Chapter 2

907 Words
“EXCUSE ME!”   “Excuse me!”   “Excuse me!”   Napapatingin ako sa bawat magsalita ng ‘excuse me’. Ano ‘to ‘LWS?’ Last Word Syndrome? Oh, s**t! Lintik! Pinagpapawisan na ako dahil sa excuse me na yan, sa kakalingon ko! Chillax, Nate! Chillax! Be cool! Pero bakit ba? Dahil ba sa werdong babaeng yun?   Nasa canteen kami ng school ng malulupet ko at astig na tropa. Walo kami na madalas magkakasama, kami ang sanggang-dikit. Marami naman kaming ibang kabarkada, pero kami ang tunay na tropa. Magkakaedad kami at magkakaklase. Ipakilala ko na lang sila para maiba ang focus ko.   Nakilala niyo na si Cristy, gf ko. Pinakamaganda dito sa school at love na love ko. At syempre alam kong mas love niya ako. Maraming boys ang nagkaka-stiff neck pagdumaan siya sa kakalingon sa kanya. Well, sorry nalang sila dahil sa ‘kin lang nakatingin gf ko.   Si Lhyn, bestfriend ni Cristy. Inspired by k-pop ang pormahan at mahilig magpa-cute. Well, cute naman talaga siya. Madalas din magsalita ng Korean, pero tumigil na, minsan kasi di namin pinapansin.   Sina Kyle at Karl, kambal sila. Magkamukha, pero di ka naman malilito dahil magka-iba ang pormahan nila. Hip-hop ang datingan ni Karl at rakista naman si Kyle. Pero minsan inaabot ng kakulitan ‘tong dalawang ‘to. Nagpapalit ng porma, ‘tas pagkakausapin namin dedma. Yun pala nagpalit silang dalawa, tapos pagtatawanan na lang kami. Itong dalawang ‘to ang alaskador ng tropa.   Si Zab, trip ang nerd look. Pero nagbabagong anyo kapag nagpi-play ng drums. Naghuhubad pa yan ng damit, parang may sapi lang. At itong isang ‘to ang pinaka-alaskador kaysa sa kambal. Sarap iuntog ng tatlong yan!   Si Edward pinsan ko na tinuturing kong bestfriend. Walang hilig sa pag-aaral at ayaw na ayaw na nagbabasa. Pero pangarap maging writer niyan. Gustong maging Nicholas Sparks at John Green ng Pinas. Follow niyo siya sa w*****d and dreame at @xiunoxki, nagpa-follow back yan. Malakas ang pakiramdam ng taong ‘to, di mo matataguan ng sekreto. Siguro dahil sa kung ano-anong pumapasok sa utak nito. Pero minsan tamang hinala lang ‘to, eh. Wag mong tangkaing kausapin ‘to ng seryosohan. Naku, mamamatay ka sa pagka-emo nito!   Si Jasper, nakilala niyo na kanina. Yung maloko naming tropa. Daming pakulo ng taong ‘to, siya madalas magyaya ng trip. Kung saan-saan kami dinadala, blogger kasi. Ito ang pinakamakulit at maharot sa tropa. Pero supalpal ‘to sa tatlong alaskador. Si Jasper ang dahilan kaya mas lalong sumikat kami sa school at sa ibang school na rin. Kahit saan nga siguro may nakakakilala narin sa ‘min.   Last year kasi niyaya kami ng ugok na Jasper na ‘to somewhere in Makati. Akala namin may party lang. Yun pala may pictorial para sa isang Teen Magazine, pinag-model kami ng mga damit. Wala na kaming nagawa, andun na, eh. Kaya yun, kung todo pose naman kaming walo, kakaibang trip yun. May bayad naman at na-enjoy din namin.   Nagkaroon din kami ng mga commercials sa tv dahil dun, naging instant commercial model kaming walo. May commercial na magkakasama kami at minsan kanya-kanya. Ako ang may pinakamaraming nagawa. May commercials din kasi kami ni Cristy na kami lang dalawa, madalas love team kami sa mga commercials na yun. Nagkaroon pa nga ng fans club sa school ang love team namin, ang ‘CriNate’. Ang sama nga, eh. Parang crimate, naisip ko nga baka maging abo na lang someday ang love team namin. Di na lang dinagdagan ng ‘s’ at ginawang ‘CrisNate’. Parang mas okay pa, di ba?   May talent manager na rin na inalok kaming mag-artista. Sumali daw kami sa reality show, sure daw na pasok kami. Magkukunwari lang daw na dadaan sa audition, at sure daw na sisikat kami. Lalo na daw ako at si Cristy. Pero tumanggi kaming walo, mas trip kasi namin yung gan’to lang, steady lang at nagagawa namin lahat. Napupuntahan ang gustong puntahan. Nakakagimik sa kung saan. Lahat ng trip sa buhay nagagawa nang walang pumupuna. Mas astig kaya ang ganito, malaya!   Yan ang tropa ko, artistahin ang mga dating; hinahangaan, tinitilian at kinaiinggitan. Bukod kasi sa pinagpalang hitsurang meron kami, eh, galing pa kami sa mayayamang pamilya. Di naman sa nagyayabang, nagpapakilala lang. Pero syempre angat ako sa mga yan! Ako yata si Nate, The Famous Nate.   Dami ko nang kwento, pero naba-bothered pa rin talaga ako ng excuse me word na yan. Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko!   “s**t!” bigla ko na lang nasabi. Napalakas pa naman. Napatingin tuloy mga tropa ko.   “What?” si Edward.   “Problema mo, bro?” si Jasper.   Si Cristy naman tiningnan ako ng what-look. Umiling lang ako at nag-sighed. Di ko alam isasagot ko.   “Okay.” Si babe. Tapos tumayo sila ni Lhyn.   “Restroom lang kami, guys!” si Lhyn. Ang liit ng babaeng ‘to ang lakas ng boses. Parang ang layo ng kausap.   Maya-maya pagkaalis nila, may nagsalita sa likod ko.   “Excuse me?”   “Oh, s**t!” di ko mapigilan mapa-s**t, eh. Nilingon ko kung sino. Oh, s**t ulit! Si Excuse me girl?   Nakita ko sa mukha niya na nabigla siya. Parang mabibitawan niya pa ang hawak niyang tray. At ako… ako, parang natulala. Nagkatinginan kami mata sa mata. Ang weird? Sobrang weird! Yung puso ko, parang ewan? Togtog togtog togtog! Sabi ng puso ko! s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD