NAPAILING si Kitkat. Isang tingin pa lang niya ay duda na siya kung kakasya sa maliit na maletang inihanda niya ng mga gamit na nakalatag sa kama. Hangga’t magagawa niya ay basic things lang ang nandoon. Pero bakit parang ang dami pa rin niyang dala? Remember to travel light. Iyon ang unang rule na inilagay niya sa isip. Sa tingin naman niya ay nakakasunod siya. “Kung good for two weeks, light na ito kung tutuusin,” kumbinsi niya sa sarili. Anim na underwear, tatlong bra, dalawang pantalon, dalawang shorts, tatlong-T-shirts at tatlo ding blouse ang inilabas niya. Kumuha siya ng dalawang terno ng sports wear, ilang pares na medyas at isang tuwalya. Hindi rin niya kinalimutang maglagay doon ng dalawang sundress saka little black dress. At saka kumuha na rin ng swimsuit at sarong. Baka mam

