KATRINA held her head high. Nang pumasok sila sa quadrangle ay marami na rin silang dinatnan doon. Kabi-kabilaan ang picture-taking. Everybody was looking at their best. At alam niya sa sarili niya na hindi siya pahuhuli. She knew she was beautiful on her own right. Hindi iilang ulo ang napalingon sa kanila ni Dominic. And she felt all the more proud. Bakit nga ba hindi ay talaga namang ang guwapo-guwapo ng escort niya. Totoong bagay dito ang pormal na suot. His hair was also neatly combed. At obvious na pinaghandaan din nito ang gabing iyon. Iba ang cologne na gamit nito kesa sa araw-araw na naamoy niya dito. Parang mas binata na ito ngayon. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mga tingin na puno ng paghanga na inuukol ng mga babae kay Dominic. Suddenly she felt possessive of him. Nang mar

