Chapter 39

1898 Words

"Luna...jusko, anong nangyari?" Mabilis na lumapit sa akin si Sugar. Kasalukuyan akong nasa labas ng silid kung saan naroon si Lorenzo para sa kanyang operasyon. "Sugar..." tawag ko sa kaibigan. Hindi ko na alam ang gagawin ko dala ng takot at kaba dahil sa nangyari. "Nanginginig ka, maupo ka muna," yakag niya sa akin. Inalalayang makaupo sa malapit na bench. "Okay ka lang," tanong niyang alam kong naniniguro lang. Umiling ako. Hindi ako okay. At hindi ako magiging okay hanggang hindi nakakaligtas si Lorenzo sa bingit ng kamatayan. "Sugar...Sana ipinagtabuyan ko na lang siyang umalis sa amin. Sana hindi ako naawa sa kanya. Hindi sana ito mangyayari sa kanya. Hindi sana siya mapapahamak. Kasalanan ko," hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD