Chapter 42

1232 Words

Gaya ng sabi ni Luna, doon nga kami sa sala nahiga. Inilabas namin ang katreng gawa sa kawayan. Hindi naman iyon mabigat. Matrabaho nga lamang dahil parehong katre ang inilabas namin. "Kaya na namin sana ito ni Elias, Lorenzo," saway sa akin ni Luna nang tumulong ako. "Naku, Nay. Alaala lang po nawala kay Kuya hindi ang lakas niya. Ang laki-laki ng katawan niya eh kung hindi tayo tutulungan, " singit naman ni Elias na nginisian ako. Hindi ko alam kung kakampi ko ba siya noon o kaaway pero batay sa pakikitungo niya sa akin, mukhang sinasagad niya ang pasensiya ko. "Elias..." ito naman ang sinaway ni Luna. Natawa lamang ito nang maiayos na namin sa gusto naming puwesto ang katre. "Huwag mo ngang pasakitin ang ulo ng kuya Lorenzo mo," dagdag pa ni Luna. Ngunit imbes na tumigil ay inilabas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD