It was dark. Medyo nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil sa hindi ako pamilyar sa lugar na tinatahak ko, idagdag pa ang masakit kong kaliwang bukong-bukong na nadale yata sa pagbagsak ko kanina.
I am dragging my feet when suddenly I felt little drops of rain. Sh!t! Umuulan pa. Kung hindi rin talaga ako tinamaan ng kamalasan. Hindi naman nangyayari sa akin ang ganito noon. Ngayon lang talaga. Ngayon na nahanap ko na siya!
Napalingon ako sa aking pinanggalingan. Malayo-layo na rin ang nilakad ko at may isang oras na rin yata akong naglalakad. Ayaw ko ng bumalik pa. Tinakasan ko na at tinalikuran. Naisip ko tuloy sina Mama at Papa.
Gamit ang flashlight ng aking telepono na luma-- ang bago ay itinago ko sa maleta ko, ay nagpalinga-linga ako. Wala masyadong kabahayan at tanging nakikita ko ay mga tubo. I am brave dahil lalaki ako, but then, hindi ko rin maiwasang matakot sa lugar, what if may mga rebelde? Nanganganib ang buhay ko siyempre. Lalo at hindi naman ako pamilyar at bagong salta lamang ako roon.
Kahit masakit ang paa ay mas bumilis pa ang paglalakad ko kasabay nang papalakas na buhos ng ulan. Tiniis ko ang pagsigid ng kirot sa paa ko. Hindi ko alam kung ilang oras pa ako nagpalakad-lakad. Basta naramdaman ko na lamang ang aking sarili na nanginginig at inaapoy na yata ng lagnat dahil sa pagod at pagkabasa.
I was about to give up nang mamataan ko ang isang bahay sa malayo. Mag-isa lamang iyon na nakatayo roon. Napatigil ako kung pupuntahan ko ba iyon o hindi?
"Are you sure, Lorenz? Baka kuta iyan ng mga rebelde?" piping tanong ko sa sarili. Maaari ngunit mas maiging makahingi na lamang ako ng tulong sa kanila kesa mamatay akong wala sa oras sa kalagitnanan ng hindi ko alam na lugar. Nagsisisi tuloy ako na umalis pa sa alanganing oras. Pero nasa huli nga talaga ang pagsisisi. I can't take back whatever happened.
May ilaw akong naaaninag sa loob ng maliit na bahay na iyon. Nang matapat ako sa pinto ay agad akong kumatok.
"Help..." anas ko pang nanghihina dahil sa sakit sa katawan. Muli akong kumatok.
"Nay, may mumu!" rinig kong salita mula sa loob. Tinig ng isang bata.
Muli akong kumatok. "Please, help," muli kong anas. Mas nagkalakas ng loob humingi ng tulong lalo at natanto kong hindi rebelde ang may ari ng bahay na kinakatok ko.
"Sino iyan?" tinig ng isang babae iyon. Iyon na siguro ang nanay ng bata. Sa distansiya ng kanyang boses ay alam kong pagitan na lang namin ang pinto.
"Help, hindi ako masamang tao. I just really need help," nangangatal kong ika. Ang lamig-lamig dahil sa malakas na ihip ng hangin. Nauulanan pa ako. Niyakap ko na ang aking sarili. Ang maleta kong hawak ay nabitwan ko na bago pa makarating sa bahay na iyon. Tanging ang telepono kong nasa suot na jacket ang nakuha ko.
Napasandal ako sa may pinto dahil bigla akong nanghina. Sa kamalas-malasan nga naman talaga. Ngayon lang nangyari sa akin ito. Smooth naman ang paghahanap ko dati. Hindi kaya dahil narito na siya kaya pinapahirapan ako ng Diyos? Kung ipinapaalala niya sa akin na mali ang paghihiganti, sa isip ko, kakalimutan ko ang Diyos para maisakatuparan ang bagay na matagal ko ng gustong gawin. Bagay na matagal ko ng inasam at ginugulan ng buong buhay ko. He's being unfair to me kung hahayaan Niya akong mapahawak.
Bumukas bigla ang pinto at hindi ko napigilan ang sarili kong mabuwal dahil sa panghihina.
"Ay!" bulalas ng tinig babae at agad akong sinalo. Alam kong mabigat ako kaya pinilit kong ayusin ang sarili ko. "Mister, ayos ka lang ba?"
Ewan ko ngunit may kakaiba akong naramdaman nang muli kong marinig ang boses na iyon ng babae. Mula sa pagkakadukdok ng mukha ko sa balikat niya ay umangat ako. Ang unang nasilayan ko ay ang mga mata ng babae. Mga matang hindi ko makalimutan kahit kailan. Agad akong napalayo kahit muntikan akong mabuwal na muli.
"Nay?"
Napalunok ako nang marinig ang tinig muli ng isang bata. Nanlalabo man ang mga mata ko dahil sa naghalo-halong pakiramdam ay inaninag ko ang isang batang lalaki.
Napahawak ako sa pinto nang umikot ang paningin ko. Nabato ako nang bigla akong hawakan ng kaharap kong babae. Parang gusto ko siyang itulak ngunit nagtimpi ako.
"Inaapoy ka ng lagnat, Mister..."
Pumikit ako nang maramdaman ko ang palad niya sa aking mukha. There's a chill sensation down my spine.
"I...need help," ika kong paos na. Galit na tumitig na muli sa babaeng kaharap ko. Ang babaeng hinahanap ko. Si Luna.
Akala ko ay papahirapan pa ako ng Diyos. Ngunit naging mabuti pala siya sa akin. Heto nga at iniharap na niya sa akin ang matagal ko ng hinahanap.
"Elias anak, pakikuha ako ng tubig sa palanggana at bimpo," utos ni Luna sa anak niya bago ako alalayan papasok sa kanilang tahanan. "Maupo ka."
Inalalayan niya rin ako papunta sa isang upuang kahoy. Matigas iyon sa puwet ngunit mas tumigas pa ang puso ko nang matanto kong may anak ang babaeng hinahanap ko.
"Nay..."
"Kuhanan mo ako ng unan at kumot sa kuwarto anak. Kumuha ka na rin ng damit sa naiwang gamit ni kuya Zoren mo."
Nakapikit na ako para maibsan ang hilo at pananakit ng ulo ngunit rinig ko sila. Maging ang kilos ng babaeng nasa tabi ko ay damang dama ko.
"Magbihis ka muna," ika niya sa akin. Siya na mismo ang humawak sa laylayan ng damit ko. Tila sanay na sanay maghubad ng isang lalaki.
F^ck! Ilan kayang lalaki ang hinubaran niya? Ilan ang gaya ng aking ama na pamilyado? Lalong nangalit ang sistema ko sa kanya. I want her to suffer as soon as possible.
Galit na galit ako ngunit hindi ako nagpahalata at hinayaan siyang hubaran ako. Napamulat pa ako at tumitig sa kanya nang sinusuotan na niya ako ng damit. Hindi siya nakatingin sa akin samantalang ako ay nakasulyap sa bawat galaw na gawin niya.
"Humiga ka," sabi niyang itinulak nga ako pahiga. May unan na sa ulunan ko kaya hindi nasaktan ang ulo ko. Medyo masakit lang sa likod ang upuang kahoy. At maliit iyon kumpara sa katawan at haba ko.
Binalutan niya ako ng kumot sa pang-ibabang bahagi ng katawan ko. Alam kong tatanggalin niya rin ang basang suot ko roon.
"Kailangan kong matanggal ang suot mo, mas magkakasakit ka kasi kapag nahayaan kang basa," sabi niyang humawak sa aking suot. Hindi niya maiwasang mahaplos ang tiyan kong matigas dahil sa muscle. Bilang modelo, maintained ang toned muscle ko at six pack abs.
"I'll do it," ika ko nang hindi niya malis ng suot ko. Dahil kamay lamang niya ang nasa ilalim ng kumot ay hindi niya makita ang binubuksan. Isa pa, hindi ako kumportable bigla sa pagkakadaiti ng kanyang palad sa balat ko. Tumango siya at tumalikod.
Nang mabihisan niya ako ay agad niya akong pinunasan. Ramdam ko ang init ng aking katawan dahil sa lagnat.
"Magluluto lamang ako ng lugaw para makakain ka bago ka uminom ng gamot," malumanay na ika niya. Medyo madilim ang kabahayan nila dahil gasera lamang ang kanilang gamit.
Muli akong nakapikit nang maramdmanan ko ang pagsundot sa aking braso. Hindi ko iyon pinansin ngunit muli ay may sumundot kasunod ng batang nagsalita.
"Mister, buhay pka pa ba?" tanong nito sabay sundot muli.
Gumalaw ako para tignan ang bata. Kahit sabihin pang medyo madilim, kitang kita ko pa rin ang mukha nito. Nagulat ako sa reyalisasyon sa isip ko.
He looks like me when I was that young!