Part 22

1204 Words

“NAPAKARAMI naman ho yata nito, Mayor Conrad?” pansin niya nang bukod sa isang kahong Red Horse beer ay isang malaking bote pa ng Fundador ang pinapadala nito sa kanya. Masagana rin ang hapunan na pinahanda nito sa kusinera. Bukod pa sa pulutan na kahit yata sa dalawampung tao ang kakain ay sosobra. “Hayaan mong bumaha ng pagkain at maiinom. Celebration iyan. Kung gusto mo silang saluhan at makitagay, bahala ka na.” “Hindi na ho siguro, Mayor. Wala hong kasama ang mga bata sa bahay. Ihahatid ko na lang ho ito sa mga trabahador.”  “Doming, makinig ka. Iyong ipapagawa ko sa iyo ay kailangan mong gawin ngayong gabi.” Sunod-sunod siyang tumango. Ang nasa isip niya ay ang asawa niya na sa mga sandaling iyon ay kadarating lang sa nilipatang ospital ayon sa text ng kapatid niya. “Oho, Mayor.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD