Chapter 43 Luna

1790 Words

"Babe, inom pa. Makakatulong ito sa iyo," bulong ni Bogs sa teynga ko. Heto ako kasama siya, inom diyan inom dito. Wala akong magawa kundi ang makisama. Nasa condo kami ni Bogs kasama ang ilan sa mga taong hindi ko naman masasabing naging kaibigan ko talaga. Unang beses na magparty sila na naroon ako. "Baka magising si Elias," sabi ko. Tipsy na ako pero nagawa ko pang isipin ang baby na nasa kuwarto. Oo, hindi magandang kapaligiran ang nakagigisnan niya pero wala akong magawa. Kailangan ko ng taong puwede kong sandigan lalo at walang wala ako. Nagtatago. Hinalikan ako ni Bogs sa leeg habang kanya-kanya naman ang ginagawa ng mga barakada niya sa gilid. May nagme-make-out na nga sa sofa. Amoy na amoy din ang usok ng m*******a sa loob. Buti na lang at sarado ang pinto sa kuwartong kinaroro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD