Chapter 4

861 Words
> EXCUSE ME GIRL’S POV   ANG GANDA NG mga bituin, parang si Nate. Nung bagong lipat pa lang ako sa school, pagkakita ko sa kanya para na siyang star. Kumikinang at napakalayo na di ko kayang abutin. Pero kanina, nalapitan ko na siya. Ewan ko kung saan ako kumuha ng tapang? Basta sabi ko DO OR DIE! Tapos yun na, namalayan ko na lang na sinusundan ko na pala siya pagkababa niya pa lang ng kotse. Likod niya pa lang ang gwapo na!   Papasok na sana ako sa classroom, at dadaan sa likod na pinto tulad nang lagi kong ginagawa para di ako gaanong mapansin ng iba. Kaso nakita kung nakaharang siya sa harap na pinto, kaya dun na lang ako dumaan. Jealous much man dahil ka-holding hands niya gf niya, at parang ang saya nila, wah ako cares!   Nag-excused ako na parang napalakas pa ata yung boses ko? Tapos umusog sila, at nakayuko akong dumaan sa gitna nila. Tapos, aaahh! Nagkadikit kami! Pero yung sleeves lang naman ng uniform namin. Then nagkatitigan pa kami? Kamukha niya talaga ang mga Korean actors na crush ko! Di ko alam kong ba’t niya ako tinitigan? Nagkalakas tuloy ako ng loob na lapitan siya sa canteen nung nakita kong bakante sa tabi niya. Sugod naman ako! Time is gold, kaya kung may pagkakataon, sugod! Tapos kinausap niya ako! Ayyyeeeiii!   Sabi niya, oh, s**t! First time yun! Gusto ko sanang sumagot ng yeah!. Kaso nahiya na ako, pinagtinginan na kasi ako ng mga schoolmate namin. Kaya ayun, yumuko na lang ako at umalis. Piling ko kasi sobrang namula na ako, uminit kasi pisngi ko.   Waaaahh! Gusto kong tumili! Sumigaw! Magtatatalon sa kilig! Awooohh! Awooohh! Awooohh! Pero pinigilan ko, baka marinig ako nina mama at papa, at ang atribida kong ate, si ate Kheizhara na wala nang ginawa kundi ang asarin ako at awayin maghapon. Kunting ingay ko lang pa naman nagpa-panic na ang mga yun. OA pa sa pagkakilig ko kay Nate mga reaksyon nun. Nakakainis na minsan!   Pa’no ba naman kasi ako di kikiligin? Eh, pag-log in ko sa sss tumambad sa newsfeed ko yung pictures namin ni Nate na magkatabi! Ayyyeeii! Kanina lang ‘to! Hala! Halos lahat ng pictures ng barkada niya kasama ako?   Nahagip lang naman ako ng cam, pero okay na yun! Kahit nakatagilid ako at di kita mukha ko sa pictures, alam kong ako yun! Kilala ko buhok ko, medyo magulo lang pero shiny! Aaayy! Isi-save as ko ‘to!   Ganito ko na ba siya kagusto? Nalungkot naman ako dun nang maisip ko yun. Alam ko kasing imposibleng magustuhan niya rin ako. Maging posible man, di pwede. Napangiti na lang ako at muling tumingin sa mga bituin. Ganito lang talaga ang pwede nating maging relasyon. Ako ito, patingin-tingin lang sa ‘yo sa malayo. Ang drama lang, arte-arte! Bigla na lang pumatak ang luha ko.   “Pero, mawawala na lang ba ako ng ganun? Na di ko man lang naranasan ang umibig at maibig? Ang unfair naman yata nun? Sana tulad na lang ako ng iba. Sana nor – ” Naputol ang drama ko nang marinig ko na may pumasok sa kwarto ko. Agad ako nagpunas ng luha at sinara ang bintana.   “Nakatanaw ka na naman sa langit. Pinagmasdam mo na naman ang mga bituin. Naabot mo na ba?” Si mama ang pumasok.   “Imposible po talagang maabot ko, ma. Ayaw ko nang umasa.” Malungkot kong sagot.                               “Itong batang ‘to. Talagang imposible yan.” Natawa na lang si mama sa akalang biro ko. Madalas ko kasing sabihin nung bata pa ako na gusto kong pumitas ng star. Para kahit anong oras ko gusto mag-wish, makakapag-wish ako. Marami kasi akong gustong kahilingan nun. Kahilingang akala ko posible, pero hindi pala. Pero ngayon ibang star na ang tinutukoy ko. Star na mas imposible.   Yinakap ko si mama. Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. Dama ko ang lungkot niya.   “Inumin mo na ‘tong gatas at magpahinga ka na. Para makaya mong pumasok sa eskwela bukas.” Natigilan si mama. “Pero pwede naman na wag ka nang pumasok. Dito ka na lang sa bahay.” Nakikita kong pinipigilan niyang maluha. Nakangiti siya habang hinahaplos ang buhok ko.   “Ma, gusto kong maging normal hanggang sa huli. Nakakaya ko na naman po. Halos lamang na ang absent ko kaysa sa pasok ko. At isa pa, halos tatlong buwan na lang naman graduation na. Gusto ko pong umakyat sa stage. Gusto kong magpa-picture tayong lahat na nakatoga ako.”   “Gusto ko rin yun.” Hinaplos ni mama ang mukha ko. “A-attend ka ba sa prom n’yo?”   “Opo, ma.” Nakangiting sagot ko. “Ma, gusto ko pong i-enjoy ‘to.” Niyakap niya ako sa sinabi ko. Hinalikan ni mama ang noo ko bago siya lumabas ng kwarto pagkaubos ko ng gatas.   Nahiga ako at muling tiningnan ang pictures ni Nate. Ewan ko kung ano ang taong ‘to. Pero makita ko lang siya napakasaya ko na. Nakakalimutan ko kung ano ako. Nawawala sa isip ko ang mga posibleng mangyari sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD