Chapter 3

753 Words
“SORRY, MAKIKIUPO LANG sana.” Si Excuse me girl. Namula ang mukha niya at di makatingin sa ‘min. Ang s**t lang talaga dahil napanganga na lang ako!   Makikita sa mukha niya na napahiya siya. Ba’t ko ba kasi nasabi yun? Baka isa siya sa fans ko. Paktay! Baka maging hater ko pa ‘to? At yun talaga ang pumasok sa utak ko. Pero ba’t ba kinabahan ako?   “May naka-upo dyan.” Nakangiting sabi ni Edward. Oh, thanks bro! Di kasi ako makapagsalita, di ko alam sasabihin. Ayaw ko naman humingi ng sorry. Eh, sa ginulat niya ako, eh.   Yumuko na lamang siya bilang paumanhin. Siya pa talaga ang nag-sorry? Nakayuko siyang umalis. Napahiya ko siguro talaga siya. Pinagtinginan kasi siya ng mga nakaupo malapit sa table namin.   “Bro, problemo?” si Karl.   “Init ulo, hah! Problema?” si Kyle. Masanay na kayo. Basta may magsalita sa isa dyan. Susunod yung isa.   “Minsan na nga lang pumasok ang classmate natin na yun gaganunin mo pa?” si Jasper at ngumiwi sa ‘kin. Eh, malay ko ba? Ano bang ginawa kong masama sa nangyari?   “Crush pa naman ni Jasper yun.” Si Zab.   Natawa si Jasper. “Hoy! Di, hah! Ang weird kaya nun!”   Di na ako umimik, nagkwentuhan sila pero di ko sila pinansin. Sinundan ko ng tingin si Excuse me girl – wala pa siyang maupuan. Napansin kong nakatingin sa ‘kin si Edward, I mouthed him, what? Nakangiting umiling lang siya na parang may kung anong iniisip. Sira talaga ‘to!   Nasulyapan kong nakaupo na si werdo nang may umalis. Ewan ko, pero parang natuwa ako. So, bihira pala siyang pumasok, kaya pala di ko siya pansin.   “Anong kailangan ng weird na yun?” si Lhyn nang makabalik sila ni Cristy.   “Ba’t ang init ng dugo mo dun? Wala naman ginagawa sa ‘yo?” natanong ni Cristy kay Lhyn nang makaupo siya sa tabi ko.   “Ewan ko ba? Basta ayaw ko sa babaeng yun!”                 “Sa tingin mo, Lhyn gusto ka niya? Makikiupo lang sana yung tao.” Si Jasper. Hay! Mag-aasaran na naman ‘tong dalawang ‘to.   “Paki mo ba?!” erap ni Lhyn.   “Sabi mo kasi di mo siya gusto. Eh, di ka rin naman gusto nun.” Pumungay ang mga mata ni Jasper. ‘To na, magsisimula na ‘to. “Pero ako, gusto kita! Boom!” sabi na, eh!   “Utot mo!” nag-pout pa si Lhyn. Halata naman na nagpapa-cute lang kay Jasper. Nagpapa-crush talaga ‘to.   Natawa na lang kami sa dalawang ‘to. Hilig kasi maglaro ng taguan ng feelings ng mga ‘to, di pa kasi mag-aminan game. Love team din ang dalawang ‘to, di pa nga lang nadi-discover. Halata naman kasing gusto nila ang isa’t isa di pa magdiretsahan.   Nagkwentuhan sila, topic si Excuse me girl. Trending ba siya ngayon? Nakinig lang ako, nalaman kong transferee siya at bihira lang talaga pumasok. Halos di rin daw nagsasalita at walang kaibigan. Lagi kasing mag-isa at di nakikipag-usap sa iba. Weird nga pala talaga siya.   Pero ang mas weird pa dun, ni di nila nabanggit ang pangalan ni Excuse me girl. At ang malupit na weird pa dun, ba’t parang gusto kong malaman ang name niya? Oh, s**t!   Pero ang mas s**t pa dun! ‘Tong si Edward na ‘to patingin-tingin with nakakaloko-look. Napapa-smirked na ako at ginantihan ko siya ng what-look with tatamaan-ka-sa-kin-look, kaso di natinag. Minsan talaga makakatikim sa ‘kin ‘tong pinsan kong ‘to! Tamang hinala, eh!   Pero siguro napansin niyang pasulyap-sulyap ako kay Excuse me girl habang nag-uusap sila. Nasa unahan lang kasi namin siya dalawang mesa ang layo. Pero pasulyap-sulyap ba talaga ako? Haist!   Nag-ring ang bell, hudyat na tapos na ang lunch break. Bago kami pumasok sa room, groufie-groufie at selfie-selfie para sa update sa group page namin sa sss, twitter at **. Marami kasing nag-request na gumawa kami ng fan page. Yung iba gusto kanya-kanya pa kami ng page at may ilang yung love team daw namin ni babe. Pero sabi namin iisa na lang dahil sa tropa namin si Cristy at Lhyn lang mahilig sa ganun. Pati pala yung kambal. May iba naman na ginawan na lang kami. Pasimple nila kaming kinukunan para sa update. Parang may paparazzi na laging nakasunod sa ‘min. Buti dito lang sa school at di naman nai-invade ang privacy namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD