TANGING ang quadrangle lang ang maliwanag sa buong Sto. Tomas National High School. Ang ibang bahagi ng eskuwelahan ay nababalot ng dilim. At alam na alam ni Dominic, sa mga sulok-sulok ng kadilimang iyon ay may mga pares nang nakaokupa. Karaniwan na iyon, na taon-taon, sa tuwing matatapos ang prom night ay may mga panty na nawawalis ang janitor sa kinabukasan. Noong isang taon lang, naglagay ng malaking kahon sa may stage ang janitor. May nakasulat na LOST AND FOUND. At isang eskandalo na hindi mabilang na panty ang nasa loob ng kahon! Halos kalahating araw na sermon ang inabot ng mga estudyante mula sa principal habang nakabilad ang lahat sa arawan matapos ang flag ceremony. Ang sumunod na kalahating araw ay sermon naman sa bawat classroom mula sa mga advisers. Siyempre, wala namang aam

