THAT GARTER adorned with lace and blue ribbon. Paano niya makakalimutan iyon? Ilang sandali na nakatitig doon si Dominic. Umiwas man siya ay parang nasa harapan niya ngayon ang nakaraan. Ipikit man niya ang mga mata ay malinaw pa rin sa isip niyang tila nagre-replay ang alaalang iyon. Pamusod sa buhok? Kapag naiisip niya iyon ay natatawa siya. Bakit ba ay gandang-ganda nga siya doon bilang pantali ng buhok. Akalain ba niyang may iba palang silbi iyon lalo na sa kasalan. But more than that, ang higit niyang naaalala ngayon ay ang simbolo niyon sa pagitan nila. Hindi ba’t halos bumaha noon ng luha habang naghihiwalay sila? Masakit na masakit iyon sa kanya. Sa kabila ng kabataan nila noon, hindi niya akalaing makakaramdam siya ng ganoong sakit. At mas doble pa nga dahil may kasamang guilt

