"Huwag mong stress-sin ang sarili mo sa pag-alala ng nakaraan hijo. Kusang babalik ang alaalang nakalimutan mo. You're healthy at sigurado akong agad na babalik iyon," sabi ng doctor sa akin noong makausap ko ito. Wala si Luna dahil nagbayad ito ng bills ko sa hospital. Nagkataong dumaan ito sa ward na kinabibilangan ko. "Salamat po, doc," sabi ko nang magpaalam na ito. Ngayon ay hinihintay ko si Luna para makauwi na kami. Nasabi na sa akin ang dahilan kung bakit ako naroon at sinapit ko ang kalagayan na iyon. Sa una ay talagang lito ang isip ko at nagagalit dahil sa wala akong maalala na kahit na ano sa sarili ko. Maging ng mga taong nagpakilalang kilala ako. Hindi ko matanggap na kahit sarili ko ay hindi ko maalala. Pero iba sa tuwing naroon si Luna. Kahit sabihin na sa una ay wala a

