“DALAGANG-DALAGA ka na, anak,” tila maluluhang sabi ni Harriet habang pinagmamasdan siya nito. “Ang ganda-ganda mo.” “Thanks, Mom. Sa iyo ako mana,” tugon niya dito saka tinitigan din ang sarili sa harap ng salamin. Dark violet na halos kasing kulay ng talong ang strapless gown na suot niya na nagpalutang lalo sa kaputian niya. Simple lang ang tabas niyon. Simple lang din ang burloloy. Dahil sabi nga ng Lola Lily niya na siyang nag-volunteer na tumahi ng gown niya kahit na natagalan itong gawin iyon, hindi niya kelangan ng bonggang gown. Kahit nga daw sako ang isuot niya lulutang at lulutang pa rin ang likas niyang ganda. At siyempre, alam niyang hindi naman siya binobola lang ng lola niya. Iginalaw-galaw niya ang balikat saka hinagod ang malambot na tela ng kanyang gown. May mga pinon

