“IHINTO mo muna,” utos ni Mayor Conrad sa kanya nang halos kalahating kilometro na ang layo nila sa Villa Lucila. Itinabi ni Doming ang sasakyan kahit na wala namang masyadong dumaraan sa kalsadang iyon. Mula sa Villa Lucila hanggang doon ay tatlong bahay lamang ang kanilang nadaanan at magkakalayo pa. Sabana ang lugar na iyon kaya naman lalo nang pinagkakatakutan kahit na katirikan ng sikat ng araw. “Pasensya na. Kailangan kong gawin ito.” Dali-daling bumaba ng kotse si Conrado. Napamaang na lamang siya nang makita ito na parang bata na nagtatakbo sa kaparangan. Patalon-talon pa ito at nagsisisigaw na tuwang-tuwa. Mayamaya ay tila napagod ito at napaupo na lamang sa lilim ng isang puno pero bakas na bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan. Buhat sa sasakyan ay naririnig pa niya ang h

