Maghahapon na nang muli kong masulyapan si Luna. Kararating lamang niya at may dalang malaking supot sa magkabilang kamay. Hindi niya ako pinansin kundi nagtuloy-tuloy siya sa isang kuwarto na ang tanging tabing ay kurtina. Tila hindi naman sa sinasabi ni Elias nanggaling. Napaka-boring ng hapon na iyon sa akin dahil nasa upuan nga lamang talaga ako. Naglaro naman kami ni Elias ngunit ang pagiging baldado ay talagang nakayayamot. Wala akong ibang magawa kundi mag-isip. Napalingon ako sa labas, padilim na ang paligid. Mula sa pintong bukas ay pumapasok ang malamig na hangin. Medyo malamok na rin kaya wala akong ginawa kundi ang mahihinang pagtampal sa balat kong may dumadapong lamok. "Kumain na tayo," bungad ni Luna nang pumasok na muli sa bahay. Kasabay ng pagpasok niya ay ang pagliwa

