Part 24

1934 Words

WALA NGANG tao doon. Gamit ni Kitkat ang sariling susi ay binuksan nito ang bahay. Ang bumating katahimikan sa kanila ay sapat para halos lahat ng buhok sa katawan ni Dominic ay pumalakpak sa excitement sa ideyang solo nila ang lugar. “Come in.” Ibinaba ni Kitkat ang bag nito sa kalapit na silya. “Wait lang. Magtitimpla ako ng juice natin. Titingin din ako ng puwede nating meryenda.” Pero hindi siya mapakali sa puwesto niya. Ni hindi siya nagtagal sa kinauupuan. Tumayo siya at luminga. Buhat sa bintana ay tanaw ang mahabang kalsada. Oras ng siesta kaya higit na walang katao-tao sa paligid. Mas tahimik. Lalong inalinsangan ang pakiramdam niya. Sumunod siya sa kusina. Nakatalikod sa kanya si Kitkat. Busy ito na nagtitimpla ng juice sa isang pitsel. Pinagmasdan niya ito. Nakatali ang buh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD