“SI KAT! Si Kitkat!” parang nawala sa huwisyo na sabi ni Dominic sa sarili. Siyempre pa ay hindi niya makakalimutan si Kitkat. Nagdududa pa ba ito na nakalimutan na niya ito para ipaalala pang ex niya ito? His sweet ex. His very first girlfriend. Na oo nga, ex na niya ngayon. Parang mabilis na nag-replay sa kanya ang mga huling araw na magkasama sila. Iyon ang mga memorya na iniiwasan niyang balikan, sa totoo lang. Sweet and bittersweet memories. May mga gabing in-entertain niya iyon sa kanyang alaala pero hanggang doon lang. Ayaw niyang tumining sa kanya ang ala-ala dahil may ibang damdamin na ginigising iyon sa isang sulok ng puso niya. He had treasured her in one very special part of his heart. Gusto niyang manatili iyon doon. Ayaw niyang mag-isip ng iba pa. Ayaw niyang mag-isip ng mga

