CHAPTER 10: Ang Pangungulia At Ang Nagbabadyang Panganib 10 DAYS. 10 days na ako sa mundong ‘to, ang Anorwa. Mundo ng mga diwata at iba pang kakaibang nilalang, mga nilalang na akala mo sa mga fantasy story mo lang matatagpuan, mga mythical creatures na para sa mga tao’y gawa-gawa lang ng imahenasyon at malikot na pag-iisip, mga nilalang na sa mga kuwento lamang nabubuhay. Tinatawang silang mga ‘norwan’, mga nilalang na naninirahan sa mundo ng Anorwa. Sa sampung araw ko rito, hindi pa rin nasasagot ang mga tanong: Nasaan na si Chelsa? Buhay pa ba siya? Narito ba siya? At si Tito Chelo, sino ang kumuha sa kanya? Nasaan na siya sa mundong ito? Madalas kong itanong kay Pinunong Kahab sa tuwing may pagkakataon kung ano na ang balita kina Chelsa, dahil nangako silang hahanapin nila sila. Pero

