BOOK 2: CHAPTER 9

4254 Words

CHAPTER 9: Pagsasanay  “AAAHHH! OH, s**t!” daing ko hawak ang sumasakit na dibdib ko. “Kailangan ba talaga gano’n kalakas?!” sigaw ko kay Mira. Nang sugurin ko siya habang nakatayo lang siya, nasalag niya ng kanyang espada ang pag-atake ko sa kanya ng sangtron tapos sinipa niya ako ng malakas sa dibdib – ang bilis ng kilos niya. Kaya ito, bulagta ako sa sahig matapos tumilapon. Nanikip pa ang paghinga ko. “Papatayin mo ba ako?” Tinawanan lang ako ni Mira. “May nakatala ba talaga sa Aklat ng Isi na ikaw ang magtatanggol sa aming kaharian? Sa aming mundo? Isang mahinang gaya mo?” panunuya niya sa ‘kin. Tumayo ako sa tulong ng sangtron at masama ko siyang tiningnan. “Akma nga sa isang lampang kagaya mo ang sangtron. Para kang matandang uugod-ugod na kailangan na ng tungkod,” muling panunu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD