Part 21

1279 Words

“AKO NA ang bahala sa pagpapaopera sa asawa mo. Sagot ko ang lahat ng gastos pati sa donor niya. Ngayon din, ipahanda mo ang ambulansya ng munisipyo at iluwas siya sa Maynila. Mas magandang doon siya magpagamot.” Naglabas si Mayor Conrad ng isang paldong tig-limandaang piso buhat sa clutch bag nito at iniabot sa kanya. Hindi na siya nagtaka na may dala itong ganoon kalaking pera. Palagi naman. Payat ang isandaang libong cash nito sa bulsa araw-araw. “Singkuwenta mil iyan. Ipabaon mo sa asawa mo. Maghahanda pa ako ng cash para pandagdag. Tiyak na hindi kasya iyan.” Nakatitig siya sa pera subalit hindi niya magawang abutin kaagad. Parang nangangatal ang buong katawan niya. Pero naisip niyang kaya nga siya nagtangkang magnakaw ay para din sa pampaopera ni Patria. Ngayon ay inihain na sa kany

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD