Pero hindi, mas nakatuon ang buong pagkatao ko sa iisang babae.
"What's your plan after this?" tanong niya na nakapagpakunot ng aking noo. "I mean, alam kong naka-book ka na pabalik ng Manila bukas ng gabi. Hindi mo ba planong mag-stay muna rito ng kahit isang linggo?" tanong niya.
"I have commitments," tipid na sagot ko. Pinigilan ang mga daliri niyang naglalandas sa braso ko.
Return ticket ang sinabi ng manager ko sa kanila so I was booked to return tomorrow night. That way, may alibi nga na babalik ako agad at walang dahilan para magduda silang naroon pa ako. Unless they check the airlines kung talaga bang sumakay ako. Bayad na rin ako kaya wala ng dahilan pa para manatili ako sa poder nila ngayon gabi.
"Baka gusto mo lang naman..."
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Lorrizlaine na hawak ko. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin nang medyo humigpit pa at halos pilipitin ko ang pagkakahawak roon. Ngumisi ako sa kanya nang umangat ang mga mata ko sa kanyang mukha para tignan siya.
"Do you want me to stay?" Tumango siya. "Anong rason para manatili ako, Lorrizlaine?" Nang-uuyam na tanong ko.
Kitang kita ko ang biglang pamuumula niya ng mukha at ang pagkagat niya sa kanyang labi. Pero nakatitig pa rin naman siya sa akin.
"Maybe, I can be the reason..." pahayag niya.
Lalong lumaki ang ngisi ko. Napangiti na rin siya na tila ba nanalo siya sa pakikisakay ko sa tumatakbo sa isip niya. Hindi niya alam ay tatakbuhan ko na rin pala siya mamaya. Pagdating sa bahay nila ay aalis ako at walang sinoman na makakapigil sa akin. Maging maghubad siya sa harapan ko.
"Maybe..." saad kong binitiwan ang kanyang mga kamay. Nasa garahe na kasi kami at pinagbuksan na siya ng kanilang driver. Ako naman ay lumabas na sa kabilang pinto ng kotse.
Agad kaming pinagbuksan ng kanilang katulong. Mabilis akong pumanhik habang hinahabol ako ng lakad ni Lorrizlaine.
"Lorenz?"
Nasa huling baitang na ako at nasa gitna siya ng hagdan nang tawagin niya ako. Nilingon ko siya at tila nahihirapan sa paglalakad. Napatingin siya sa baba. Itinaas ang kanyang paa at inalis ang suot na sapatos na may mataas na takong.
"Can you help me? Hindi na yata ako makakalakad patungo sa kuwarto ko..." ika niyang nagsusumamo ang mukha.
Lie! Alam kong sanay siya sa ganoong sapatos. Kanina lang ay halos habulin niya ako. I need my other talent. Kailangan ko na iyon ilabas.
Nang bigla ay may lumabas na tunog mula sa akin. Sunod-sunod iyon. Sinapo ko ang aking tiyan.
"I'm sorry Lorrizlaine, I need to go," ika kong muling nagpalabas ng hangin. Umutot ako sa harapan niya.
Mabilis ko siyang iniwan doon. Hindi makapaniwala ang kanyang tingin. Napaawang pa ang kanyang bibig sa lakas at sunod-sunod kong pag-utot. It was embarassing pero wala naman akong pakialam. All I want is to escape. Masasabi ko rin talaga na talent ang paglabas ng hangin kahit hindi naman talaga natatae. Hindi rin naman mabaho dahil sapilitan lang naman ang paglabas ng hangin sa katawan ko. A talent indeed.
Nakangisi akong agad na nagbihis nang mas simpleng damit. A plain white t-shirt and a jog pants at nagsuot ako ng sneakers na walang tatak. Agad rin akong nagtungo sa banyo hindi para maglabas ng anuman kundi para maglagay ng mga pekeng nunal para sa pagbabalatkayo ko. Gaya ng dati, ginawa kong pangit ang aking sarili. Sinuot ko ang makapal na salamin sa naging dahilan para hindi ko makilala bilang si Lorenz na modelo at sikat.
I wear my jacket and ready to go nang makarinig ako ng ilang katok sa pinto.
"Lorenz, are you ready?" Napatigil ako nang marinig si Lorrizlaine mula sa labas ng pinto. Ready for what? Ang bilis naman niyang magbihis?
Napatitig ako sa pinto. Hindi ko magagamit iyon para tumakas. Iisa lang ang paraan, sa may terasa.
Mabilis kong tinungo iyon.
"Oh, sh1t!" bulalas ko nang silipin ko ang kababagsakan ko. Nasa second floor kami at masasabi kong medyo mataas ang kababagsakan ko.
"Lorenz..." patuloy na pagtawag ni Lorrizlaine mula sa labas. Napabaling pa ako roon dahil pinihit niya ang seradura. Buti na lang at nilock ko ang pinto.
Una kong binagsak ang maliit kong maleta. Nakagawa ng ingay iyon. Buti na lang at wala silang guard na nagpapatrolya, kundi, huli talaga ako. Sumunod akong sumampa na sa railings at naglambitin.
"Damn! Bakit ba pinahihirapan ko pa ang sarili ko? Wala naman sila magagawa kung aalis na ako!" sumbat ko sa sarili habang napapikit. Tila mababali ang railings na hawak ko, dahil siguro sa laki qt bigay ko na rin. Nang lumangitngit iyon ay mabilis akong napabitiw. Muli akong nagmulat ng mga mata nang tantiya ko ay malapit na ako sa lupa. Sinubukan kong maging magaan ang pagkakabagsak sa pamamagitan ng pagbend ng aking mga tuhod. Still the impact was hard at nasaktan ang isang paa ko. May bato akong natapakan dahilan upang mapilipit ang kaliwang paa ko. Ramdam ko sa sakong ang sakit.
"Shi+!" makailang beses na mura ko. Napatingala sa pinanggalingan ko.
Mabilis kong pinulot ang maleta ko at iika-ikang naglakad. Patungo ako sa daang tinatahak ng mga bata nung isang araw. I will find my way to where she is. Hindi ako titigil. Ngayon pa na nahanap ko na talaga ang lugar kung nasaan siya. Kung kailangan kong halughugin ang bayan ay gagawin ko. Makita ko lamang siya.
Makita ko lamang si Luna!