IPINARADA ni Doming ang motorsiklo, mahigit isangdaang metro ang layo sa bakuran ng Villa Lucila. Mula doon ay tahimik siyang naglakad sa madilim na kalsada. Mula din doon ay tanaw niya ang liwanag na nagmumula sa loob ng villa. Halos hilahin niya ang mga paa niya sa bawat hakbang niya. Pakiramdam niya, habang papalapit sa villa ay lumalapit din ang paghakbang niya patungo sa impiyerno. Walang ingay na napasok siya sa bakuran. Habang papalapit sa villa, ay naririnig din niya ang masaya at maingay na kuwentuhan ng mga piyon. Halatang lasing na ang mga ito. Lumigid siya sa villa at sinilip mula sa bintana ang mga nag-iinuman. Nakahapay na sa isang dingding si Abet, mukhang nakatulog na sa kalasingan habang ang iba naman ay nakaharap pa sa mga nakabukas na bote ng alkohol. Base sa pagtingin

